chapter 2

25 4 4
                                    

Ang exhausting ang araw na'to. We just finished the project for the next album, next month. Also, they are planning to have a world tour concert next year lalo na nang maging top hit ang isa nilang single album na 'light'  was released in 2019.


Gusto ko ng magpahinga pero need kong tapusin 'to ngayon.


Napatingin naman ako nang biglang bumukas ang pinto.


"Hi Director Kiya!" maligayang bati ni John Cha.


"Hi, Ja. Not today, I have important things to do." may hint ng frustration sa boses ko.


"Oh, ito madam, pinapabigay ni Daniel. Want coffee?" pinakita niya sa'kin 'yung kapeng hawak ni Ja.


Coffee? Galing kay Daniel?


"Oh... thanks. Paki sabi sakaniya." sabi ko habang fina-finalize ang project. Nakita ko naman na dahan-dahan siya lumabas, kumunot naman noo ko. "Where are you going?" tanong ko.


Bumungisngis naman siya, "Aalis na, bakit? I thought you had important things to do?" ani niya.


Hindi ako sumagot bagkus ay tumango nalamang ako saka siya lumabas.


Tinitigan ko naman ang kapeng nilapag ni Ja sa mesa, nilapitan ko naman iyon at may papel na may note.


Having a hard time? Take a break first :) - Niel.


Napaubo ako upang pigilan ang pag ngiti.


Tama ka na Kiya, aasa na naman ba? Na-dispatch na nga siya dahil sa dating issue with his fan. Tsh. How careless talaga.


Umupo ako sa aking swivel chair habang pinahinga ang ulo sa back rest.


"Sorry..." wika ni Daniel.


"Bakit?" unti-unting nag f-fade ang ngiti sa labi ko.


"I have to go to America, doon na kasi kami titira besides I want to persue my dream there. Alam mo naman 'yon 'di ba?" mahina niyang sabi.


Unti unti naman akong tumango habang unti-unting prinoproseso ang mga pangyayari.


Bakit masakit dito?


Gusto niya lang naman matupad pangarap niya..


"Hayst! Ano ka ba! Naiintindihan ko naman! Kaibigan kita, kaya susuportahan kita sa lahat ng bagay! hahaha.." peke akong tumawa. Nanatiling seryoso ang ekspresyon niya habang nakatitig siya sa'kin tila bang hinuhusgahan ang bawat ekspresyon ng mukha ko. "Ba't ganiyan ka makatingin?"


Bumugtonghininga naman siya. "H'wag mo 'kong mami-miss ha?" ngumisi naman siya.


"Hangin." umiling naman ako at mahina akong tumawa


But we can't escape the fact na need niya na talagang umalis.


''Umay naman!" nagising ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Lj. "Kainis talaga 'tong si Daniel. Ay sorry madam! Natutulog ka pala!" si Lj


"No.. nagpahinga lang.." umayos ako ng upo. "What's the matter?" Napatingin naman ako nang pumasok si Daniel sa office, nagkatinginan kami pero agad naman akong umiwas ng tingin.


"Hey, Lj..." malakas niyang sabi. Nanahimik naman siya nang sawayin siya ni Lj. "Sorry. Did you found it?" tumikhim ako at saka tumayo.


"Lj, punta lang ako ng restroom.." paalam ko.


"Uh. Okay ma'am!" si Lj.


Hindi ko ineexpect na magkikita kami ulit. Laki talaga nang pinagbago niya.


Nang matapos akong mag-restroom ay nakasalubong ko naman si Daniel sa hallway, bigla naman akong natapilok dahil sa heels na suot ko!


Shit!


Umamba naman siya na sasaluhin ako, "Are you okay?" may bahid ng pag-aalal ang boses niya.


Nakakahiya!


"H-huh? Oo!" pagsisinungaling ko, ang totoo niyan ay masakit ang ankle ko. Magkaka-sprained ankle pa ko nang wala sa oras! "Okay lang!" sabi ko pa.


Parang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko. "Are you sure? You look in pain.." tss.. in pain naman talaga ako, matagal na.  "I can bring you to the clinic right away.. if you want."


"Hindi okay lang talaga.. h'wag.. ka nang mag-alala pa." malumanay kong sabi. "Ahm, sige, mauna na 'ko.. may aasikasuhin pa kasi akong importanteng bagay."  paalam ko.


Hindi na siya sumagot pa at nanatiling tahimik habang nakatingin sa'kin, "By the way... Thanks sa coffee!" sinserong sabi ko habang nakangiti saka bago umalis.

Rhythm of Love [w2e]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon