Daniel's POV:
Inabot kami ng alas onse ng gabi sa paghahanap kay Zack kagabi. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi namin siya natagpuan. Labis na nag-aalala na kaming mag-asawa dahil sa pagkaligaw ng aming anak.
Ang pagkabigo sa paghahanap kay Zack ang hindi bumabagabag saakin ngayon, ang lalong nagpapakaba saakin ngayon ay ang nasabi sa balita kaninang umaga.
***FLASHBACK***
Habang nagtitimpla ako ng kape para saamin ni Crystal ay binuksan niya ang radyo para makinig ng balita.
Crystal: "Mahal binuksan ko ang radyo,
pakinggan mo ang balita ahh,
pupunta lang ako ng banyo saglit,
yung kape ko din pakilapag na
lang dyan sa mesa""Sige na ako na bahala" tugon ko.
Habang nakikinig ako sa musika ay biglang nagsalita ang announcer ng radyo.
Announcer: "Magandang umaga sainyong
lahat mga kababayan, narito po ang
isang flash report na ihahatid satin
ng Belencio's News Patrol"
ang sabi nito.Radio Broadcaster:
"Magandang umaga po sainyong
lahat, ako po si Jace Hong ng
Belencio's News Patrol at narito po
tayo ngayon live sa radyo't TV para
ibalita ang update tungkol sa
mga mananakop"Ng marinig ko ito'y parang nakaramdam ako ng kaba na nagpalamig sa buo kong katawan.
Radio Broadcaster:
"Ayon po sa Presidente ng dayuhang
bansa ay itutuloy nila ang
pananakop sa ating bansa, sa mga
nanonood po sa TV, sa makikita po
natin dito ay maraming mga sundalo
ang nakahanda na, marami ding
iba't-ibang sasakyan: mapatubig,
himpapawid, at lupa ay kumpleto
ito, may mga pampasabog din po ito"
pagpapatuloy nito.Crystal: "Oh mahal, namutla ka ata bigla?
May balita naba kay Zack?"
"Hindi kay Zack ang nasa radyo, yung digmaan" tugon ko.
Bakas sa muka ng asawa ko na nagulat din ito't namutla, kinuha nito ang kape niya na nasa mesa.
Radio Broadcaster:
"Yan lamang po para sa ngayong
umaga, muli ito po si Jace Hong
nagbabalita gal—"(naputol yung pagsasalita ng broadcaster kasi pinatay na ni Daniel yung radyo)
Crystal: "Huy bakit mo pinatay yung radyo?
di mo man lang inantay matapos
broadcaster""Yun lamang ay sapat ng balita para sa ngayon, baka lalo pa madagdagan problema ko kapag may ibang isyu pang ibalita dyan sa radyo" seryosong tugon ko.
Crystal: "Grabe naman tong kapalaran
natin, ni hindi pa nga natin
nahahanap ang anak nating si Zack
tapos dumagdag pa tong
pananakop na ito""Oo nga ehh, mukang dito na magwawakas ang ating buhay" tugon ko.