Crystal's POV....
Habang nagluluto ako'y iniisip ko kung ano kayang kahaharapin naming mag-asawa at ng nag-iisa naming anak na si Zack.
Si Zack ay nasa ika-7 baitang pa lamang ng hayskul kaya naman medyo hindi pa ito maaasahan pagdating sa pakikipaglaban, mas makabububuti kung isasama namin sya sa taguang kanilang ginagawa ngayon.
Daniel: "Nandito na kami!!!"
bungad ng asawa ko na kararating
pa lamang.Jay: "Anong hapunan natin dyan mare?
Baka naman pwedeng dito nadin ako
makikain hahaha" biro nito."Oh siya sige, dito kana kumain tutal katulong karin naman sa paggawa ng ating matataguan" sagot ko.
Daniel: "Tara na pare, maupo kana riyan at
si misis na ang bahalang mag latag
ng ating hapunan"
Jay: "Maraming salamat sainyo, sa lahat
talaga na mga kumpare't kumare ko
kayo ang dabest, kayo lang ang
tinuring akong parang kapamilya""Tama na nga ang drama, kumain na kayo oh, yan paborito nyong sinigang" ang sabi ko habang inilalagay sa mesa ang pagkain.
Habang inilalatag ko ang mga pagkain ay parang may kulang sa aming hapag-kainan,
napapaisip ako kung ano ito, para bang may nararamdaman akong kulang."Hoy teka nga muna" ang nagtatakang sabi ko.
Jay: "Oh bakit mare? May nakaligtaan
kaba?""Asan nga pala ang anak ko? Bakit hindi nyo sya kasama?" usisa ko sa kanila.
Daniel: "Ay oo nga pala! Hindi paba sya
umuuwi?"Jay: "Oo nga, ang akala nami'y umuwi na
sya dahil baka inabot na naman yon
ng katamaran"."Walang umuwing Zack dito umayos kayo, wag nyo kong mabiro biro ng ganyan, di nakakatuwang biro yan" ang sabi ko habang nagsisimula ng makaramdam ng kaba.
Daniel: "Diba pare ang sabi nya iihi daw
muna sya?"Jay: "Oo nga eh, tapos sabi nya susunod
nalang daw sya".Daniel: "Lagot tayo pare, baka naligaw na
yon"Jay: "Malaki naman na sya at saka alam
na niya ang daan papauwi, mukang
imposible naman yata na maligaw
yong anak nyo nayon"."Anong ginawa nyo? Bakit kasi hindi nyo nalang inantay? Kung hindi yon naliligaw edi sana kasama nyo syang umuwi ngayon, o di kaya'y nakauwi sya dito"
ang nag-aalala kong sabi.Daniel: "Pasensya na mahal, akala kasi
talaga namin umuwi sya dito, alam
mo naman kasi yong si Zack, may
pagkatamad din minsan".Jay: "Pano ngayon yan pre, mukang
kailangan nating maghanap ngayong
gabi mismo"."Kumain na nga muna kayo dyan, at pagkatapos ay sasama akong maghanap, ano ba kasi yan, di nyo na sana sinama si Zack eh."
ang sabi ko na halos mangiyak na.Natapos ang kainan na walang umiimik kahit isa, para bang may isang maitim na aura na bumabalot sa aming tatlo. Natigil lamang ang katahimikan ng magsalita na ako.
"Tara na, magdala tayo ng tig-iisang ilaw, maghiwa-hiwalay tayo upang madaling mahanap si Zack."