(flashback)
Grade 11 - Summative Examination Day
"Hay! Tapos na din ang pag hihirap" pag inat ni Heather.
Kakatapos lang namin mag take ng last subject ng exam namin at kung ano pa yung last, yun pa yung pinaka mahirap.
Ayaw talaga pa pigil ni Sir Jonathan sabi madali lang daw. Oo nga, madaling ibagsak. At kapag nangyari yon madali din siyang mauubusan ng buhok. Bwiset siyang panot siya.
"Nakakainis! Wala naman sa ibang reviewer na binigay niya yung lumabas sa exam. May choices nga parang lahat naman tama. Letche!" inis na singhal ni Pearl.
Natatawa nalang ako sa pag ka faustrate. Parang deserve namin mag ice cream.
"Tara Ice cream!" naka ngiting yaya ko sa kanila. Walang ganang tumingin sila sa akin at inaabangan kung may kasunod pa. "Libre ko." ang mga baliw biglang nabuhayan.
"Tara na san ba? Punta muna tayong park nandon kotse ko." ani naman ni Zayn. Lowkey flex sa new car.
"Sus, maisingit lang kotse niya." parinig ni Kylo sa kanya.
"Huy hindi ah, hindi ko pa nga sinasabing BMW XM ang kotse ko. The plug-in hybrid electric full-size luxury crossover SUV manufactured by BMW under the BMW M subsidia-" nahinto siya sa pag sasalita ng bigla siyang busalan ng lukot na papel ni Pearl.
"Oo na, tama na. Paawat ka naman te, mag mula umaga hanggang ngayon yan bukang bibig mo.Yan lang ba nasearch mo sa bago mong kotse na BMW XM the plug-in hybrid electric full-size luxury crossover SUV manufactured by BMW under the BMW M subsidiary?" ani Pearl.
"Oo nga. Tama na be, gutom na ko tara na." dagdag naman ni Heather sakanya. Napa simangot na lang ang may kotse ng BMW XM the plug-in hybrid electric full-size luxury crossover SUV manufactured by BMW under the BMW M subsidiary.
Natatawang pinag hahampas siya ni Kylo ngunit natigil ito ng may biglang lumapit saamin.
Si Lucas.
Shet! ngayon pa talaga kung kelan mukha akong stress. Pwede wait lang? Balik ka nalang mamaya time pers take two.
"Lucas? May kailangan ka?" si Heather ang unang pumansin sa kanya.
Okay.
Ang gwapo talaga, ang puti, tangos ng ilong, medyo matangkad ng ilang dangkal sakin, ang kinis kinis at amoy baby powder. Jusko, lord kaya mo naman palang gumawa ng ganito hindi mo pa dinamihan.
"Excuse kay Erin." sagot ni Lucas.
Ano daw? Erin daw ba? Nabingi ata ako lucas, isa pa nga.
Excuse kay Erin
Excuse kay Erin
Excuse kay Erin
Excuse kay Erin
Excuse kay Erin
"Bakit?" patangang tanong ko sakanya.
"May sasabihin sana ko..." Tumingin ito sa mga kaibigan ko. "-In private." tuloy nito.
Mas kinakabahan pa ko sa kanya kesa sa exam ko.
Tumango ako at pinauna siyang mag lakad. Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko na mauna na sa kotse habang hinihintay nila ko. Bago maka alis ay nahabol ko pa ang tingin ni Heather saamin.
Hindi siya galit pero makikita mo yung lungkot sa mga mata niya. Hindi naman niya siguro ine-expect na siya ang tatawagin no?
"What is it?" tanong ko pag ka dating namin sa may puno ng narra.
Tumingin ito saakin ng seryoso na tila ba'y nag aalinlangan siya sa gusto niyang sabihin. "Wag kang mahiya hindi ako nangangain ng tao." lalo na't crush kita.
"Okay... uhm... I don't know where to start actually." ani niya. The voice is voicing, napaka gwapo pakinggan.
"Just straight to the point." dahil madali akong mainip.
Feeling ko any moment from now matutunaw na ko sa kinakatayuan ko.
"I like you."
Ha?
"Ha?"
"I said... I like you. I like you Ms. Erin." naka ngiting ulit niya.
YOU ARE READING
The love I never got
RomanceBata palang ako pero marami na kong natutunan sa mga bagay bagay, isa na don ang tanggapin ang katotohanan at kung paano mag mahal ng tunay. Hindi ito kwento tungkol sa talambuhay ko. Tungkol ito sa pag mamahal na hindi ko lubusang nakuha dahil nap...