Bea
Mahal ko na talaga sya.
Tumulo na ang luha ko.
I drink my beer. Nasa terrace ako sa condo ko ngayon.
This is definitely a one sided feeling. Her being sweet and clingy to me makes it even harder not to fall for her.
Nakaubos ako ng anim na beer. Medyo hilo na ako ng humiga. Iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa makatulog na ako.
Nagising ako sa doorbell ko. Masakit sa taenga ang tunog. Mas sumakit ang ulo ko ng bumangon ako.
Naglakad na ako papunta sa may pinto. I then open it.
Bea : Louisse?
Pumasok na sya agad. Isinara ko naman ang pinto at naglakad papunta sa sala. Umupo ako sa sofa pati si Louisse.
Louisse : Bakit di ka nag jogging?
Bea : I overslept.
Louisse : Hmn. First time, huh? Ano ba ginagawa mo kagabi at napuyat ka?
Bea : I was drunk.
Louisse : What? Sino naman kainuman mo?
Bea : Just me. I was watching tv lang.
Louisse : At bakit ka naman naglasing?
Napatingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya ang dahilan?
Bea : Trip ko lang.
Louisse : Masakit ulo mo?
Tumango lang ako.
Pumunta sya sa kitchen. Parang nagluluto sya. Napahiga naman ako sa sofa at nakatulog ulit.
Louisse : Wake up na, bhe! Kakain na tayo!
Bumangon na ako, Hinawakan nya ako sa kamay ko at hinila papunta sa dining area.
Nagdasal na kami.
Nilagyan nya ng rice at sinigang ang plate ko. May mangkok na may lamang sabaw sa harap ko.
Louisse : Higop ka ng sabaw para mahimasmasan ka.
Humigop naman ako. Ang init.
Louisse : Hipan mo muna kasi! Hahahahahaha!
Kinuha nya sa akin ang mangkok at hinipan ng hinipan tsaka ibinigay sa akin.
Humigop ako ulit.
I eat slowly. Masakit pa rin ang ulo ko.
Louisse : Seryoso, bakit ka naglasing?
Napatingin ako sa kanya habang ngumunguya.
Nang malulon ko na ang laman ng bibig ko ay nagsalita na ako.
Bea : There is this girl. I am falling na for her.
Natigilan sya sa sinabi ko.
Louisse : O?
Bea : I can't stop falling in love with her.
Louisse : Bakit mo naman pipigilan? Mahal mo di ba?
Bea : Yes. I just confirmed it last night. But, she is with someone. Wala na akong pag asa. May mahal na syang iba. Straight sya.
Nakatingin lang sa akin si Louisse. Humigop pa ako ng sabaw at kumain pa.
Louisse : Mahirap yan. You need to tell her pa rin. Para mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman mo. Malay natin, baka gusto ka rin nya.
Bea : Hah! Napakalabo!
Louisse : SInungaling ka pala! Akala ko ba ako lang ang crush mo!
Napatingin lang ako sa kanya at di na nagsalita. Tahimik na kaming kumain.
Pagkatapos namin kumain ay pinainom na nya ako ng gamot. She told me to take a bath at naligo naman ako.
Pagkatapos ko maligo ay humiga ako agad at natulog.
May kung anong nakadagan sa dibdib ko. Ang bigat, Di ko na pinansin. Inaantok ako sobra.
Nang magising ako ay nakayakap sa akin si Louisse. Nakaunan ang ulo nya sa balikat ko at nakapatong ang isa nyang kamay sa tyan ko. Hinalikan ko sya sa noo nya.
Louisse : Masakit pa ulo mo?
Bea : Hindi na.
Louisse : Maganda ba sya?
Bea : Huh?
Louisse : Maganda ba ang mahal mo?
Bea : Oo. Napakaganda. So expressive ang mga nya Mapupula ang mga labi na gustong gusto kong halikan sana (kinurot nya ako sa tagiliran). She is so sexy and sometimes funny. May pagka moody din. May kakaiba syang galaw, so feminine. And i love all about her.
Louisse : Mahal mo nga.
Bea : Yeah.
Louisse : So! Hindi na ako ang crush mo?
Napatawa naman ako. I was just describing her. At hindi nya yata na gets yon.
Louisse : KIlala ko sya?
Bea : Yes.
Louisse : Who?
Bea : Basta. Kilalang kilala mo sya.
Nakita ko na malalim na nag isip si Louisse.
Louisse : Ipakilala mo ako sa kanya, ha?
At yinakap nya ako ng napaka higpit. Siniksik nya ang kanyang mukha sa leeg ko.
Yinakap ko rin sya ng napaka higpit,
Kung alam mo lang.
Kung alam mo lang na ikaw ang babaeng yon,
Louisse
Nasaktan ako sa sinabi ni Bea.
May mahal na daw sya.
Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya. May pumatak na luha sa mga mata ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ako nasasaktan?
Dapat maging masaya ako para sa kanya kasi may mahal na sya.
Pero, bakit hindi ako masaya. Bakit nalulungkot ako.
Gusto ko, na ako lang ang crush nya. Ako lang.
Pinahid ko ang luha ko.
Tumingala ako sa kanya. May iniisip din sya.
Louisse : Ano iniisip mo?
Bea : I am just thinking kung sasabihin ko ba sa kanya.
Louisse : Tell her. Bahala na sya kung ano react nya.
Bea : Tingin mo?
Louisse : Y-yes.
Bea : We'll see.
Hinalikan nya ang noo ko. Napapikit ako.
Sa condo ni Bea ako natulog nong gabing yon.
My mind is always confused. Confused about my feelings feelings with Bea.
She is always on my mind now. Ginugulo nya palagi ang isipan ko. Napapatulala na ako palagi.
This feeling is so foreign and new to me.
HIndi naman siguro ganon.
Hindi naman siguro ako nafa fall kay Bea.
Pareho kaya kaming babae, no?
I just like her very much.
YOU ARE READING
Sorry, Mahal Kita
FanfictionThey met through common friends. She has a boyfriend. She is single. They became friends. A very short story.