Jolly Saver's

15 6 1
                                    

Dedicated to: SleepingSinger

a/n: hellooo po. yes, nakapag update din hehe. Ateee roselyn thank youuu po sa names. enjoy reading everyone^^

*********

Minsan ipinagpapasalamat ko talaga pag tahimik ang paligid habang naglalakad lakad pero ngayon halos e sumpa ko, lalo na yung kasama kong kanina pa umaatungal panay rin ang pahid niya nang luha at babalik na naman sa pagngawa.

"Erliah" pasimple ngunit madiin ko siyang sinaway dahil gusto ko nang lumubog sa lupa. Walang hiya naman oh.

Nakayuko nalang ako kasi ako ang nahihiya sa pinanggagawa niya. Nakakahiya kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa pag-iiyak iyak niya. Masyado nang agaw atensiyon. Pauwi na kami galing trabaho at binabaybay na namin ang daan patungo sa inuupahan naming apartment.

Itinudo ko pa ang pagyuko at itinakip sa mukha ko ang aking mahabang buhok nang mapadaan kami sa isang karenderya kung saan nagta trabaho at pagmamay-ari din nang pamilya ni Tim. Ka situationship ko nung nakaraang buwan na bigla kong ginhost. Yes ako ang nang ghost, kaya para akong wanted kung makatago. To make the story short, na turn off ako sa kanya. Ayos naman siya sa umpisa, magalang na may pagkabastos.

Nakita ko siya mula sa peripheral vision ko na naka white t-shirt na pinatungan nang blue na apron at naka maong pants. Busy ito sa pag se serve sa mga customer nang karenderya nila.

Bago kasi kami makaliko sa kanto papunta sa inuukupa naming apartment ay mapapadaan talaga kami dito. Ilang hakbang nalang ang kailangan tahakin at makakalagpas na kami nang tuluyan.

Ibinalik ko ang atensiyon sa daan kasi busy naman ito at nakatalikod sa gawi ko. Medyo binilisan ko ang hakbang at saktong nasa tapat na kami nang mamalayan kong wala na sa tabi ko si Erliah.

Dahan-dahan ko itong nilingon habang nakatabon parin sa mukha ang buhok ko, nakita ko itong hinang-hina na naglalakad. Mukha siyang pinagsakluban nang langit at lupa. Tinignan ko ang makulimlim na langit, mukhang may hindi magandang mangyayari ah.

Tuluyan na akong napahinto at hinintay na makalapit ang kaibigan ko para sana alalayan siya. Inabot niya naman ang kaliwang kamay ko na nakalahad at tinignan ako sa mata. Ow no hindi pwede. Naiiyak na naman siya at mukhang bumubwelo lang. Jusq naman. Tahimik akong napadasal na sana hindi maagaw ni Erliah ang atensiyon nang lalaki. Ayoko nang eksena.

Sasawayin ko pa sana siya ulit nang bigla na itong humagulgol ng iyak. Hindi normal. Mas malakas. Erliah naman bat dito pa.

Well as expected lumingon lahat nang tao sa paligid. Nahihiya man ay pinilit kong ngumiti at humingi nang dispensiya. Pasimple ko ring sinilip ang taong pinagtataguan ko, hindi nga ako nagkamali kasi nakatingin na siya sa pwesto namin nang babaitang ito habang salubong ang kilay.

"Bakit kasi ganun? Uwaaaaa" iyak niya ulit, lintek mabibingi na yata ako nito.

Hindi ko na alam kung sinong santo pa ang tatawagin ko. Lalo na nang aktong lalabas at lalapit din ang kumag na Tim. Wala na akong choice, kailangan namin makaalis dito.

Di ko na talaga kaya to. Papalabas na si Tim sa pintuan nang walang pasabi sabi ay buong lakas kong hinatak itong kasama ko. Hindi ko alam saan ko ito dadalhin. Lumagpas na din kami sa kanto namin pero diretso lang ang lakad.

Huminto na din siya sa pag atungal pero patuloy parin ang luha niya, hindi rin naman siya nanlaban at patuloy lang sa pagpatianod. Malapit na kami sa park nang matanawan ko ang isang Fast food chain, hinatak ko na siya papunta doon.

Isang Chapter NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon