This book is a work of fiction. Names, Characters, some places and incidents are product's of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights Reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the author.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Prologue: (WARNING: Don't fall in Love with your Enemy)
Drew~~
Siya ang tanging buhay ko. Isang babaeng nag pabago ng lahat sa akin. Hinding hindi ko hahayaan na makuha siya ng iba. Akin lang! Mine and mine alone. Alam kong mahal niya ako. We're not perfect, pero she is the best thing that happened to me. Magugunaw ang mundo ko kung mawawala siya; masasaktan at maghihinakit.
Hindi ko alam kung paano niya napabago ang isang Jaeron Drew Prestoha. Basta ang alam ko mahal ko siya at ayoko ko siyang mawala. Isang pangyayaring nagpabago sa aming dalwa, nagbago ang mga pananaw namin.. hindi ko akalain na magiging kami, sana magtagal kami or should I say, Can we have our forever?
I know she's not my type... napaka-amazona niya at brutal din.. pero bakit kailangang umabot sa punto na baka mawala siya?
Nagpunta ako sa chapel at taimtim na nagdasal. Panginoon, wag niyo po siyang kunin sa akin.. hindi ko kaya. Opo, Nagsisisi na ako dahil pinabayaan ko siya pero kung kukunin niyo siya, sana kunin niyo na din ako. Yan ang paulit-ulit kong dinadasal. Tumayo na ako at nagpunta sa tapat ng emergency room kung saan nakita kong naghihintay ang pamilya ng aking Pinakamamahal. Lumapit sakin si Zeke, ang kakambal ni Zyn.
"Walang hiya ka! Ipinaubaya ko sayo ang kakambal ko tapos ano? Why did you let that happen to her? Seriously, mahal mo ba talaga siya?" sinuntok niya ako. Ang sakit ng pisngi ko, dumugo din ang labi ko. But who cares? Ako naman talaga ang may kasalanan, pinabayaan ko siya. Napaluha na rin ako at umupo. Mamaya may humaplos sa aking ulo.
"Shhh... tahan na.." tumingala ako, nakita ko si mommy, akala ko galit talaga siya sakin. Pero andito siya ngayon sa tabi ko at dinadamayan ako. "Ma, sana ako na lang! mabuting tao si Zyn, sana ako na lang ang nasa pusisyon niya! Ako ang may kasalanan. Pero bakit siya? Sana... sana ako na lang.... ako na lang..." naiyak ako lalo.
"Wag mo isisi sa'yo ang lahat. Ang diyos ang may kagustuhan nito." Sabi sakin ng Mommy ni Zyn. Niyakap ko na lang sila habang patuloy na umiiyak.
Kelan ko ba siya makakapiling muli? Hindi pwede ang hindi, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Even if kailangan kong i-give up ang sarili ko. Mahal na mahal ko siya. Walang makakahadlang dito.
Kung bakulaw ako at halimaw siya, I will make our journey to forever! PANGAKO YAN!
BINABASA MO ANG
WARNING: Don't fall in Love with your Enemy [On-going]
ComédieSi Jaeron Drew Prestoha-- ang mister cold guy ng Campus Miranda University. Snob, minsan naman Bully. buti na lang at napapagtiisan siya ng dalawa niyang kaibigan na si Axel at Matt. Ano nga bang dahilan sa likod ng lahat ng ipinapakitang niyang uga...