Prologue

10.1K 130 7
                                    

This is a work of fiction.

Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

All rights reserved.

(present)

Nakilala ko si Lucas 16 years old palang ako, grade 10, 4th year in junior highschool. Kilala siya sa school namin dahil pogi na matalino pa. Literal na ideal man, tahimik lang siya at laging naka poker face na akala mo laging may kaaway.

Aaminin ko, medyo naging crush ko siya ng konti. Konti lang naman super konti.

Kaso, nalaman ko na may gusto pala sa kanya yung isa kong kaibigan. Sa sobrang pag ka gusto niya kay Lucas nawalan na lang ako ng choice aminin sa kanila na gusto ko din yung tao.

Mas okay na din, kasi for me mas bagay naman silang dalawa, I mean alam kong masyado pa kong bata para isipin yung mga ganong bagay pero syempre hindi naman natin maiiwasan na once na feel mo yung isang bagay wala ka nalang magagawa kung hindi i-accept nalang.... Kaya ganun yung ginawa ko nadedevelop palang yung feelings ko sa kanya nag move on nako kaagad. Ganon kabilis.

Mid of our school year, kumalat nalang sa buong school na gusto ni Heather si Lucas. Lahat ng teacher araw araw tinutukso silang dalawa. Lucas is one year younger than us kaya basically hindi kami mag kaklase. Gagawa at gagawa lang ang mga teachers namin ng paraan para maasar silang dalawa na mag kasama.

Kaso, before our school ends we found out na may gustong iba si Lucas sa ibang lower grade level. Hindi na ko masyadong nasaktan dahil una palang nga nag move on nako, kaso tong si Heather ayon heartbroken.

Buti na nga lang at ganon ang nangyare na nalaman namin kaagad kesa sa malaman niya kung kelan umaamin siya.

Anong mas worst? Yung malaman mo na kaagad na may gustong iba yung gusto mo o ma-rereject ka dahil malalaman mong may gusto siyang iba?

Parang pareho naman?

Anyways, ilang araw lang naman ang dumaan bago makapag move on si Heather. Hindi totally moved on kasi first love niya pero okay na din para hindi gawan ng issue dahil sa mga akto niya.

Dumaan ang mga araw at buwan, onti onti kong narerealized na nagugustuhan ko ulit siya.

Tuwing nakikita ko siya para bang automatic na ngingiti yung labi ko. Yung bang napapansin ko nalang sarili ko na nagiging makapal ang mukha para lang makita siya. Ang weird kasi hindi na dapat. Alam kong dapat hindi na kaya nga ako naguguluhan eh. Hinayaan ko nung una dahil akala ko wala lang, inisip ko nalang na baka naguguluhan lang ako kaya ganon.

Pero be! Lumipas ang graduation namin ng siya lang ang nasa utak ko. Pasimpleng stalk sa fb kahit di naman nag popost at parang may amag na pero sige parin. Quiet quiet lang ako kapag kasama ko si Heather tas kinukwento niya mga bagay na tungkol kay Lucas yung kilig ko tagong tago. Winiwish ko nalang talaga na wag mahalata na pinipilit ko yung emosyon ko.

I almost loved him for 2 years.

"2 years?!"

"Almost... 2 years Maureen. "

"Bakit almost, anong nangyare?"

The love I never gotWhere stories live. Discover now