Zoe's POV:
Habang nakamasid kay Zack na nahihirapang mahiga dahil sa kanyang injured na paa ay patago akong napapatawa kasi baka magalit siya sakin.
Tumingin sya saakin kaya umiwas ako ng tingin para di nya makitang tumatawa ako, kunyari'y bumaling na lamang ako sa aklat na hawak ko.
Ng tinignan ko na ang aklat nagulat ako sa nakita ko.
.
.
.
..
.
.
.
..
Zack's POV:
Ng makahiga na ako'y tinignan ko si Zoe, umiwas ito ng tingin at parang natatawa.
Pinagmasdan ko lang sya habang nakatalikod.Akmang haharap na sya kaya iiwas sana ako ng tingin kaso bago paman ako makaiwas ay nagulat ako sa ekspresyon ng kanyang mukha. Para bang nakakita sya ng multo o kahit anong nakakagulat.
"Oh napano ka't parang mahuhulog na yang mata mo sa pagkakabuka?" tanong ko.
Zoe: "Z-Zackk, a-ano kas-si ehh"
utal utal nyang sabi."Nabahala naman ako sa sagot nya at parang gusto kong malaman kung anong ibig nyang sabihin kaya naman bumangon ako at pinuntahan sya.
Zoe: "Zack yung libro" sabi nya sakin habang papalapit ako.
Nagulat ako ng makita ko kung ano yung nakalagay sa pabalat ng aklat na hawak ni Zoe. Isa itong pinagbabawal na aklat, kaya naman pala labis na lamang kung magulat itong si Zoe.
Zoe: "Itim na mahika" nakatulalang sabi
niya."Oo nga, panong meron nyan dito eh sinaunang lugar to?" sagot ko.
Zoe: "Marahil kahit noong panahon pa ay
laganap na din ang paggamit ng itim
na mahika"Ilang minuto kaming natahimik habang nakatingin sa aklat, di parin ako makapaniwala sa aking nakita. Ang itim na mahikang aklat ay nakatago sa isang lugar na posibleng dating kuta ng mga Pilipino.
Noon ba talaga'y gumagamit ng ganitong mahika ang ating mga ninuno?NOTE:
PARA PO SA MGA HINDI NAKAKAALAM,
YUNG ITIM NA MAHIKA PO AY ISANG URI NG PINAGBABAWAL NA MAHIKA. ISA PO ITONG MAHIKA NA MAY MASAMANG DULOT SA TAONG MAGTATANGKANG ARALIN ITO.KUNG NAGUSTUHAN MO ANG ISTORYANG ITO, I-FOLLOW MO NA AKO PARA UPDATED KA SA MGA BAGONG CHAPTER!
HANGGANG SA MULI!