Chapter 6

713 99 16
                                    

Chapter 6


UMAGA na naman at napakabilis ng araw akalain mo yun ang ganda ko lang kahapon tapos ngayon ang ganda ko ulit. Connect? hahaha btw, papasok na naman ako as usual. Actually maglalakad na naman ako ngayon papuntang eskwelahan. Eh bakit ba kung maglalakad ako? Wala kayong pakialam buhay ko 'to at wala kayong karapatang pagbawalan akong maglakad kung gusto niyo din maglakad edi maglakad din kayo (pabebe lang ang peg! charot).

Maglalakad ako ngayon para hindi mabawasan itong allowance ko na 20 pesos. Nag-iipon kasi ako ng pambili ko ng iphone x. Paano ba naman kasi nakakainggit yung mga kaklase ko dahil puro iphone x ang mga cellphone nila diba nakakaingit. Samantala ako itong cellphone ko yung sinaunang cellphone pa tsk badtrip. Nakakasawa gusto ko na rin kasi itong palitan dahil napakaluma na ng cellphone ko na nokia na dekipad gusto ko na rin ng touch screen nakakasawa na kaya magpindot pindot ng keypad nakakabadtrip na talaga at same time nakakahighblood.

Anyways may ikukwento pala ako sa inyo. (Oh gustong gusto niyo naman? Ayan dyan kayo magaling mga chismosa ng taon hahaha char) Ganito yun sa school, one time papunta ako sa may CR namin para umihi ng may nakita kong yung isa kong kaklase na nagseselfie na parang timang sa cr kasi nagseselfie siya habang winawagayway niya yung cellphone niya tsaka nagwawacky-wacky pa siya at pansin ko parang hindi naman pala siya nag seselfie parang nagvivideo siya kase parang meron siyang sinasabayan na tunog sa cellphone niya. Naglilipsync ang gaga at dun ko napagtanto na hindi pala siya nagseselfie kundi nagvivideo pala ampota. So! ayun dahil mahadera ako tinanong ko siya kung anu yung pinaggagagawa niya at ang sabi niya ay... wait ano na kasi yung sinabi niya hindi ko na maalala, nakalimutan ko na, wait lang nasa bibig ko yun eh pero hindi ko lang masabi letter T ang unang letra. T ------- T? ?? Titi??? Charot haha libog ko slight Tiktik ay oo "TIKTIK" oo mga sis tiktik yung ginagawa niya. Ay sinasabi ko talaga sa inyo pag-ako nagkaroon ng iphone x susubukan ko rin iyang deputang tiktik na yan promise peksman mamatay man so yun lang naman ang ikwekwento ko next time nalang ulit.

So ayun na nga kasalukuyan na akong naglalakad ngayon dito sa kalsada papuntang eskwelahan medyo konting lakad nalang ay mararating ko na ang aming eskwelahan. Habang naglalakad ako...


*BOOOOOGHHSSSSSSS...


Awwtsss funyemas naman. May nakabangga sa akin na isang lalake.

"AAAHHHHHHH MAY MULTO MULTO!!!" sigaw ng lalakeng nakabangga sa akin tas nagmadali siyang tumakbo palayo sa akin. Anong sabi niya multo? At sino naman ang tinutukoy niyang multo? Alangan naman ako? Heller kapal naman ng face niya kung ako yung tinutukoy niyang multo kaya i'm sure hindi ako yung tinutukoy niya

Nagpatuloy ako sa paglalakad...



*BOOOOOGHHSSSSSSS...


Arayyy! may nakabangga na naman ulit sa akin. Defuta naman. Anu bang meron ngayon bakit nila ako binabangga. Nagagandahan ba sila ng sobra sa akin kaya napapabunggo nalang sila sa akin?

"Layuan mo ako! Wag mo akong sasaktan! Wag mo akong papatayin! Wag kang lalapit parang awa mo na. Lumayo ka sa akin may pamilya pa akong bubuhayin kaya sana wag mo akong patayin parang awa muna." sabi ng lalake na nakabangga sa akin at tumakbo din ito palayo gaya ng ginawa ng unang lalakeng nakabagga sa akin kanina. Gagong bwisit na 'yun. Wow siya na nga itong nakabanggo, siya pa ang may ganang manlait. Akala mo naman kung gwapo ang funyeta. Mga sis mukha ba akong killer? hustisya naman please

At pinagpatuloy ko ulit ang aking paglalakad at maya-maya pa may nakita akong isang batang umiiyak dito sa may gilid ng kalsada at parang nawawala itong bata na ito kaya naman ang ginawa ko ay nilapitan siya  kasi naawa ako sa kanya at baka sakali na matulungan ko siya.

"Parang awa mo na ate please, gusto ko pa pong mabuhay. Wag mo po akong kikidnapin ate. Wag mo po akong kukunin ate. Wag mo po akong kikidnapin parang awa mo na po ate! Wag mo pong kukunin itong kidney ko nag-aaral pa po ako ate, parang awa mo na po ate." iyak ng iyak itong batang 'to. Funyeta hindi ko naman siya inaano eh at hindi ko naman siya kikidnapin judgemental ampota nakakabadtrip. Pesteng batang 'to mukha ba akong kidnapper?

"CHEEE!!!" sabi ko tsaka umalis.

Pinabayaan ko nalang yung bata sa kalsada paano ba naman kasi nakakabwisit pagkamahalaan ba naman akong kidnapper defutang batang yun pag ako hindi ko siya natansya bubutasan ko talaga yung tyan niya para kunin yung kidney niya tsk nakakabwisit

Hindi ko nalang pinansin yung mga demonyo na 'yun na mga judgmental. Akala mo naman kung sino sila na makapanglait sa akin. Akala mo naman kung ang gwa-gwapo nila eh ang fafangit naman nila like ewww. Ewan ko ba sa kanila kung bakit ba nila ako nilalait ng bonggang-bongga eh ang pretty pretty ko naman, sexy, heart throb, mayaman. Echosera talaga mga 'yun. Palibhasa mga fangit sila kaya naiingit sila sa isang katulad kong pretty. Haaay, kung sino pa kasi ang maganda eh kami pa ang nalalait haaay, badtrip. Sarap ipatulfo





Itutuloy...

That Ugly Girl (Shungabells Pa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon