Epilogue

1.6K 37 4
                                    

(present)

Hindi ko namamalayan na kanina pa pala ko umiiyak. Tinignan ko ang mga pinag kukwentuhan ko at miski sila ay umiiyak din.

"Ayan kasi, kasalanan to ni Maureen eh." singhot kong ani.

Nag pupumilit kasi siyang ikwento ko ang naging first love story ko. Hindi ko naman alam na sa paraan ng pag kukwento ko ulit muling maaalala ang mga yon. Hindi ko siya tinatago o ikinakahiyang ikuwento. Hindi ko rin ito kinamumuhian, dahil kahit papano may naiambag naman sila sa buhay ko.

"Anong nangyare pag katapos nung after party niyo?" seryosong tanong ni Alyssa habang pinupunasan ang mga mata.

Umiling ako, "Wala na. I went to the US to my brother and spent my whole vacation there. Saka nalang ako ulit bumalik ngayong school year para tapusin ang senior high journey ko."

Bago ako pumunta ng US, nalaman ko na nalaman din ng iba naming barkada nung gabing yon ang totoo dahil nakikinig sila saamin. Pinili nalang daw nilang manahimik dahil hindi rin naman nila alam ang dapat gawin. Pag ka lapag ng eroplano na sinasakyan ko sa US, nag text ka-agad si Pearl at sinabi na hindi na daw ulit mabubuo ang barkadang binuo namin ng matagal dahil hindi sila tumatanggap ng cheaters.

Simula non, iniba ko na ang cellphone at number ko. To start a new journey.

"Aww. Ang sad naman ng ending ng story niyo." naka tulalang comment ni Maureen.

"Tsk. Ganon talaga ang buhay, hindi sa lahat ng bagay na nag sisimula sa maayos ay nag tatapos sa masaya. Minsan ipaparanas muna sayo yung saya bago yung sakit at lungkot."

"Bakit hindi ka gumanti?" sunod namang tanong ni Alyssa.

"Kasi hindi naman mababawi ng pag ganti sakanila yung sakit na binigay nila sakin. Atsaka sinabi ko naman diba, na alam ko na una palang pero hinayaan ko padin. Which means hinayaan kong masaktan ang sarili ko kahit na may option naman akong baguhin yon."

"Bakit?"

"Kasi iyong ang naka takda sakin. Paikot ikutin man natin ang istoryang to, iyon at iyon padin ang magiging ending ko. Nagalit ako sakanila oo, pero sa una lang yon. Lahat ng nararamdaman ko ngayon, lahat yon sakit nalang. Sabi ni mommy, 90-10 daw ang ibigay kong pag mamahal. 90 para sa sarili at 10 para sa ibang tao. Pero napag baliktad ko iyon. 10 para sakin at 90 para sa kanila. Kaya hanggang ngayon yung sakit, nandito padin."

Hindi ako sing bait ng santo o diyos para patawarin sila at para hindi magalit, pero hindi rin naman ako yung tipo ng taong kailangang gumanti para maka bawi o masatisfy ang sarili dahil sa ginawa nila saakin. 

Okay na ko. Okay na siguro sa ganito. 

"Nag sisisi ka ba sa lahat ng nangyare?" lumapit silang dalawa at tumabi saakin.

"Hindi. Kasi don ko natutunan kung paano mag mahal ng tama. Hindi lang dapat ibang tao ang mamahalin mo, kundi sarili mo din. Para kung sakaling iwan ka katulad ng saakin, may matitira ka para sa sarili mo. At iyon ang gamitin mo para bumangon ulit."

"Wow! You amazed me Erin. Ikaw na ang pinaka matapang na taong nakilala ko." ani Alyssa. Napa tawa naman ako dahil sakanyan saka siya binunggo ng balikat.

"Is it okay to ask about your mom Erin?" dahan dahang tanong niya.

Ngumiti ako ngunit hindi sumagot.

Ito siguro ang bagay na hindi ko na kayang ikuwento pa. Sabagay, hindi naman ito kwento tungkol sa talambuhay ko.

Kwento ito tungkol sa pag mamahal na hindi ko lubusang nakuha dahil napunta sa iba.

THE LOVE I NEVER GOT

THE END

10-31-23 (1:36 AM)

The love I never gotWhere stories live. Discover now