(present)
"Ngek, anyare kay ate mo girl heather?" tanong ni Maureen.
"Teka, mamaya na yang comment mo hindi ko pa nahahanap yung sagot sa tanong ko." Alyssa.
(flashback)
April 02 2022 Recognition day after party
"Cheers!" sigaw ni Zayn. FYI hindi po alak ang iniinom namin, sparkling water lang with 10% of alcohol.
"Grabe, isang taon nalang college na tayo. Imaginin niyo yon?" natutuwang ani Kylo.
"Oo nga. Parang ambilis lang ng mga pangyayari. Dati crush lang ni Erin si Lucas ngayon boyfriend niya na." ani Pearl. At bakit naisingit yon?
"Oy oy bakit kasama yon." reklamo ko.
"Ano ka ba. Wag ka ngang KJ it's the thing you should celebrate. Hindi lahat ng taong may crush ay na ka-crush back noh!" natatawang asar naman ni Zayn. Naki sabay nalang din ako sa trip nila, wala talagang makaka tumbas ng kakulitan sa pang aasar ang tatlong to. Kami nalang napapagod ni Heather sakanila eh.
Speaking of heather, asaan yon?
"Guys, where's heather?" tanong ko. Doon lang din nila napansin na wala si Heather sa tabi namin.
"Eh? Nandito lang siya kanina ah?" sagot ni Bry; isa sa mga kaibigan ni Lucas.
Nasa bahay kami ngayon. Nag pustahan kasi kami ng bahay kung sino ang mag ta-top 1 samin ngayong school year doong bahay mag ce-celebrate. Since ako ang top 1, dito kami sa bahay ngayon nag ce-celebrate. Sinama na din namin sila Lucas at ang mga kaibigan niya since naging kaibigan na din namin sila.
"Teka tawagan ko." wika ni Zayn.
"Wag na, ako na hahanap andito phone niya oh." pigil ko sabay turo sa katabi kong cellphone.
"O sige. Sabihin mo din sa jowa mo bilisan niyang mag CR kanina pa siya doon." natatawang sambitla ni Pearl.
Lumabas ako ng kwarto at unang hinanap sa kusina si Heather ngunit wala siya doon. Sunod naman ay sa sala, pero ganon padin. Nang mapa daan sa banyo ay tinawag ko si Lucas pero walang sumagot. Pag pasok ko doon ay walang tao.
Nasaan naman yon?
Naka rinig ako ng hikbi mula sa itaas pag ka akyat ko. Sigurado akong hindi sa kwarto ko dahil andoon ang barkada nag tatawanan, wala din naman si tami dahil may trabaho, wala din naman ang mga kasambahay dahil nag gogrocery.
Hindi kaya sa rooftop?
Ang tanong, sino naman yon?
Dahan dahan akong umakyat ng hagdan papunta sa rooftop. Hindi pa ko tuluyan nakaka rating ng bigla kong marinig ang boses ng isang babae.
"Lucas... pano si Erin?" humihikbing tanong nito. Lucas? Si Lucas ang kausap niya? At ang boses na to, hindi ba si Heather to?
"Sabihin na natin sakanya, ngayon na mismo." sagot ni Lucas sa kausap.
"Sabihin ang alin saakin?" singit ko sa usapan, napa tikom nalang ako ng bibig ng makita kung paano niyayakap ni Lucas si Heather.
Nananaginip ba ko?
"Erin!" gulat na sigaw nilang dalawa. Hindi, hindi ako nananaginip dahil naririnig at nakikita nila ko. Humiwalay ng yakap si Heather kay Lucas.
YOU ARE READING
The love I never got
RomanceBata palang ako pero marami na kong natutunan sa mga bagay bagay, isa na don ang tanggapin ang katotohanan at kung paano mag mahal ng tunay. Hindi ito kwento tungkol sa talambuhay ko. Tungkol ito sa pag mamahal na hindi ko lubusang nakuha dahil nap...