Aswang

4 2 0
                                    

a/n: it's been awhile and i can tell i miss writing T-T

******************************



Isang hapong makulimlim ang langit, nag--aagaw na ang liwanag at dilim dahil tuluyan nang nakatago ang araw. Naglalakad na ako pauwi sa bahay. Buong araw ako na nasa bukid at sa rami nang mga gawain ay mukhang aabutan yata ako nang dilim sa daan.


Tahimik kong tinatahak ang makipot na daan. Tuluyan nang nilamon nang dilim ang kalangitan. Tanging sinag nalang nang buwan ang nagbibigay liwanag, ngunit mas kumulimlim lalo nang pasukin ko ang kakahuyan. May daraanan pa akong ilog sa unahan.


Hindi pa nakalalayo ay nakarinig na ako na parang pagaspas. Noong una ay isinawalang bahala ko lang kasi baka dahon lang naman. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nalang nararamdaman na para bang may nakatingin at nagmamasid sakin. Ayoko mang isipin na may nakasunod sa akin lalo na't usap-usapan pa rin sa baryo ang pagkamatay ni Willy kamakailan lang na ang hinala nang ilan ay sinugod daw nang aswang.


Umabot na ako sa gitna nang kakahuyan, nang may narinig na naman akong pagaspas, may nararamdaman din akong parang hininga sa aking likuran. Hindi na ito normal. Hindi na'to basta dahon lang. Mas bumilis ang aking mga hakbang kasabay nang pagbilis nang pintig nang aking puso. Habang pabilis nang pabilis ang aking lakad, ramdam ko ring mas lalong bumibilis ang pagaspas. Dahan-dahan ko namang hinimas ang itak sa kaliwang bahagi nang aking beywang.




"Ay kun sin o man ya timo, waay ko ya nahadlok. Indi lang ko hilabti kay waay taka ya ginahilabtan."




Iyon ang laging bilin sa akin nang Papa. Unahan mo sila, bago ka nila unahan. Sandaling nanahimik ang paligid, kinuha ko ang pagkakataon at mas binilisan ang mga hakbang.


Habang lumalayo ay mas lalong dumidilim ang paligid sanhi nang mga makakapal na ulap na tumatakip sa buwan. Mas humigpit ang hawak ko sa itak nang maramdaman na naman itong nakasunod.


Malapit na akong makalabas sa kakahuyan ngunit imbes na ipagpasalamat ay mas lalo lamang akong kinabahan nang matanaw ang malapad na ilog sa unahan. Kailangang makatawid agad ako doon. Wala akong ideya kung anong pwede niyang gawin.


Nararamdaman ko na muli ang hininga ne'to sa likuran nang tainga ko. Kaya napagdesisyunan ko na itong lingunin. Ngunit bigla naman itong naglaho. Naramdaman kong may tumulo mula sa itaas kahit hindi naman umuulan. Kinikilabutan man ay tumingala ako. At isang nakakakilabot na mukha ang bumungad. Nakalugay na mahabang buhok, mapupulang mga mata, nakanganga na bumunganga at may laway na tumutulo mula roon. Kadiri naman 'to.


Napaatras ako sa gulat at kumuha nang magandang tiyempo. Hindi tiyempo para umatake, kundi tiyempo para makatakbo. Dahan-dahan itong lumapit, kaya dali-dali akong tumalikod at tumakbo. Hindi ko rin alam paano ko natawid nang ganoon kabilis ang malapad na ilog.


Patuloy ako sa pagtakbo at patuloy lang din siya sa paghabol. Magkaiba man ang daan na tinatahak naming dalawa. Ako nasa lupa habang siya ay nasa himpapawid. Ang romantik naman masyado. Hanggang sa natisod ako at tuloy-tuloy na natumba sa lupa. Handa na niya akong lapain at sa hindi malamang dahilan ay hindi ko na makapa pang muli ang itak sa beywang. Ilang metro nalang ang layo ne'to nang sipain ko siya. Hindi ko na alam kung tinamaan ko ba dahil sa isang sigaw na nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.




"Aray ko naman, bakit ka naninipa?" daing nang asawa ko. Himas-himas ang likuran ay dahan-dahan itong tumayo mula sa pagkakahulog sa papag.




"M-mahal, p-pasensiya na. S-sinipa ko lang naman ang aswang" pagpapaliwanag ko dito at naupo sa aming higaan at inalalayan siya hinilot ko rin nang bahagya kung saan ang masakit na sanhi nang pagkakahulog.




"Pwes hindi ako yung aswang" padabog niya namang sagot.




Babalik pa sana ito sa pagkakahiga nang biglang tumilaok ang manok sa labas. Tinignan niya naman ang orasan sa dingding at nakitang alas kwatro na nang umaga. Kaya sa kusina nalang daw ang diretso niya. Lintek na aswang yun. Panaginip lang pala, nasipa ko pa si bossing. Parang ayoko tuloy pumunta sa bukid ngayon. Hays.






a/n: it's been a while, longggg time T-T... I know this story was lame but I hope you guys still enjoyed reading. I think this is my first update this year huhu. But thankful to be back on track again. This story was actually a dream of my tito. I found it funny so that might be the reason why I wrote this on my notebook. I made some revisions and here it is. Thank you for reading^^

@AltruismEmerald

Isang Chapter NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon