Zyn's POV
"Hey Zyn. Where are we going?" Trevor asked. Kahit na englishero siya, medyo na sanay na din ako. Ipapakilala ko siya sa barkada. Hinila ko siya ng mabilis, naririnig ko ang bulungan sa campus. Eto na naman kami, lagi nang napapatawag sa Dean's Office kasi PDA daw kami...
"Oh Zyn? Sino yang kasama mo?" Tanong ni Xandra. Napatingin tuloy sila Janella, Zeke at James. Si Alyssa at Vince kasi ay may klase pa. Nga pala, okay na kami ni kambal. Si mama naman, pilit na kausapin ako pero ayaw ko. "Guys, siya si Trevor Smith. Siya yung nakalaro ko nung magpunta kami sa America dati nung bata pa kami. Diba Kambal?"
"Yow, Thor! how are you men?" Sabi ni Zeke kay Trevor tapos nakipagkamay sa kanya. si Xandra naman umikot lang yung mata, problema nito? tsk--Bahala siya, meron ata eh. haha!
"Kambal! Ibili mo ako ng lunch, hindi pa kasi ako nakain eh, please?" sabi ni Zeke sakin sabay pout ng labi. tsk! di bagay sa kanya. "Samahan kana namin Zyn!" sabi nila Janella at Xandra... So ayun, pumunta kaming canteen pero ang sama ng nakasalubong ko! hayt! bullshet nmn oh. nababadtrip na naman ako!
"Hoy Halimaw! Wag ka ngang feeling pretty dahil ang panget mo!" ano na naman 'to? iniiwasan ko na nga siya tapos mang aaway na naman! nagdiretso na lang ako sa paglalakad. Pag dating ko sa canteen nagulat na lang ako kasi sobrang daming pila... may klase pa naman ata sila Janella at Xandra. "Janella, Xandra, una na kayo. may klase pa kayo diba? malelate kayo" sabi ko naman. They hugged me and bid goodbye. mag-isa na naman ako. Naman eh! nakakaiyamot mag hintay no?
Bigla kong naalala na may bagong gawa na 7/11 sa labas ng school, walking distance lang naman. medyo dumidilim na rin ang kalangitan kaya kailangan kong mag madali.. "Kuya Guard, may bibilhin lang po ako ha?" tumango naman si kuya guard kaya ayun nakalabas agad ako ng University at dumiretso sa 7/11... kumuha ako ng lasanga para kay Zeke, hmmm? Nakakagutom, makabili na nga rin ng sakin. Nung nasa counter na ako, nagpapacute yung lalake sakin. like Ewww? tss! kumikindat pa. tsk! pagkatapos ko magbayad, lumabas na ako. Saktong bumagsak ang ulan! wrong timing nmn oh. lakad lang Zyn! Malapit ka na sa tawiran! Kaso,
*Krkugggg!!* yahh!! kumukulog at kimikidlat pa. oo! takot ako sa kulog at kidlat. walang pakielaman! huhu! natawid na ako ng biglang,
*beeeepppp* Then everything went black.
Drew's POV
"Hoy Halimaw! Wag ka ngang feeling pretty dahil ang panget mo!" sabi ko habang natatawa. Hmm, sabihin na lang natin na namimiss ko siyang kaaway. Hindi na niya kasi ako inaaway eh. nakakapanibago. At dahil sa sinabi ko, inisnob niya lang ako. Snobber na siya. tsk! umupo na lang ako doon sa may guard house at tumambay. Ang boring naman!
Maya-maya, nakita ko si Halimaw na nagmamadaling umalis. Bahala na siya sa buhay niya! Hindi ko na siya bati! aiishhh!! ang Bading mo Drew! Humiga na lang ako at ipinikit ang aking mata. Nakaramdam ako ng tulo tulo sa aking mukha. Ano to? May naglalaway sa mukha ko? yuck. minulat ko ang mata ko at naulan pala... Kumulog at kumidlat pa ah. Mamaya nakarinig ako ng malakas na busina sa labas kaya napatakbo ako palabas para tingnan.
Wait?? si Halimaw yun ah?? Nakahiga at walang malay sa ilalim ng ulan.. Gago yung kotse ah! hindi man lang bumaba yung driver para tingnan si Halimaw... Nilapitan ko agad siya at dinala sa malapit na Hospital. sumalubong sakin ang nurse pagkadating ko at dinala agad siya sa Emergency Room...
