Louisse
Dati, excited ako kung lalabas kami ni Jeremy. Ngayon, hindi na. Parang kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya.
Bakit nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Nagsimula lang ito nong bumalik sya galing Thailand.
Di pa rin nagpapakita sa akin si Bea.
Ano na kayang nangyari sa kanya?
Parang.....I miss her na.
Wala akong ganang uma attend ng mga trainings namin. Pero, maganda pa naman ang peformance ko. Nilipat ako ng Akari sa bagong team na binuo nila, ang NXLed Chamelions. Japanese national ang coach namin. Bata pa pero very strict. Okey naman yon. Para matuto pa kami. Nanalo kami sa unang game namin.
Tuwang tuwa kaming lahat. Bago pa lang kaming team, pero may chemistry na. Parang close na kami lahat agad.
Nag park na ako sa parking area ng condo ko. Lumabas na ako at kinuha ang gym bag ko sa likod.
Sumakay na ako ng elevator. Nakatingin lang ako sa ceiling. Nang bumukas na sa floor ko ay lumabas na ako at naglakad papunta sa unit ko.
May nakita akong familiar na nakatayo sa labas ng unit ko.
Bea?
Binilisan ko pa ang lakad ko.
Louisse : Bea?
Napatingin sya sa akin.
Bea : Hi, Louiisse!
Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap sya agad.
Bea : Miss mo ko, no?
Louisse : Hindi, a!
Bea : Hindi nga!
Hinalikan nya ako sa noo ko at humalik naman ako sa cheeks nya.
Louisse : Ano ginagawa mo dito?
Bea : May ibibigay lang.
Binuksan ko na ang pinto ng unit ko.
Umupo kami agad sa sofa.
Louisse : At ano naman yon?
Bea : Here.
May ibinigay sya sa akin na paper bag.
Tinanggap ko naman ito at tiningnan kung ano ang nasa loob. Kinuha ko ang mga ito.
Louisse : Caps. Shirts. Hoodie and lots of chocolates!
Bea : Nag out of the country kami ng family ko. Vacation.
Louisse : O. Kaya naman pala di na kita nakikita at nakasama mag jogging!
Bea : I forgot to ask your number kaya di kita nasabihan.
Louisse : Yeah. Marami na tayong nagawa, nakapunta ka na sa bahay namin sa Batangas, pero, wala ka pang number ko at ako ng numer mo, hahahaha! Give me your phone.
Ibinigay naman nya ito sa akin. I type my number and my name. Crush.
Ibinalik ko na sa kanya ang phone nya.
Bea : O! Crush?
Louisse : Yes! Kasi alam ko na crush mo ako!
Bea : Ha ha ha! Lakas ng self confidence ni ate!
Louisse : Deny it all you want, but, I know na crush mo ako!
Bea : Whatever!
Nakita ko na namula sya. Napangiti naman ako.
YOU ARE READING
Sorry, Mahal Kita
FanfictionThey met through common friends. She has a boyfriend. She is single. They became friends. A very short story.