Kabanata IX

59 7 0
                                        

NANG maramdaman ni Ma'am Ana na may tao sa labas na kanilang pinagtataguan inutusan niya ang kanyang mga estudyante na kumuha ng kahit anong bagay na maaaring ipandepensa.

Isang marupok ng dos por dos na kahoy ang nahawakan ni Zindel Max, ang iba naman ay mga lumang libro ang dinampot. Isang makapal naman na libro ang hawak ni Zendaya, si Ken naman isang meter stick ang hawak-hawak. Lahat sila ay kinakitaan ng labis na takot habang patuloy nilang naririnig ang ingay na nagmumula sa labas. Pilit na sinisira ng sinumang tao ang pinto.

At ng mabuksan ang pinto sabay din na inihagis ang dalawang estudyante na iniharang ang sarili sa dahon ng pinto upang hindi tuluyang makapasok ang taong nagpupumilit na makapasok.

Kasabay din ang pakawala ni Zindel ng isang malakas na palo sa ulo ng lalaki. Nahati sa dalawa ang kahoy.

Nawalan naman ng malay ang lalaki.

"Lagot! Napuruhan mo ata, Zindel!" Malakas na bulalas ni Tyronne ng bumagsak ang lalaki sa kanilang paanan.

"Ang ingay mo," saway ni Zendaya. "Baka naririto pa rin ang ibang kasama ng lalaking ito."

Madali namang kinuha ni Mayani ang cellphone mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. In- on niya ang flashlight. At ng tapatan nila ang mukha ng lalaki labis nag kanilang pag-aalala ng mapagsino ito.

"James Zhuo?!" sabay-sabay na sambit nila ng pangalan nito.

"Hindi ko naman kasalanan," saad ni Zindel ng tingnan siya ng masama ni Zendaya. "Malay ko ba na si Jz pala ang nagpupumilit na makapasok?"

"Wag ka na ngang dumaldal pa riyan. Ang mabuti pa tulungan mo na lang si Tyronne na hilahin siya papasok ng maisara natin muli ang pinto," utos ni Zendaya sa kanilang dalawa ni Tyronne.

"Mayani, patayin mo na 'yang flashlight at baka malaman nilang naririto tayo," utos ni Ma'am Ana.

Agad namang sinunod ni Mayani ang mga sinabi ni Ma'am Ana.

"Anong gagawin ko, Ty? Baka napuruhan ko si Jz," nag-aalalang wika ni Zindel. "Kahit minsan maluwag ang turnilyo ng utak niya hindi ko pa rin kayang mawala ang bestfriend ko."

"Loko!" Binatukan siya ni Tyronne. "Masyado kang nega! Nawalan lang siya ng malay."

Napatingin ito sa kanya na ngayon ay buhat-buhat niya si James Zhuo patungo sa kanilang pwesto. At dito niya ito inihiga.

"Sorry, hindi ko sinasadya." At hinaplos niya ang buhok nito ng paulit-ulit.

"Itigil mo nga 'yang ginagawa mo Zindel!" naiiritang sabi ni Andrei.

"Inggit ka lang!" At hinalikan pa niya sa noo ang walang malay na kaibigan.

Lumapit sa kanya ito at sinikaran siya. "Hindi ito eksena sa mga BL series kaya umayos ka!"

Tumayo siya at hinarap si Andrei. "Gusto mo rin ba?"

"Anak ng pating, Zindel Max! Umayos ka nga!"

"Hayaan mo na nga 'yang si Zindel. Masisiraan ka lang ng ulo sa kakulitan niyan," sita ni Zendaya.

"Nakakairita kasing tingnan!" maktol niya.

"Bakit mo kasi sila tinitingnan? Andito naman ako," sabat ni Sophia.

"Isa ka pa!"

Hindi mapigilan nina Tyronne at Zendaya ang mapatawa dahil nakita nila kung paano mainis si Andrei sa mga pinaggagawa nitong si Zindel.

"Guys, magseryoso naman kayo!" saad ni Mayani. "Wala tayong ideya kung ano na ba ang totoong nagaganap sa labas. Hindi natin matawagan ang mga magulang natin dahil pinutol na nila ang signal. Paano tayo makakauwi nito?"

Natigilan silang lahat ng marinig ang mga sinabi ni Mayani. Lahat sila ay nag-iisip ng malalim.

"Look!" bulalas ni Zindel matapos niyang tingnan ang cellphone ni James Zhuo. "Mayroong signal pa rin ang cellphone niya." At kinalikot nito ang cellphone.

Tiningnan naman ng lahat ang kanilang mga cellphone kung may signal nga ba talaga. Ngunit nadismaya sila ng makitang walang signal ang alinman sa dalawang sim na nakasalpak sa kanilang cellphone.

"Nangloloko ka na naman ba Zindel Max?" Kapag binuo ni Zendaya ang kanyang pangalan alam na niyang galit ito.

"Seryoso ako! May signal talaga ang cellphone niya kahit tingnan pa ninyo," at nagsilapitan nga ang lahat sa kanya.

"Bakit ganoon?" Nagtatakang tanong ni Ma'am Ana sa sarili.

Nag-vibrate ang cellphone ni James Zhuo. Senyales na may nagpadala ng mensahe rito. Agad niyang binuksan at binasa ang mensahe mula sa hindi nakarehistrong numero.

"Puntahan mo ang mga kaklase mo. Nasa ikalimang palapag sila ng gusali. Sa isang silid na hindi na ginagamit. Mabuti na lang maagap ako kanina kaya hindi sila nakita ng mga kasama ko."

Natigilan siya matapos mabasa ang laman ng mensahe. Maraming katanungan ang bigla na lamang sumulpot sa kanyang isipan. Katulad na lamang kung sino ang taong ito na nagpadala ng mensahe sa kanyang kaibigan. Ito rin ba ang boses ng lalaking kanilang narinig kanina na sinita ang kasama nito na nagpupumilit na buksan ang pinto? Paano nalaman nito na doon sila nagtatago? Anong kaugnayan nito sa kanyang kaibigan?

"Anong sabi sa mensahe?" tanong ni Zendaya.

Napahinto siya sa malalim na pag-iisip.

"Wala. Ang ina ni Jz ang nagpadala ng mensahe." Hindi muna niya sasabihin kay Zen ang laman ng mensahe.

"Humingi tayo ng tulong kay Tita," wika ni Mayani. Malayong pinsan ito ni James Zhuo.

Agad niyang hinanap sa contact ang number ng ina ni Jz. At nagpadala siya ng mensahe rito. Naghintay sila ng reply ngunit wala.

Ilang minuto ang kanilang pinalipas ngunit wala talaga.

Napatakbo silang lahat sa may bintana ng makarinig sa di kalayuan ng sunod-sunod na mga pagsabog. Dito kitang-kita nila kung paano dahan-dahang gumuguho ang mga gusaling hinulugan ng bomba. Nakaririnig din sila ng mga putukan ng baril. Hindi na nga maganda ang mga nangyayari sa labas.

"Wala na tayong magagawa. Kung ito ang larong gusto nila, bakit hindi natin subukang makipaglaro sa kanila?" maigting na wika ni Zindel.

"Wala tayong laban sa kanila," hindi sang-ayon si Ma'am Ana sa kanyang mga sinabi. "Higit silang malakas. Kahit makipaglaro pa tayo ng apoy sa kanila huling-huli na rin ang lahat. Nalagyan na nila ng bakuna ang karamihan. Iilan na lamang tayong wala.

Nasa gitna sila ng pag-uusap ng biglang tumunog ang walkie talkie na ibinigay rito ng kapatid nitong si Kimuri.

"Thanks God! At ligtas ka ate!" wika ng kanyang kapatid ng sagutin niya ang tawag nito.

"Nasaan ka ba Kimuri? Pinag-alala mo ako ng husto. Ang tagal mong hindi tumawag sa akin. Akala ko napano ka na."

"Di ba sinabi ko naman sa iyo na wag mo na akong isipin? Ang inaalala ko ay ikaw. Hindi ka ba nila nalagyan ng bakuna?" Nag-aalala ang boses nito.

"Hindi, Kimuri. Ang inaalala ko lang ay kung paano kami makakaalis rito."

"Bakit? Nasaan ka ba?"

"Andito ako ngayon sa unibersidad na tinuturuan ko kasama ang ilang mga estudyante ko."

Isinalaysay niya ang lahat na totoong mga nangyayari at kalagayan sa kanilang lugar. Pinaalalahanan naman siya nito na manatili lamang sa kung nasaan sila ngayon dahil pupuntahan sila nito. Patuloy pa rin ang ginagawang sapilitan na pagbabakuna sa mga tao. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi natutupad ang kanilang mga plano na bawasan ang populasyon ng daigdig. Totoong nagtatagumpay na nga sila ngayon ngunit hindi sila dapat maging kampante. Dahil hindi lahat ay kaya nilang lagyan ng nakamamatay na bakuna. Ang ilan sa kanila ay kumikilos na upang sila naman ang labanan.

Killing Us Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon