Chapter 2

3.1K 33 0
                                    

Okay uh wait this is quite awkward. Teka lang, totoo ba tong mga naririnig ko?

Gusto ako ni Lucas? Hell no! Si Kelsy ang gusto niya from the lower grade kaya bakit niya ko magugustuhan? Diba nga naissue pa yon last year?

At kung ako man, bakit? Pano? Like, ha?

"Alam kong napaka out of nowhere. I'm sorry." Totoo ba talaga to lord? Hindi ko naman to hiniling pero binigay mo.

"No.. I mean, you? Lucas, like me? Pano?" oo gusto ko siya, pero hindi ko naman naiisip na magiging ganito ang mangyayare like what? Naguguluhan ako sa feelings ko sakanya at mas lalo pang naguluhan iyon ngayon.

"Anong Pano?" kunot noong tanong niya.

"Edi bakit?"

He's sticking his tongue while chuckling. Oh gawd I swear this man can be my cause of death.

"Kasi, I like you. I like your personality, I like your smile, I like your scent, I like your style, I like... everything... about you. Cringe pakinggan pero wala eh. Kasalanan mo to." matamis na ngiti ang iginawad nito saakin.

"At ako pa ang may kasalanan aber?" sabi ko habang naka pamewang at naka taas ang isang kilay.

"Ganda mo kasi eh."

"Ako lang to." aba aba, tumatapang. "Kelan pa?" habol kong tanong.

"Actually, last year pa. Kaso, I got confused sa feelings ko kaya hindi ko magawang umamin. Naisip ko kasi na baka naiimpluwensyahan lang ako ng mga kaklase kong lalaki because they're a huge fan of yours lalo na kapag nag peperform ka sa stage." Paliwanag niya.

Kasama ako sa music club ng school namin, vocal ang role ko at minsan naman ay humahawak din ng instruments. Dapat sa Journalism club ako sasali dahil iyon talaga ang gusto kong maexperience kaso puno na bago pa ko makapag register.

"Tapos??"

"Tapos, graduation day niyo nakausap ko yung kapatid mo. Si Kuya Erl. Napunta kami sa usapang tungkol sayo. I accidentally told him na gusto kita at simula non sa kanya na ko lagi lumalapit kapag may problema ako tungkol sayo."

Teka? Si kuya Erl naka usap niya? Eh ako ngang kapatid hindi makausap ng maayos siya pa kaya? Well oo sakanya nga lumalapit eh.

"Alam ni kuya Erl?"

"Not just your brother. Hindi pa ko nakaka amin sayo pero nakapag meet and greet na ko agad sa family mo." napa nga nga ako sa sinabi niya.

So all this time, may alam sila?

"Bakit hindi nila sinasabi sakin?" patampo kong tanong sa kanya. Yari talaga mamaya sakin si kuya Erl. Lakas makapag sabi sakin na wag muna mag jojowa yun pala kasi may manok na siya kaagad.

"Kasi po sinabi ko. Gusto ko kasing sakin mismo manggaling na gusto kita. Hindi yung maririnig mo lang sa ibang tao." I still can't believe it. Na s-star struck ako sa mga sinasabi niya.

I kinda feel comfortable kausap siya, siguro dahil alam ko ng gusto namin ang isa't isa.

"Pero, hindi ba si Kelsy yung gusto mo?" ayusin mo sagot mo tutusukin talaga kita ng ballpen sa tagiliran.

Char.

"Oo, but- I feel guilty kasi parang ang nagiging dating sakin ay ginagamit ko lang siya para malaman kung gusto ba talaga kita because, I was confused that time." tsk tsk that's not a good idea buti nalang di niya tinuloy kundi biggest turn off yon sakanya kung nagkataon.

"Pero kasi Lucas-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin niya ito.

"Si Heather?" tumango ako bilang sagot. "I can talk to her."

"No. Wag na, ako na. I mean, mag kaibigan kami which means mas kilala ko siya. Baka may masabi ka lang na mas mag papa lala sa nararamdaman niya. Alam mo namang gusto ka niya diba? Oh, kaya ako na. Atsaka baka ito na din ang time para aminin ko sa kanila na gusto din kita." ani ko na tila'y nag iisip ng malalim at naghahanap ng ideya kung paano sasabihin sa barkada ang totoo.

"Eh sakin?"

"Ha?"

"Sakin, kelan mo aaminin na gusto mo ko?" napa laki ang mata ko sabay takip sa bibig.

"Did I say something?"

"Atsaka baka ito na din ang time para aminin ko sakanila na gusto din kita, yan po ang exact na sinabi mo Ms. Erin." mas lalong lumaki ang mata ko.

BE! Hindi sa ganitong paraan ko gustong mag confess. Nadulas lang ako eh!

Tumahimik bigla ang paligid namin. Lumakas ang hangin na para bang may dumaan na anghel.

Naka ngiting hinabol ni Lucas ang mga mata ko, umayos ako ng tayo at ganon din siya.

"I like you, Erin."

.

.

.

.

.

.

"I like you too, Lucas."

The love I never gotWhere stories live. Discover now