Chapter 15: Ang Solusyon upang Mabuhay si Zack

182 7 1
                                    







Zoe's POV:









Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi ng matanda sa aking panaginip. Sinabi nito na nandito lang daw sa loob ang solusyon ngunit hindi sinabi kung ano ito. Tiningnan ko ang katawan ni Zack, ang maamo nitong mukha na wala ng buhay. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya at tiningnan ang labi nito. Hinalikan ko sya sabay bulong ng:







"Hintay ka lang Zack, hahanapin ko ang solusyon upang mabuhay ka't magsama na tayong muli, sama tayong lalaban para sa kalayaan."










Binuhat ko ang katawan niya't itinago doon sa bodega kung saan niya kinuha yung mga gamit niya paggawa ng lagusan. Tinabunan ko ito ng isang kumot na galing sa higaan. Pagkatapos non ay lumabas nako sa bodega at sinimulang halughugin ang buong lugar, hinahanap ko kung anong klase solusyon ba ang sinasabi ng matanda. Sinimulan kong pasukin ang banyo, wala, sumunod naman ay ang kwarto, tiningnan ko kung may laman ba ang ilalim ng kama, ngunit wala din, sumunod naman ay ang kabinet, wala din akong nahanap na posibleng solusyon.












***MAKALIPAS ANG KALAHATING ORAS NG PAGHAHANAP NI ZOE***







Nalibot kona ang buong lugar maliban sa bodega kung saan naroon si Zack. Muli akong bumalik doon at tiningnan kung mayroon bang solusyon, wala din.






Nawawalan nako ng gana sa paghahanap at nagugutom na din ako, tumabi ako sa bangkay ni Zack at nahiga din.






"Zack, pasensya na, di ko mahanap, baka wala na talagang pag-asa na mabuhay pa kitang muli, Siguro'y di totoo yung sinabi ng matanda."  sabi ko kay Zack.





Kahit alam kong di na niya ako maririnig ay sinabi ko iyon. Lumabas ako ng bodega't pumunta sa ginawang lagusan ni Zack, malayo na ang putukan, sumilip ako sa labas ng butas, wala ng tao. Lumabas ako at naghanap ng makakain. Nakakita ako ng puno ng mangga at hitik ito sa bunga kaya naman inakyat ko ito.





Habang nasa taas ako ng puno ay tinanaw ko ang kabayanan, halos wala ng tao, mga mananakop na lamang ang nasa labas. Kumuha na lamang ako ng mga mangga at nilagay sa aking bulsa't damit at bumaba na dahil baka may makakita pa sa akin.







Pagkabalik ko sa lumang lugar kung saan kami nakulong ni Zack ay may nakita akong nakasulat sa lupa. Isa itong sulat ng sinauna pang tao, nakasulat ito sa lupa kung saan mismong binawian si Zack ng buhay. Ang sabi sa sulat ay:





"HINDI MO PA RIN BA NAKIKITA ANG SOLUSYON? ANG HINA MO NAMAN, MAYROON KA NALANG ISANG LINGGO PARA BUHAYIN ANG MINAMAHAL MONG SI ZACK. HANAPIN MO ITO'T NASA KWARTO LANG."

                 —ANG MAY-ARI NG LUGAR NATO.






Dali-dali akong pumasok sa kwarto, tumingin ako sa bawat sulok, wala naman akong makita. Nahagip ng aking mata ang aklatan, lumapit ako doon at tiningnan kung doon ko ba mahahanap ang solusyon.







.

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now