There's a tragic that happened to our family. My dad encountered an illegal transaction, nung una naka takas siya kaya umalis kami ng pilipinas. Ilang taon ang lumipas at akala namin ay ayos na ang lahat. Ngunit pag balik namin sa pilipinas, may mga naka abang na sa bahay namin na mga armadong lalaki at pinag babaril si daddy. Luckily, nahuli sila ng mga pulis at hindi na kami muli pang ginambala.
Ngunit yung ginawa nila kay dad, iyong ang naging dahilan para mawala ko ang dalawang taong mahal ko sa buhay. After that tragic, mom got depressed. She's always crying and begging for dad to come back. Nasa kwarto lang siya araw at gabi, minsan naririnig naming kumakanta siya ng theme song nila ni dad, minsan naman parang may kausap, tas isang araw nakita nalang namin siya ni tami na sumasayaw habang hawak ang picture ni daddy. Tuwang tuwa siya na para bang totoo ang lahat. Na kasayaw niya talaga si dad. Nakita niya kami at inaya pa. Sobrang saya niya, habang sumasayaw hindi siya tumitigil sa pag sabi ng "bumalik na ang daddy mo Erin. Bumalik na siya. Kumpleto na ulit tayo. Buo na ulit tayo."
Nung una hinayaan ko lang siya, kasi sa ganon ko nalang siya nakikitang naka ngiti eh, na masaya na para bang wala ng bukas.
Pero sobra na. Sumobra na.
Isang gabi, nakita ko siyang naka upo sa kama nila ni dad. Tumatawa, pero mamaya ay magagalit, kalaunan ay iiyak. Para bang may sarili na siyang mundo. Mundo na kung saan ay sya lang mismo ang may gawa.
I have no choice but to let her go. Kinailangan ko siyang ipakuha dahil nag sisimula na din siyang saktan ang sarili niya. At saktan ang sarili niyang anak. Sinisisi ang sarili na kung sana hindi kami umuwi ng pilipinas ay buhay pa ang daddy.
"Erin, I'm here. Just cry on me, I won't judge you nor make fun of you. I will just be here." pag ka sabi niya noon ay bumuhos ang kanina ko pang pinipigil na mga luha.
God, do I deserve this man?
"I miss mom so much." humagulgol ako sa balikat niya. Wala siyang imik, ni kahit anong reaksyon wala siya. Nandito lang siya, nakikinig, at dinadamayan ako.
God knows how much I wanted to say this problem to someone whom I truly trust. Kung nandito lang si kuya Erl pwede ko din naman masabi sakanya kaso wala din siya eh.
Matapos kong umiyak ay napag pasyahan na naming umuwi upang makapag pahinga. It feels so great to have someone na pwede mong pag sabihan.
Simula nung gabi na yon mas lalong gumaan ang loob ko sakanya. At mas lalo ko lang siyang minahal at pinag katiwalaan.
Nanjan ang mga kaibigan ko na kino-comfort din ako pero iba yung comfort na nagagawa ni Lucas para sakin. Yung comfort na matagal ko ng kailangan. Matagal ko ng hinahanap.
YOU ARE READING
The love I never got
RomansBata palang ako pero marami na kong natutunan sa mga bagay bagay, isa na don ang tanggapin ang katotohanan at kung paano mag mahal ng tunay. Hindi ito kwento tungkol sa talambuhay ko. Tungkol ito sa pag mamahal na hindi ko lubusang nakuha dahil nap...