chapter 3

26 3 5
                                    

          Anytime soon I'm going to pass out... I don't know how I feel right now. Since then, matagal ko na ulit naramdaman ang pakiramdam na ito. Para bang binabalik ako sa nakaraan kung saan ayoko nang balikan pa. I want to move forward. Let's just accept the fact na marami na talagang nagbago.


"Ready? Take 2. Lights, camera, action!" sigaw ni Direct.


Ngayon may shoot kami para sa music video ng bagong album na ire-release next month. Habang pinapanood sila sa malaking screen kung saan nagstart na silang mag record, napukaw naman ang atensyon ko sa lalaki ito. Watching him from the screen looks so unreal, inaamin kong ang attractive niya habang hawak-hawak ang kaniyang electric guitar, suot-suot ang eyeglasses niya.


Haynako, kung ano ano na'ng naiisip ko..


"Madam, hindi ka pa ba kakain? Lunch time na.." tanong sa'kin ni Lj


"Nope, busog ako, and wala rin akong gana. Mauna na kayo, kakain nalang ako kapag ginutom ako."  sabi ko.


Wala nang nagawa si Lj kun'di sundin ako. May kailangan din kasi akong asikasuhin talaga. Nitong mga araw talaga marami akong ginagawa sa trabaho ko. I'm not feeling pressured about my work, I just want to give my best shot para kasing palagi akong may kailangang patunayan.


Nag message naman sa'kin si Lj na pina-grab niya ako ng pagkain dahil naubos daw ng mga kasama namin.


Kinabukasan ay pauwi na 'ko kinahapunan, maaga kaming natapos, finally natapos na rin namin ang project na matagal na naming ginagawa. Nag celebrate sila kaya nagpakain din sila sa mga kasamahan namin.


Sa wakas, it's a relief na matapos namin ang project. Wala na kaming iisipin ngayon. Pauwi na 'ko habang naglalakad papuntang parking lot ay nag-ring ang phone ko, nakita ko na tumatawag si Gio, sinagot ko naman iyon.


"Hey." sabi ko sa linya.


"Hi Kianna, free ka ba tonight? Can we talk?" malumanay niyang sabi.


Imbis na sumagot ay hindi ako umimik, bagkus ay bumugtong hininga ako. "Ano naman dapat nating pag-usapan, Gio?" seryosong tanong ko.


"We both know kung ano dapat nating pag-usapan. Please let me explain, Kiya." kumulo ang dugo ko sa taong 'to.


"Fine." tanging sabi ko.


"Thank you. I'll pick you up at 7pm." sabi niya.


"No need, just send the address" wika ko.


"Alright then."


Nang matapos ang usapan ay binaba ko ang tawag. Papunta naman ako sa sasakyan ko, nakita ko naman si Daniel na may kasamang babae, magkayakap silang dalawa. Nagkasalubong ang tingin namin pero iniwasan ko 'yon, tila bang wala akong nakita.


Ibang babae ang kasama niya ngayon, iba ro'n sa kasama niya nang may nilabas na picture ang dispatch.

Rhythm of Love [w2e]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon