Zyn's POV
Wow! kawawa naman yung new member kagabi! nadala sa charms ko. bwhahah! natatawa na lang ako sa kanya.. wahh! another day na naman ng school, hindi muna ako pupunta sa D.U mamaya. papahinga muna ako, i'm so happy lang naman eh.
"ate Zyn! ako muna liligo!" sigaw ni Renz, Bunso kong kapatid. hay, umakyat na lang ako sa banyo sa taas, quick shower na lang muna ang gagawin ko.. nung makatapos akong maligo, nag sleeveless dress lang ako tapos sumabay ako kay Zeke papuntang school, tinatamad kasi akong magdrive..
"Zyn! tara na!!! bagal mo!"
"Heh! wait lang! mabilis lang, magsusuklay na lang ako Kuya!" napa-tsk na lang si Zeke sakin kaya nagmadali na ako at sumakay na lang din.. walang magawa! hayytt! ang tahimik niya ngayon, anyare kaya? nangmakarating kami sa school, nag madali ako papunta sa room pero may something na tumulak sakin para pumunta sa roof top ng building.Xandra calling...
[Zyn?? asan ka na ba? malelate ka na para sa first subject mo! alam namin ni Alyssa schedule mo! bilisan mo na.]
"Oo na po, wait lang, may ichecheck lang ako.. babye!"
[hoy! nasan ka ba kas----]
Call ended...
gusto kong mapag-isa... paano na lang kaya kapag nalaman nilang ako ay isa sa highest ranker sa Dark Underground? naku, mahirap na. kailangan kong mag-isip ng mga palusot kung mahuhuli o malalaman nila ito.
"Pare ang astig mo! chicks ba?" nakarinig ako ng sigaw sa gilid ng roof top, lumapit ako at sumilip. nakita ko sila Drew at ang mga kasama niya na naguusap.
"Taena pare! mukhang maganda siya, kaso nadaya ako sa laban eh! dinaan niya ako sa pag papaawa niya.. pero interesado ako sa kanya." si drew yung nag salita. Teka.. anong sabi niya?
"nabanggit mo kanina na may code name sa D.U? anong pangalan mo dun? pati yung babae?" sabi naman nung isang kasama niya. DU? alam niya kung saan yun? at take note, kasali pa ata siya, bakit hindi ko alam yun? nilapit ko pa lalo yung tenga ko tapos nakinig pa ako.
"Assassinater ang code name ko... at Hitaji ang pangalan ng babaeng gumawa nito sakin kagabi. Leader siya ng black widow na group." Tama ba ako ng narinig ko? si Drew si Assassinater? kaya pala sobra sobra ang kaba kong naramdaman kagabi nung nakipag kamay ako. Dapat ko pala siyang iwasan! hindi ko na siya lalabanan, ipapakita ko ang weak na ako para hindi niya malaman na ako si Hitaji. umalis na ako sa roof top at umattend ng klase ko..
"Answer me Ms. Salameda? where are you looking at?" patay! galit si Ms. Fera. Kanina pa ata akong tinatawag. kasi naman eh! "Ahh.. Eh.. Wala po ma'am.. Pasensya na Lang, masakit po kasi ulo ko."
"Okay. But next time, makikinig ka sakin ha."
"Tss. Idiot talaga kahit kailan!" Narinig kong sinabi ni Drew. Fudge?! Talagang kailangan sabihin na idiot ako? Abnormal yun ah? pero hindi ko kaya pigilan ang sarili ko. ayoko ng may umaaway sa akin!
"Kahit kelan talaga ang sarap mong itapon sa bangin!" sabi ko. tumawa lang siya ang malakas, aba?! sinusubukan niya ako. wala akong pakialam kung kasali siya sa D.U... ang mahalaga, hindi niya malalaman kung sino ako. hinintay kong matapos ang klase tapos tumayo ako at hinila ang kwelyo ng damit niya, pumwesto ako na suntukin siya. wala naman pala sila Xandra at Alyssa. safe ako dito na mangbugbog tsk!
"Zyn, wag!" what the? may humila at yumakap sakin.. pinigilan ako? tsk! si Vince pala, ang pinsan ko.. problema nito? "Ano ba?" sinigawan ko siya.
"Ang sama tingnan sa babae na siya ang manununtok. Ako na ang gagawa nito para sayo." sabi niya tapos tumalikod siya sakin at sinuntok niya si Drew, shet! nagbabawian sila ng suntok, hindi pedeng mabugbog si Vince, kawawa ang kanyang handsome face! sinipa ko ng malakas si Drew. "Subukan mong bugbugin ng sobra si Vince! Makakakita ka ng Lumilipad na Jaeron Drew!" hinila ko na si Vince palabas ng room at nagmireyenda muna kami.
BINABASA MO ANG
WARNING: Don't fall in Love with your Enemy [On-going]
ЮморSi Jaeron Drew Prestoha-- ang mister cold guy ng Campus Miranda University. Snob, minsan naman Bully. buti na lang at napapagtiisan siya ng dalawa niyang kaibigan na si Axel at Matt. Ano nga bang dahilan sa likod ng lahat ng ipinapakitang niyang uga...