Nandito ako nakaupo ngayon sa isang bench. Break time namin right now. Napakatahimik nang paligid. Ang iba kumakain nang snack, may mga masasayang nag-uusap din. And itong katabi ko busy sa binabasa niyang libro. Kaya wala akong choice kundi tumunganga rin. Hays.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Natigil naman sa pagbabasa itong katabi ko at kunot noo akong nilingon.
"Kung mag advance study ka kaya." suhesyon nito na tinanguan ko.
"Good idea" pag sang ayon ko nalang at nagbukas nang libro. To be honest tinatamad akong magbasa ngayon. Pero sige pampatay oras.
Hindi pa nagtagal ay tulala na ako sa isang pahina. Walang pumapasok sa isip ko. Pero may iniisip ako.
Isang kalokohan ang pumukaw sa isipan kong lutang. Naisip ko na ih prank si Frank - sya yung bestfriend ko nung highschool then manliligaw kona ngayong college. Kakambal niya itong katabi ko ngayon.
"Pstt" tawag pansin ko dito.
"Bakit?" blangko niyang tanong, nasa libro parin ang mga mata.
"Hoi Centin. May naisip akong kalokohan" sabi ko sabay kalabit dito sa katabi ko na parang nasa kabilang planeta na.
"Ano na naman yan huh! Sapphira. Akala ko ba mag-a-advance study ka?" inis niyang saad pero sa wakas lumingon na sya sakin at tuluyan nang sinarado ang libro.
"Naisip ko lang pano sagutin ko na si Frank total isang taon naman na syang nanliligaw sakin. Pero bago yun, ih pa-prank ko muna siya" sabi ko at malademonyong tumawa.
"Anong klaseng prank naman? Nako pag yun nagalit wala akong kinalaman huh" agaran niyang depensa sa sarili. Akala mo naman ipapahamak ko siya.
"Hindi yan! Simple lang naman ehh isang buwan akong magbabago. Magiging cold, iiwas ganun. Magiging laging busy at hindi magpaparamdam, di magrereply sa text nya, di sasagutin tawag nya." pagbahagi ko nang plano sa kanya, siya naman at taimtim na nakinig at biglang napapalakpak.
"Nako!! Pwede din pero dapat seryoso mukha mo kundi mabubulgar ka. Pagkatapos nang isang linggo, doon mo na siya sasagutin?" tanong niya na nagpangiti sa akin, buong puso naman akong tumango para masagot ang tanong niya. Nakagat ko ang sariling labi nang bigla itong napatakip sa bibig niya at impit na tumili haha baliw.
"Oh my gosh. I'm so excited. You will be my sister in law, finally" kinikilig niya pang sabi at niyugyog ang mga balikat ko dala nang tuwa.
"HAHA sira hindi pa naman kasal no" natatawa kong tinanggal ang mga kamay niya na walang tigil na yumuyugyog sakin.
"Kahit na no" she said and sighed dreamily. Akala mo kung anong answered prayer.
"Sasagutin mo siya pero ito sasabihin mo" aba desisyon din haha. Inayos niya ang buhok niya at sumeryoso ang expresyon nang mukha.
"Frank, itigil mo na ang panliligaw sakin" saad niya at may papitik pa nang daliri kaya natawa ako.
"ohh diba nakakaintense. Tapos kakabahan sya then doon mo na sya sasagutin" nakangising dugtong niya pa na tila proud na proud pa. Napatango-tango naman ako sa ideya niya. Ayos din to ah HAHA.
"Ang galing diba pero galingan mo din dapat ang pag acting. Goodluck girl" saad nya at nag umpisang iligpit ang mga gamit niya. Nagtaka naman ako lalo na nung akmang tatayo siya.
BINABASA MO ANG
Isang Chapter Nalang
RandomAng librong maghahatid nang ngiti sa labi at magpapaluha, enjoy po^^