(Calling- Reo)
"Oh? Boss? napatawag ka?"
[Assassinater, Kailangan ka dito, ngayon na!]
"Okay sige boss! pupunta ako agad dyan"
(Call ended)
"Sir, Kaano-ano niyo po ang pasyente?" tanong sakin ng nurse. inabot ko sa kanya yung calling card ko tapos umalis na... Ano kayang meron ngayon? nag drive na ako papunta sa Headquarters ng Red Flames..
Pagkapasok ko, lahat ng members nandun sa loob at si Reo ay nakahiga sa kama. Mukhang may sakit. "OH. andyan ka na pala" nag curious look muna ako sa kanila tapos nagmeeting pala sila tungkol sa magiging sunod na leader ng Red Flames dahil may sakit pala si Boss.
"At ikaw ang tinatagurian kong bagong leader. Dahil na din sa Kuya mo. Starting tomorrow, leader ka na! ikaw na ang papalit sakin" Ehh? totoo ba ang narinig ko? ako na ang bagong leader???
Pagkatapos ng meeting ay nagpunta na ako sa hospital, bumalik ako para tingnan ang kalagayan ni Halimaw. Pagpasok ko ng kwarto nakahiga pa siya at nakapikit. lumapit ako sa kama at tiningnan siya. hhmmm, Mukha siyang anghel kapag tulog. haha! ang cute niya! Ugghh! Bading ka na ata talaga Drew!
"Hhmmm." Sabi ni Halimaw habang nakapikit. napatingin ako sa labi niya. Kissable? aisshh! Manahimik ka nga Drew! hindi ko alam pero napapalapit na ang mukha ko sa mukha niya...
"YAAAHHH!!!! Manyak~~!! Nakakadiri ka! layuan mo ako!!!!" muntik na yun! tsk! ang gago ko talaga! aisshh!! "Sorry?" Sabi ko. Mamaya napatulala siya at umiyak.. Napatingin siya sakin at yumakap. "Sorry din. Pasensya na kung nadadamay ka sa kaartehan ko... Ang sakit sakit talaga eh. Ayoko na. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng mawala sa mundong ito. Kailangan bang mahirapan ako??" Okay. Basa na ang shirt ko. Puro luha niya. Pero anong magagawa ko. Ayokong makakita ng umiiyak na babae. Naalala ko lang si Aira, ang pinsan ko na namatay. Hayy. Hinaplos ko na lang yung likod niya at pinatahan.
*lubdub lubdub lubdub*
Anong pakiramdam ito?? Tsk. Pagkatapos ng madramang session niya. Pinalabas na siya sa hospital at hinatid ko. Buti hindi siya tumanggi."salamat." Sabi niya sakin tapos humalik sa cheeks ko. Tapos pumasok na siya ng bahay.
WAIT?? HINALIKAN NIYA AKO SA PISNGI!!! Wtf.!
The next day...
"Oh pre? Laki ng eyebags. Natulog ka pa ba kagabi??" -Alex
"nako. Iniisip mo na naman si Halimaw!" -Matthew"Eh anong paki niyo kung iniisip ko siya? Ha?" Wait? Nagpoprocess sa utak ko yung sinabi ko..
Process..
Loading...
Loading...
100%..."BWAHAHAHAAHAHAA!" Tumawa ng tumawa yung dalwang ugok. "manahimik nga kayo!" Saway ko sa kanila.
"seriously pre??" Tanong nila sakin.
"I think I like her..."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: uhmm. Short update lang po ito. Haha. Medyo busy ako sa school at madalas akong nagkakasakit eh. guys, just continue reading, voting, commenting and please continue to be a fan of this book. You guys make me feel better sa kabila ng lahat ng nararamdaman ko. Mwuah. :* #KeepOnDreaming
BINABASA MO ANG
WARNING: Don't fall in Love with your Enemy [On-going]
Hài hướcSi Jaeron Drew Prestoha-- ang mister cold guy ng Campus Miranda University. Snob, minsan naman Bully. buti na lang at napapagtiisan siya ng dalawa niyang kaibigan na si Axel at Matt. Ano nga bang dahilan sa likod ng lahat ng ipinapakitang niyang uga...