Just a Bestfriend

20 9 0
                                    

Nagkukulong ako sa loob nang aking kwarto at patuloy na kinakalampag ng isang lalaki ang aking pinto. Argh. Nakakainis. It's freaking Saturday, I should start my weekend with a smile but how could I? Ang aga-aga bwesit na bwesit na ako.

Two more knocks and I annoyingly picked my lamp shade from my bed side table. With all force, I throw it on the door that creates a breaking sound. A moment of silence and I was about to close my eyes thinking he already left. Peace.

Hindi nagtagal ay kinalampag na naman nito ang pintuan ko. What the fucking shit?

"Kayn? What happen? Are you okay?"

He said worryingly. Argh. I hate him.

Imbes na bumangon para harapin siya ay nagtaklob lang ako nang kumot. Bahala siya diyan.

I'm Astrea Kayn Montemayor and that annoying boy outside was Spender Ode Petrarch, my best friend. I knew him since were kids. Mabait sya, maalaga that's why I love him more than I should. Yeah I like him. He's always on my side and act like my brother. And I hate it. I freaking hate it thinking na hanggang doon lang kami.

Komportable kami sa isa't isa. But I didn't expect that our closeness would end when we enter the so-called 'highschool life'. And now we're finally senior high students. One more last year and collage life is waving.

He finds a new group of friends when we first enter highschool. But we're still bestfriend. Sumali sya sa isang boy band group, he's the vocalist maganda naman kasi boses nya. Supportado ko naman iyon.

Kaya nga lang kung magplano kaming gumala, minsan 'di sya sumisipot. Magtetext na lang na busy daw sya.

"Fine, I know your mad. Okay."

Buti alam mo. Bwesit ka. Nagplano lang naman kaming kakain nang street foods sa kanila Aling Marie kahapon after class. Siya ang nag request non para daw makabawi siya. Pero para akong tanga na naghihintay sa kalye nang halos tatlong oras. Ginutom na din ako.

Alam ko parang ang babaw kase tatlong oras lang naman. Pero may mga sinakripisyo ako sa loob nang tatlong oras na yon. Yung mga projects na kailangan ko i comply before the day ends, hindi ko muna ginawa kasi nga nag request siya.

I wasted my three hours waiting for no one. Hindi ko naman alam na i-indiyanin niya na naman ako.

Thankfully nagawan ko nang paraan kagabi ang mga projects ko at natapos ko naman lahat buti nga hindi umabot kay dad, yun nga lang puyat ako. Tapos ito pa ang bubungad sa umaga ko.

"Kayn sorry na may practice kasi kami sa band kanina."

Reason, Spen.

Ilang minuto na naman natahimik pero alam kong nasa labas parin siya. Nanatili lamanh akong nakahiga sa aking kama at hindi siya sinagot.

"Gala nalang tayo ngayon. Libre kita kahit ano gusto mo."

Dagdag nya. Napapabuntong hininga naman akong napaupo sa kama. Wala talaga sana akong balak pagbuksan siya pero sumagi bigla sa isip ko ang mga pagkain. Kahit ano daw eh.

Dali-dali naman akong napatayo at pinagbuksan siya nang pinto na may malawak na ngiti sa labi. Hindi naman ako marupok pero pagdating sa kanya- este sa pagkain hindi talaga ako makatanggi.

"Libre mo lahat?"

Tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti naman ito dahilan nang pagkawala nang mga mata niya at tumango.

"Talaga lang huh?"

Paniniguro ko sa kanya at mas lalong nagniningning ang mga mata ko nang tumango-tango ulit ito.

Isang Chapter NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon