chapter 5

23 2 0
                                    

A deafening silence prevails between us, there is an unfamiliar rhythm I felt that moment na ngayon ko lang naramdaman. I feel like I'm in a race as my heart beats so fast. Hindi nagtagal ng isang linggo si Daniel sa hospital, buti nalang daw talaga wala siyang head damage at puro minor injuries lang.


"We're having a vacation in Boracay!!" naghiyawan naman ang mga kasama ko, "Since we did a great job, we deserve a vacation!" announce ng President namin.


"Grabe madam! First time kong makakapunta sa Boracay!" wika ni Lj. Ngumiti naman ako sa kaniya. I shift my gaze doon banda kila Daniel nahuli ko rin siyang  nakatingin dito sa gawi namin agad akong umiwas ng tingin.


"By the way guys, Daniel and his band ay makakasama rin natin to enjoy and to meet their fans too, if it is okay with you guys? Right Daniel?" dagdag ng president namin.


Nagthumbs up naman si Daniel, at pumayag naman ang mga kasamahan ko.


"Also, we have a permission sa ating CEO." masayang sabi ng president namin. Nagpalakpakan naman sila.


Finally, makakaranas  na rin ako ng pahinga. As a human we also need a break para hindi tayo ma-burn out.


On the next day, I decided to pack up my things, of course, madami akong dala. We ate first in a restaurant before we went on the trip.


"Madam Kiya tulungan na kitang buhatin 'yang bagahe mo." offer sa'kin ni Ja.


Na princess treatment pa nga.


Nag-abala pa.


"No need, Ja. Baka masibak ako sa trabaho pag ginawa mo 'yan." biro ko.


He insisted but I chose to reject his offer. Ayoko magawan ng issue dahil lang sa bagahe.


I  saw Daniel wearing black short sleeve polo with his sunglasses. Hindi ko nalang siya pinansin pa at sumakay ng sasakyan. Anyway, magkaiba kami ng sasakyan.


After that long trip we finally arrived here in Boracay. Good thing hindi masayadong matao ngayon dito. Aliw akong tumungo malapit sa pangpang, the gentle breeze touches my skin while listening to the peaceful music of waves that gives you a cozy feeling. Talaga ngang nakaka-relax ang lugar na ito.


We booked a rest house where we could drop our things there.


"Tara ma'am! ang ganda pala rito 'no? Anyway, hindi ka ba maliligo?" tanong sa'kin ni Lj.


Naupo ako sa kama, "Nah, maybe later, papahinga lang ako saglit." sagot ko.


"Alam mo ma'am pag may mga ganitong pagkakataon hangga't maaari sulitin mo na." sabi ni Lj.


Nang maiwan akong mag isa sa kwarto ay sumunod na rin ako sa kanila, bago 'yon ay nagpalit muna ako ng damit.

Rhythm of Love [w2e]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon