Louisse
Nakahiga na ako. Pero di pa ako makatulog. Bumabalik sa isipan ko ang nakita kanina.
They looked so close to each other. And palaging nakangiti si Bea kay Kiana. Nagtatawanan sila palagi. May sense of humor naman talaga si Bea. Nakabusangot na naman ako. May pa hawak hawak pa ng kamay at braso. Nakasandal pa sya kay Bea. They danced pa!
Napabaling ako ng higa. Nakaharap na ako ngayon sa bintana.
Di ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko.
Basta! Naiinis ako kay Bea!
Inis na inis ako sa kanya!
Since di ako makatulog ay bumangon na ako. Sasakit lang ang ulo ko.
Nanood na muna ako ng tv.
Nasa sofa ang dalawa kong paa at nakatukod naman ang baba ko dito. Nakasalikop ang mga kamay ko sa tuhod ko.
Nakabusangot pa rin ako.
Akala ko ba crush nya ako. Bakit ganon? Nakikipag landian sya sa iba. Di ba nga? Ako ang crush nya daw!
Nagpapadyak akong naglakad papunta sa kitchen. Kumuha ako ng vanilla ice cream at nagsalin sa mangkok.
Nakataas pa rin ang mga paa ko sa sofa habang kumakain ng ice cream.
Naalala ko na favorite rin ito ni Bea.
Bea na naman! Aaargh!!!!!
Nakatapos ako ng isang movie bago ako antukin. Pinatay ko na ang tv at pumasok sa kwarto ko.
Nakatulog na ako kaagad.
Bea
Haaay! Umaga na naman! Nag inat inat muna ako bago bumangon.
Six a.m. pa lang pala. Makakapag jogging pa ako.
Nag half bath ako agad at nag toothbrush. I change into my fav outfit.
Gray jogging pants at light blue shirt and white sneakers. Bumaba na ako agad.
I booked grab at dumating naman ito agad. Sumakay na ako.
Nakasandig lang ako sa upuan. Dahil walang traffic ay nakarating kami agad. Nagbayad na ako at bumaba na.
Aba! Walang Louisse akong nakikita! Baka tulog pa. Pero, mas nauna silang umuwi ni Jemy kagabi, a!
Naghintay pa ako ng ten minutes. Nong wala pa ay nag jogging na ako.
Naka earphone na ako.
After thirty minutes ay umupo muna ako sa bench sa park.
Nagpahid ako ng pawis. It always feels good pag pinagpapawisan.
Tumakbo ako ulit.
Hingal na hingal ako pagkatapos. One hour akong tumakbo. I was breathless. Umupo ako ulit sa bench.
Nang nag cool down na ako ay naglakad na ako papunta sa building nila Louisse.
I bought coffee and breakfast.
Pasipol sipol akong sumakay sa elevator.
7:45 a.m. na. Siguro naman, gising na yon!
I push her doorbell. Wala.

YOU ARE READING
Sorry, Mahal Kita
FanfictionThey met through common friends. She has a boyfriend. She is single. They became friends. A very short story.