Louisse
Nagising na ako at nag inat inat pa.
O My God! Nine a.m. na pala.
Naghilamos na ako at nag toothbrush.
Paglabas ko ng kwarto ay may narinig akong ingay sa labas ng bahay.
Pumanaog na ako at lumabas.
Nakita ko si Bea at Jaja, pati ang pinsan kong si Audrey. Puro sila pawis na pawis.
Jaja : Ang daya daya mo, ate Bea!
Bea : I am not! Natumba ko ang lata kaya panalo ako!
Naglalaro sila ng tumbang preso. Tawa lang ng tawa si Audrey sa tabi. Nagtatalo pa rin sila Bea at Jaja.
Natatawa naman si mama na nakikinig lang sa kanila.
Mama : Jaja, tanggapin mo na na nanalo si Bea!
Bea : See, Jaja! Even your mother sided on me! Talo ka na!
Audrey : Laro ulit tayo! Jaja, tama na yan!
Naglaro sila ulit. Napangiti ako. Bea can be childlike like what she said. Childlike but not childish. Pumasok na ako sa bahay at nag almusal.
Pagkatapos ko maghugas ay nanood ako ng tv.
Mayamaya ay pumasok si Bea at umupo sa tabi ko.
Napatingin ako sa kanya.
Louisse : Bea? Ang dungis dungis mo? At ang baho mo!
Inamoy naman nya ang kanyang sarili.
Bea : Hindi, a! Ang bango nga, e!
Nagtakip ako ng ilong. Umalis na sya at umakyat.
Mabango naman sya. Binibiro ko lang. Naniwala naman, hahahahha!
Pagbalik nya ay bagong ligo na sya.
Bea : O! Naligo na ako, ha?
Louisse : Hmn! Mabango na nga! Di ka naman talaga mabaho kanina.
Umirap naman sya.
Louisse : Nasaan na sila mama at Jaja? Pati si Audrey!
Bea : Pumunta sila sa bahay nila Audrey.
Louisse : Bakit di ka sumama?
Bea : Wala kang kasama dito.
Louisse : Nandyan naman sila manang.
Bea : Wala kang kausap.
Louisse : Nanonood ako ng tv.
Bea : Paano kung di ka na manood?
Louisse : Magbabasa ako.
Bea : Dahil nga wala kang kausap.
Louisse ; Hmn. You care about me, ha?
Bea : Of course! You are my friend!
Napatingin ako kay Bea.
Louisse : I have a question. Wag ka magagalit, ha?
Bea ; Nope.
Louisse : Sabi mo, bi ka. So, babae ang gusto mo. Anong mangyayari sa inyo, e, pareho kayong babae. Di naman kayo magkaka anak kasi nga pareho kayong girl.
Bea : Love is love. Walang pinipili. I may not have the right equipment like guys have, but, love is not just about sex. Loving someone without a physical relationship is so pure and honest. Loving is God's gift. Kaya kayo magpapakasal ay dahil mahal na mahal nyo ang isa't isa. Gusto nyo magkasama buong buhay nyo. Gusto nyo na ang unang makita sa umaga ay ang mahal nyo at sya rin ang huling makikita nyo bago matulog. Hindi ka mag aasawa dahil gusto mo magka anak, or for security reasons lang, or dahil takot ka mag isa or dahil nag asawa na ang iba. Magpapakasal ka dahil mahal na mahal nyo ang isa't isa. Bonus na lang ang anak.
Napatulala ako sa sagot nya. Di ko naiisip yon.
LOVE IS NOT ABOUT SEX.
So powerful words.
Louisse : Pag may nagustuhan ka at nagustuhan ka rin. You can love her without having sex with her?
Bea : Yes. Di kasalanan ang magmahal. Kahit kanino. It's the actions that you will do about that love that you feel.
Louisse : So, basta magkasama lang kayo?
Bea : Yes. A hug, a kiss will do. Cuddling, too.
Napangiti ako.
Louisse : You are a noble person.
Bea : Thank you.
After namin mag lunch ay nag movie marathon kami. Di pa bumabalik sila mama at Jaja. Manang made us some snacks rin. Bumili din sya ng Razon's halo halo. Simot na simot namin ni Bea ang halo halo, sarap kasi!
Naka talong movie kami. Halos mamula na ang mga mata namin. Niyaya ko si Bea na magpunta sa beach. Kotse ko ang ginamit namin.
Hapon na kaya wala nang masyadong tao sa beach. Naglakad lakad lang kami.
Bea : Swerte nyo. Malapit lang ang beach sa bahay nyo.
Louisse : Nong mga bata pa kami, pag summer, halos araw araw kami naliligo at naglalaro dito nila Jaja at mga pinsan namin. Ang saya saya namin noon. Napaka simple lang ng buhay namin.
Bea : Pwede pa naman yon ngayon. Just go home more often. You can still visit this place. Nandito lang palagi ang dagat. Naghihintay sa yo, like your family.
Louisse : You like the beach?
Bea : I love it!
Umupo na kami sa buhangin. Malapit na mag sunset. Nakatingin lang kaming dalawa sa dagat. may kanya kanyang iniisip.
Louisse : Jeremy don't like the beach. Ako naman, gustong gusto ko. He is an extrovert and I am an introvert.
Bea : But, both of you fall in love with each other. Yon ang magic sa love. Even opposites, attracts! Love can make you accepts what the other person is. All of him or her, tanggap mo. You can freely accepts his or her faults and pagkukulang. Para sa yo, sapat na sapat sya.
Napatingin ako kay Bea. Her idea of love is so ideal. So perfect. But, it's not like that in real life. Naghahanap ka pa rin. Nakakaramdam ng pagkukulang.
Louisse : You watch and read so many romantic films and books. What you have in mind is the ideal love.
Bea : Pag hindi mo yon naramdaman, it's not love or maybe it's love but, it's not the real one. Mababaw lang ang nararamdaman mo.
We both watch the sunset.
I know more about Bea. She is so talkative and always share her thoughts about certain things. About what she believes in. Especially about love. That thing about same sex relationship, hits me hard. 'Its not about sex'.
People always regarded sex in relationships, in marriage, in loving someone.
She thinks love in a more deep understanding. It is so divine.
After dinner ay bumalik na kami ni Bea sa Manila. May training na kasi kami kinabukasan.
Nakasunod lang sya sa akin.
Nang makarating kami sa Manila ay naghiwalay na kami ng dinaanan. I so much enjoyed her company.
![](https://img.wattpad.com/cover/355039135-288-k438642.jpg)
YOU ARE READING
Sorry, Mahal Kita
FanficThey met through common friends. She has a boyfriend. She is single. They became friends. A very short story.