Zoe's POV:
Hindi parin ako makapaniwala sa nakita namin ni Zack, nais ko itong buksan ngunit parang pinipigil ako ng aking konsensya, baka kung anong mangyari sakin kapag pinag-aralan ko ito. Sa takot ko na baka mapahamak ako'y itinabi ko na lamang ito doon sa dati nitong lalagyan na ngayo'y sira-sira na.
Zack: "Pano nayan?"
"Anong ibig mong sabihin?"
nagtataka kong tanong.Zack: "Ibig kong sabihin eh paano na tayo
ngayon? Wala na tayong stock ng
pagkain, kokonti nalang ang tubig,
at mukang di magtatagal ay
magsisimula na ang digmaan.""Dito na siguro tayo mamamatay"
ang sabi ko.Zack: "Wag ka ngang magbibiro ng ganyan,
di nakakatuwa.""Gamitin kaya natin ang itim na mahikang iyon?" tanong ko.
Zack: "Wag! Gusto mo na bang may
masamang mangyari sayo?""Biro lang syempre hahaha" sagot ko.
Zack: "Ito talaga oh, walang magawang
matino""Pero may magagawa pa nga ba tayo kung di natin susubukan yon?" tanong ko ulit.
Zack: "Meron yan ako bahala, basta wag na
wag mong susubukang aralin yang
itim na mahika nayan."Matapos nyang sabihin yon ay bumangon sya at papunta sa may isa pang kwarto na parang bodega siguro. Pagkalabas nya'y may dala na itong maso.
"Aanhin mo yang maso na yan?" tanong ko na halos matawa na.
Zack: "Gagawa ako ng paraan para
makahanap ng lagusan palabas,
manatili kana lamang dito't matulog,
gigisingin na lamang kita kapag
makakalabas na tayo."Matapos niyang sabihin yon ay ngumiti sya na parang ngiting nangangakong gagawin ang lahat. Sa sinabi nyang yon at pag ngiti ay nakampante ako, kaya naman di na ako nangamba't matutulog na lamang upang makapag-pahinga.
***MAKALIPAS ANG 20 MINUTO***
NARRATOR'S POV:
Habang natutulog si Zoe at si Zack naman ay sinisimulan ang paghuhukay ng lagusan, ang mga magulang naman ni Zack sa kabilang banda ay hindi na mapakali dahil sa balitang nasa byahe na ang mga dayuhan. Nalipol na rin ang ilang probinsya ng Pilipinas kaya naman hindi na nila alam ang gagawin.
Zack: "Nakakapagod naman, konting tiis pa
malapit na tong makarating sa taas,
makakalabas na kami ni Zoe."Malapit nang matapos si Zack at halos marating na niya ang itaas ng lupa. Konting hukay nalang ay makakagawa na sya ng butas.
Nakikita niya na ang liwanag kaya naman binilisan na niya ang paghukay hanggang sa makagawa na siya ng malaking butas, sinubukan niya munang lumabas upang masubok kung kakasya ba sila. Habang papaakyat si Zack ay hindi niya alam na ang mga dayuhan ay nasa paligid niya lang, nagsisimula na ng pananakop. Ng makataas na si Zack ay nakita ito ng dayuhan kaya naman pinaputukan ito. Hindi man lang alam ni Zack na sinasakop na pala sila. Dahil sa putok ng baril ay dumugo ang tagiliran nito kung saan tumama ang bala, nakita ni Zack na papalapit na ang dayuhan kaya naman sinubukan niyang bumangon at tumakbo ngunit nakakabangon pa lamang siya ay pinaputukan na ulit siya nito na siyang ikinamatay ni Zack.