Bea
One month na ako dito sa resthouse namin sa Tagaytay.
I enjoy naman the beach and the peace.
Pero parang may masakit sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Mas sumasakit pag naaalala ko sya.
Palagi ko naman sya naaalala.
Nakaupo ako ngayon sa tabing dagat. Looking at the ocean.
Sakit ng sampal nya nong araw na yon.
Pinakamasakit ang ibig sabihin non.
She don't feel the same. And she hates me dahil sa sampal na yon.
Kumuha ako ng beer sa mini cooler na nasa tabi ko.
Tinungga ko ito. Halos maubos ang laman nito.
Tumulo na naman ang luha ko. Ganito ako araw araw.
Tatambay sa tabingdagat sa hapon at magpapakalasing.
Magjo jogging sa umaga at matutulog maghapon. Nagtataka na nga ang caretaker sa akin. But, pinakiusapan ko si manong na wag sasabihin kila mommy at daddy ang ginagawa ko dito.
He cooks for me everyday at umaalis pagkaluto. Mag isa lang ako dito most of the day. Umaga nagpupunta dito si manong para ipagluto ako, pagkatapos ay aalis na. Sya na rin naglilinis ng bahay at nagpapa laundry ng damit ko at bedsheets.
I just have my walk everyday sa dagat. Pag napagod ay uupo sa sand at nakatulala lang.
Very late na babalik sa bahay para matulog. Gigising ng maaga para mag jogging. Kakain ng breakfast at matutulog hanggang lunctime. Kakain ng lunch at manonood ng tv at matutulog na naman ulit hanggang humapon. Pagka hapon na ay magdadala ng mini cooler na punong puno ng beer at tatambay sa tabing dagat.
Ganon ang routine ko, araw araw for a month.
Akala ko nga, ubos na ang luha ko.
I'm deeply falling in love with her. Kaya siguro ganito katindi ang epekto sa akin. Mawawala din siguro ito pagdating ng panahon.
Sana.
Nagising ako sa tapik sa pisngi ko.
Loel : Sis! Wake up na!
Napatingin ako sa nagsalita.
Bea : Kuya? Anong ginagawa mo dito?
Loel : Wala lang. I need some fresh air,, no?
Bumangon na ako at tumayo. Pumasok na ako sa banyo at naligo.
Nasa dining table kami ni kuya, kumakain ng breakfast.
Loel : You look like shit, sis!
Bea : I am just enjoying my vacation, kuya.'
Loel : Enjoying? You are definitely slowly killing yourself, sis!
Napangiti lang ako at sumubo ng egg.
Loel : Ano bang nangyayari sa yo? Mom and dad is worried about you.
Bea : They should not be. I am fine.
Loel : I don't think so.
Napatingin ako kay kuya.
Loel : A girl?
Bea : Nope.
Loel : Nagkakaganyan ang isang tao dahil sa love. Nakakapag pasaya ito. Pero, nakakabaliw din!
YOU ARE READING
Sorry, Mahal Kita
Fiksi PenggemarThey met through common friends. She has a boyfriend. She is single. They became friends. A very short story.