"A-anong... anong ibig sabihin nito?" pinipilit kong huwag mag padala sa damdamin ko dahil baka mali lang ang iniisip ko.
"Erin...uhm...I-I'm...I mean, w-were very sorry." umiiyak na sabi ni Heather. Mas lalo akong naguluhan. Ito nanaman siya eh! Nag sosorry nanaman siya ng hindi ko alam ang dahilan.
"Sorry? You mean-"
"Matagal na. Matagal na naming gustong sabihin. Matagal ko na ding gustong sabihin sayo ang totoo at... at makipag hiwalay sayo kasi... k-kasi I just realized na may mahal akong iba. Erin I promised you minahal kita. Pero si Heather, nung nakilala ko siya. Gumuho ulit yung mundo ko, yung pag mamahal na meron ako sayo... iba yung meron ako para kay-"
"Heather." pag tatapos ko sa sasabihin ni Lucas.
Gusto ko siyang murahin, gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang saktan, pero hindi ko magawa dahil siya si Lucas at siya si Heather. Siya si Lucas na mahal na mahal ko, at siya si Heather na matagal ko ng kaibigan.
"Erin, sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry talaga."
Napa kagat ako sa labi ko ng biglang bumaba ang mga luha ko. Tumalikod ako sakanilang dalawa saka umiyak ng tahimik.
I just realized na may mahal akong iba
Erin, sorry.
Sorry talaga
Pero si Heather
Parang sirang plakang ang boses nila sa utak ko. Paulit ulit na parang nag e-echo. Saka lang nag sink in saakin lahat.
"Putangina!" sigaw ko. "Nag tiwala ako sainyong dalawa, halos araw araw ko kayong kasama at kausap. Pero putangina! Nagawa niyo pa kong lokohin?!" singhal ko pag ka harap ko sakanilang dalawa. Mahinhin ngunit may diin sa bawat salita. Ayokong magalit sakanila pero...hindi ko kaya.
"Erin..." nag mamakaawang tawag ni Heather sa pangalan ko.
Napasabunot ako sa buhok ko para lang makontrol ang sarili dahil any moment from now feeling ko sasabog na buong pag ka tao ko.
"Tinanong na kita eh, sabi mo okay lang, okay na kasi wala na. Eh bat ganito?" para bang nag susumbong ako sakanya.
"Hindi ko din...a-alam Erin." umiiyak na sambitla ni Heather.
"Hindi alam? Putangina! Hindi mo alam?!"
Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas para harapin sila. Bukod tanging nasa isip ko nalang ngayon ay ang matapos ang eksenang ito, ang makalayo sa kabanatang ito, do I deserve to be hurt like this?
Gusto ko lang naman mag mahal.
Wala na sakanila ang nag salita pa. Pag iyak at singhot nalang ang maririnig mo. Nang muli ko silang hinarap sinabi ko sa sarili ko na last na yon. Hindi ko na pahahabain pa o patatagalin pa, dahil mas masasaktan lang ako kapag hindi ko ginawa yon.
"Alam niyo kung ano yung mas masakit? Una palang, alam ko na. Nung unang beses na tinanong kita kung pwede at ayos lang ba sayo na maging kami sabi mo oo pero alam kong hindi." tuon ko kay Heather. "Nung sinabi mo na wala ka naman talagang naging feelings sakanya alam kong meron." kay Lucas. "Pero nag tiwala padin ako kasi... kasi ayokong pareho kayong mawala saakin."
"Ayoko ng dumating pa sa puntong papipiliin ko kayo kasi baka sa huli, ako padin yung talo. Kayo naman talaga diba? Baka...ako lang talaga yung naki sali? I'm sorry. Kung ganon man, I'm very very sorry."
YOU ARE READING
The love I never got
RomanceBata palang ako pero marami na kong natutunan sa mga bagay bagay, isa na don ang tanggapin ang katotohanan at kung paano mag mahal ng tunay. Hindi ito kwento tungkol sa talambuhay ko. Tungkol ito sa pag mamahal na hindi ko lubusang nakuha dahil nap...