chapter 14

6 1 0
                                    


          I'm at work when I received a call from our home. Napatingin naman sa'kin si Lj, sinenyasan ko siya na sasagutin ko 'yon, she only nodded saka ako lumabas ng opisina. Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng tawag mula kay mama ng ganitong office hour ko.


"Hello, Ma. Napatawag ka?"  nang sagutin ko ang tawag niya. 


"Anak, Kiya, ang papa mo..." rinig ko ang pagtangis niya. "Wala na..."


Naguguluhan ako at hindi mawari ang ibig sabihin ni Mama.


"Anong ibig mong sabihin, 'Ma?" matawa-tawa kong tanong kasabay nito ang pagbilis nang tibok ng puso ko. "Linawin mo, Ma. Paanong wala?"


Mas lalo lang lumakas ang iyak niya mula sa kabilang linya. 


"Patay na..."


Parang binuhusan ako ng sobrang lamig na tubig dahil sa mga salitang 'yon. Naibagsak ko ang sarili ko nang simulang manghina ang mga tuhod ko, nanginginig at napaupo sa sahig, hindi makapaniwala. Paanong... Paano nangyari na wala na si Papa?


May sinasabi si Mama pero hindi ko na narinig, para akong nabingi.


Hindi p'wede... hindi 'to totoo... baka panaginip lang ang lahat ng 'to. Hindi patay si Papa. Malakas pa siya, imposible 'yon.


Tila namanhid ang puso ko sa sobrang sakit nito. Nung huling punta ko sa bahay namin, masaya kami para bang wala kaming problemang iniisip, nakangiti pa si Papa no'n, malusog at walang sakit. Pinagluto niya pa ako ng paborito kong ulam. 


Iyon na pala ang huling kita at pagsasama namin ni Papa, sana sinulit ko na... kung alam ko lang.


Nakatulala lang ako sa puntod ni Papa habang inaalala lahat ng masasayang araw. Nandito si Mama sa tabi ko yakap-yakap ang  bisig ng kapatid ko habang humahagugol.


Naupo naman ako sa upuan, tahimik, at walang emosyon. Wala akong nararamdan kun'di ang namamanhid na dibdib. Simula nung malaman ko na wala na si Papa hindi pa ako umiiyak, parang natuyo lahat ng luha ko.


"Ma'am Kiya, nakikiramay ako..." napatingin naman ako nang makita ko si Lj at iba ko pang katrabaho. 


Hindi ko sila inaasahan na pupunta sila sa burol ng tatay ko.


"Condolence, Ma'am."


"Nakikiramay kami, director Kiya."


"Kami ay lubos na nalulungkot sa pagkawala ng iyong ama, Miss Kiya." sabi ni Erick. Tumango lamang ako at binigyan sila na maliit na ngiti.


Nagpakawala ako ng mabigat na hininga bago ako nagpaalam na lalabas muna ako saglit upang magpahangin. Hindi ko mapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Parang nung isang linggo lang masigla si Papa... hindi ko alam na may dinadala na pala siyang sakit pero pinili niyang itago sa'min.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rhythm of Love [w2e]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon