OJI

27 16 1
                                    

Dedicated to: aireeee_31


Alas siete na ng umaga nang magising ang magandang dyosa. Bumangon na ako at niligpit ang pinaghigaan.

Pumunta akong kusina para ipagtimpla ng kape ang sarili, pasikat na ang haring araw but it doesn't bother me anymore.

Lunes na bukas pero hindi na ako natatakot, sa susunod na linggo pa ang kaba ko. Humihikab na dinampot ko ang laptop mula sa ibabaw ng study table ko at dumiretso sa balkonahe bitbit ang kape sa kabila kong kamay.

Nasa pinto palang ay natanaw ko na si mama na nagsasampay ng damit na nilabhan niya. Habang yung aso naman naming si Oji, diba astig ng name syempre baka ako nagbigay ng pangalan niyan, ay nasa gilid ng basket at parang binabantayan ang mga labahang hindi pa naisasampay ni mudra.

Pagkalabas ay nilapag ko sa coffee table ang kape at laptop na dala.

"Good morning, Ma" - bati ko kay Mama kaya nilingon niya ako at matamis na nginitian tsaka bumalik sa ginagawa.

Ay hindi ako binate, bahala na maganda naman gising ko tapos maganda rin ako kaya pababayaan ko nalang siya.

Minsan talaga tamad si mama magsalita. Nang mapansin ako ni Oji ay dali-dali itong lumapit at nagtatatalon.

Hays halatang walang mapaglagyan ng tuwa ng masilayan niya ang angkin kong kagandahan. Bahagya naman akong umupo para magpantay kami.

Hinimas ko ang malambot niyang balahibo, alaga sa ligo ah sanaol yung iba ko kasing kaklase naliligo lang kung kailan maisipan. Nang kumalma na siya ay umupo na ako sa upuan at humigop sa kape na tinimpla ko.

'Sarappp nakakagising ng kaluluwa'

saad ko sa aking isip, totoo naman kasi. Ito yung timpla nang kapeng gusto ko, hindi mapait hindi rin matamis. Sakto lang.

Pinanood ko si Mama na matapos sa ginagawa habang hinihintay ang laptop ko na nagsa-start.

Semester Break namin ngayon pero meron pakong kailangan tapusin na need i comply sa ibang subject next week.

Lalo na sa Komunikasyon, nagcocooperate naman ako sa lahat ng activities pero 73 parin yung grades ko. Nahiya naman yung 97 ko sa math. Pero ayos lang lucky number ko naman yung 3 tapos sabi nila swerte din naman daw yung number 7.

Sabi ng iba ayos lang daw kasi mababawi sa ibang sub, naku hindi din naman ako sure sa iba kong subject. Pano na kung mababa rin grade ko dun, edi bokya na.

Hay nako simula palang alam ko na na magiging problema ko talaga tung komu na subject eh. Pano ba naman may galit ata prof namin sakin. Hindi ko naman siya inaano, pwera dun sa pina office ko siya ah. Hirap talaga pag maganda mainit sa mata ng ibang tao.

Malalim akong bumuntong hininga na tila ba ang laki-laki ng pasan kong problema. Bat ko ba kasi pinasan? Sa susunod ilalapag ko na para di na ako mahirapan, tama.

Humigop ulit ako sa aking tasa sa pangalawang beses at nagpalinga sa paligid. Nakita ko ang kapit-bahay naming lasingero, gaya ng nakasanayan alak na naman ang kaharap.

Tsk kiaga-aga laklak agad, yan tuloy kagigising lang antok agad. Kanya-kanya sila ng storya, na tila ba ayaw magpatalo.

Tinignan ko naman yung kasama niyang si Rogie na kasalukuyan ng nakasandal sa haligi at pipikit pikit na ang mata, wala mahina 'tu dalawang longneck palang tumba na. Pero mukhang gising pa naman, nag dadaydream siguro.

Nalingon ko naman si Mama ng magsalita ito na parang galit. Tinignan ko kung anong kinagagalitan niya. Tsk si Oji lang pala, takbo ng takbo sa harap niya at mukhang nahihirapan siyang humakbang dahil isang hakbang paniguradong maaapakan niya ang aso.

Tinungga ko na ang natitirang kape sa baso, baka lumamig pa. Sa inis naman ni Mama ay sinigawan niya na ito.

"OJI" - galit na sigaw ni Mama

"ohhh?" - sagot naman nit--.

Teka kailan pa natutong magsalita ang aso. Wait parang familiar ah.

Nagkatinginan kami ni Mama at parehas na nagpipigil ng tawa. Natural na pipigilan ko dahil panigurado mabubuga ko tung kape sa loob ng bunganga ko, sayang kaya dali dali ko itong nilunok.

"Kunin mo nga itong aso mo dito, Vickay" - utos naman kunwari ni Mama sakin, kaya tumayo ako at nilapitan si Oji para buhatin.

Pasimple ko namang nilingon ang kapit-bahay namin na nakamasid parin samin.

At nang marealize niyang aso ang tinawag at hindi siya ay bumalik siya sa pagkakasandal at pumikit ulit.

Nakakanlong na sakin ang aso pero kagat-kagat ko parin ang ibaba kong labi. Grabe akala ko astig ang pangalang yun HAHAHA.




a/n: okay guys hango 'to sa totoong storya, to be honest haha. It happened one time, siguro last year. Yung name nang aso is, name talaga nang aso namin and yung sa kapitbahay 'ganun rin haha. Helloo uncle rogie, wag ka magalet pare naman tayo eh😹. And yes, yung grade tsaka subject is totoo din guys pero napalitan naman kasi na office ulit kami. And in the end 'yung principal namin ang gumawa nang grades. So shout out din sa teacher namin na yan, malaki pa rin po inis ko sa'yo. Eme lang haha



@AltruismEmerald

Isang Chapter NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon