⚠️. errors ahead.
"Psych.." rinig kong tawag nang isang pamilyar na boses ngunit hindi ko na ito nilingon. "Anong ginagawa mo dito?" at hindi na nga siya nakatiis at kusa nang lumapit. He's Deon, greatest white ko pero totga na rin at the same time.
"Wala. May iniisip lang." simple kong sagot at panandalian siyang tinapunan nang tingin at agad ibinalik ang atensiyon sa malawak na karagatan. Mas gusto kong pakinggan ang hampas nang alon sa dalampasigan. Nakakawala nang pagod. Nakakawala nang lungkot.
Nandito kami sa tabing-dagat, nagkaayaan kasi na mag-reunion ang mga kaklase ko noong senior high kasi mag-co-college na, magiging madalang nalang ang ganito.
"Tungkol saan? May problema ba?" pang-uusisa niya pa na tahimik ko lang na inilingan. "Tao? Bagay? Hayop?" pangungulit pa nito, mukhang hindi ako titigilan nang isang ito a.
"Wala nga." natatawa ko nalang na tanggi.
"Oy sino yan huh? Ako ba yan?" eksahedero niyang saad kaya gulat ko itong nilingon. Hindi pa ito na-kontento at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko kung saan alam niya ang kiliti ko. Kaya para kaming mga timang na nagtatawanan dito.
"Sira! Hindi no!" todo tanggi ko rito kasi totoo naman. Siya naman talaga.
"Tinatanggi mo pa e." saad niya na tinawanan ko na lamang. "Psych?" tawag ulit niya sa pangalan ko.
"Hmm?" tanging tugon ko at ibinaling na nang tuluyan sa dagat ang atensiyon. Hinahayaan na anurin din nang alon ang mga gumugulo sa isip ko.
"If we were given a chance back then? Would you give us a try? Are you willing to take the risk?" sa tanong niyang iyon ay natigilandea ako. Nilingon ko ito at nakitang seryoso itong naghihintay nang sagot ko.
"I.." iniiwas ko ang paningin, ang hirap sabihin. "I dont know." mahina at hindi ko siguradong sagot rito. "Maybe.." kailan nga ba nagkaroon nang kasiguraduhan tungkol sa amin?
"Kung.." nilingon ko ito ulit "..ikaw ba?" agad ay napaiwas nalang ako dahil gaya nang dati ay hindi ko nagagawang tagalan ang mga titig niya. "Kung ikaw ang tatanungin ko? Would you take the risk?" balik ko ring tanong sa kaniya.
Ilang minutong katahimikan at kusang bumagsak sa mga buhangin ang paningin ko. Alam ko na'to. Alam ko na ang kasunod nito. Alam ko namang hindi ako worth to risk, i was always the 'gusto pero hindi pinursue'. Ang tanong ko lang sa sarili ay kung kakayanin ko na ba ngayon marinig mula mismo sa kaniya?
"Ofcourse.." natigil ako sa naging sagot niya. Ilang minuto ko muna itong inulit-ulit sa utak ko at pilit pinoproseso. Nagtataka ko itong nilingon, hindi iyon ang sagot na inaasahan ko.
"H-huh?" mahina kong tanong at baka nag-i-ilusyon na naman ako.
"You heard it, Psych." sigurado niyang tugon "I will surely grab the chance because I love you." he said it directly through my eyes, sending it to my soul. Nanatili lang akong tahimik at nahihiwagaan sa mga nangyayari.
"Hindi man pinagbigyan nang tadhana at panahon ngayon o dati, maybe in the near future. naniniwala ako sa right time. At pagdating nang oras na iyon ako ang pinakamasayang tao sa mundo." dahan-dahan ay lumapit ito, wala naman akong nagawa ni humakbang paatras ay hindi ko magawa kaya hinayaan ko nalang ito.
"Ikaw lang ang babaeng panonoorin ko habang naglalakad palapit sa altar. Dahil ikaw lang ang bride na nakikita kong hihintayin ko sa harap nang altar." saksi ang karagatan sa mga binitawan niyang kataga. Darating kaya ang panahon na pagbibigyan tayo nang tadhana, Deon?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa simbahan, hinihintay ang bride. It's a special day, it's the same day last decade. Sa pagpatak nang oras ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan. Siguro excited lang akong makita siya wearing her wedding dress.
The time comes at nagbukas na ang pintuan nang simbahan. Mula roon ay tanaw ko na ang kaisa-isang babaeng minahal ko. She's so beautiful in her gown. Natatabunan man nang belo ay nasisigurado kong masaya siya. Sobrang saya. Kahit ako ay parang sira na gustong maiyak dito.
She walks down the aisle, my bride. I witness how her eyes sparkle in happiness. I watched every step she made. Just like what I promised.
"Ngayon ko lang yata nakitang pinanood ni father na maglakad ang bride. 'Yung mga ikinakasal niya dati ay lagi niyang sinasadyang tumalikod muna." rinig ko na bulong mula sa malapit na hindi ko na pinagtuonan nang pansin.
Hindi nagtagal ay inabot na ni Psych ang kamay niya sa groom niya. I faked a smile for them. That should be me. Kami sana ang magkasamang nakaharap sa altar at hindi magkaharap. But I am the priest and she is someone else bride. Huminga ako nang malalim at inumpisahan na agad nang matapos na.
"Psychie Madrigal, do you take Kevin Lexington as your lawfully wedded husband and promise to stay by his side in sickness and in health." for me this is the sacred part aside from exchanging vows, and i had already witnessed many "i do's".
"I do, father." hindi ko lang inaasahan na pati i do niya para sa iba ay maririnig ko mismo.
"Kevin and Psychie, I pronounced you husband and wife." iyon na yata ang pinakamabigat na statement na binitiwan ko sa tanang buhay. "You may now kiss your..." i swallowed the slump within my throat. "..bride." who's supposed to be mine.
Pagkatapos na pagkatapos ay tumalikod na ako. Hindi ko na kaya. Pero masaya ako makitang masaya siya. Hanggang sa huli ay natupad ko ang ipinangako ko sa harap nang mga alon sa dalampasigan, decades ago.
✒️. Plagiarism is a Crime
✒️. own deluluness
✒️. picture from pinterest
BINABASA MO ANG
Isang Chapter Nalang
RandomAng librong maghahatid nang ngiti sa labi at magpapaluha, enjoy po^^