Chapter 4

13 0 0
                                    

The Future Isn’t Good

Danielle’s POV

Parang di niya narinig ang pagtawag ko sa pangalan niya. He continued to walk like he didn’t bump into me. But then, naisip ko, I still had to talk to him. Mas okay na yung magsorry ako na kalmado na siya kesa yung kanina na mainit yung ulo niya. Kaya tinawag ko siya kahit malayo na siya.

“Charles!” Tumigil siya at lumingon. Tumatakbo naman akong lumapit sa kanya kahit parang nahihiya ako. Nagtataka ang mukha niya pero bago pa siya makapagsalita, nagsalita na ‘ko.

“I know I’m already redundant but I wanna say sorry sa nangyari kanina. Hindi ko talaga- I mean hindi talaga namin sinasadya na mabunggo ka. Nangako naman kami na papalitan yung uniform mo. Bukas na bukas din, you’ll have your uniform. Bye.”Sunud-sunod kong sabi. Ngumiti ako sa kanya saka tumalikod.

“Dani right?” Nagulat ako at nagtatakang humarap sa kanya. “..Don’t worry. Wala na sa ‘kin yun. Just try to watch where you’re going the next time. And as for what you said, I agree. Redundant ka na nga.” At ngumiti siya. “..Yung sa uniform, kahit wag niyo nang palitan. It’s not a big of a deal at bukas ko na lang din ibabalik itong jacket na pinahiram nyo sa ‘kin.” At tuluyan na siyang naglakad.

Kanina pa siya nakalayo pero ako? Nakatayo pa rin sa gitna ng daan habang nakangiti sa kawalan at natulala. Oh. My. Gosh. He just talked to me.  HE JUST TALKED TO ME! HE JUST TALKED TO ME! HE JUST TALKED TO ME!

“Lorraine Danielle Sta. Maria!!” Bigla akong napalingon sa tumawag sa ‘kin at nakita ang pagmumukha ni Marjorie na inis-inis. Kung bakit? Aba, malay ko!

“MAAAAAARJ!” Sabi ko sa kanya habang ngiting ngiti pa rin. Pero hindi pa rin nagbabago ang pagka-inis sa mukha niya.

“Alam mo bang kanina pa kita tinatawag?! Nagmukha na kong baliw kakatawag sa’yo.”

I didn’t mind what she said. “Tara na nga. Punta tayong caf. Ititext na sana kita kaso may nangyari. Kilala mo naman si Charles ko diba?” Tanong ko sa kanya.

“Oo. Bakit ba?!” Inis niyang tanong.

“Marj naman. Wag ka na ngang mainis. Wala lang talaga ako sa ulirat kanina kasi nakausap ko siya.”

“Weh.” Walang ganang sagot niya.

“Marj naman! Oo nga. Teka, dun tayo sa dulong table. May ichi-chika ako sa’yo.” At kinwento ko nga sa kanya ang mga nangyari simula nung nakabangga namin siya ni Mandy.

“Alam mo, feeling ko, may gusto na yang si Charles sa’yo.” Sabi niya habang kumakain  ng Cheezy. Bigla naman akong kinilig. Yee!

“Haha! Wag ka nga! Pero.. pano mo naman nasabi?”

“Eh kase sabi mo nga, galit na galit siya sa inyo ni Mandy nung unang nabangga nyo siya. Tapos kanina, biglang ganun na lang?”

“Eh malay mo naman wala na nga talaga sa kanya yun.Tsaka siyempre, nakapag-move on na yung tao sa nangyari kanina. Pwede ba. Makapag-conclude ka naman dyan!”

“Ang gulo mo rin noh? Gustung gusto mo yung tao tapos ngayong sinasabi ko sa’yong may gusto siya sa ‘yo, ayaw mo naman. Ewan ko sa ‘yo Dan. Kumain ka na nga lang diyan.” Speechless naman daw ako sa sinabi niya kaya kumain na nga lang ako. Ewan ko rin ba sa sarili ko. I’m not ready..

Amanda’s POV

Grabe. Inaantok talaga ako. Eto na. Pipikit na talaga ako. Ayan na. 1.. 2.. 3.. KRIIIIIIING! Yes! Thank goodness nag-bell na! Spell boring? B-I-O-S-T-A-T! Samahan mo pa ng boring na teacher. Naku! Nilagay ko na ang notes ko sa bag.

“Mandy, tara sa caf. Nandun daw sila Dan at Marj. May ikikwento daw si Dan eh.”

“Sige, ayusin ko lang tong mga libro ko.”

“Akin na nga yan. Bakit ba kasi ang dami dami mong dala.”

“O-oy, teka. Ibalik mo nga sakin yang mga yan. Baka pagkamalan ka pang boyfriend ko. Hindi tayo bagay.” Pero joke lang naman. Gets niya na yun.

“Ouch. I’m hurt. Gwapo naman ako eh. Pwede rin yun. Oh ano babe? Tayo na?” Sabay akbay sa’kin. Pero hindi ko tinanggal yung pagkaka-akbay niya sa ‘kin. I somehow liked it.

“*laughs* Ew! Tara na nga Red! Kinilabutan ako.”

Pumunta na nga kami sa caf. Habang naglalakad, may kinikwento si Red which I didn’t really pay attention to. Ang daming couples sa pathway. At habang naglalakad kami, naisip ko si Chuck. Pa’no kaya kung walang nangyari? Pa’no kaya kung hindi ko nakita yun?  Pa’no kaya kung sinagot..

“Amanda?” –Red. I came back to my senses.

“You were stalling. Some thoughts to share please?”

“Wala naman akong ishi-share. Mga bagay bagay lang. Nothing.. important.” Then I smiled.

“Best frieeeeeeeeend!” – Danielle

Hindi ko napansin na nasa caf na pala kami. At talagang sinalubong niya kaming dalawa ni Red sa entrance ng caf.

“Hindi ka naman excited magkwento noh?  I asked Dani.

“Eeeeeeh! *giggles* Wag ka nga! Hey there Red!” Acknowledging Red. “Order muna kayo bago ko ikwento sa inyo. Balik na ‘ko sa table natin.”

At umorder na nga kami ni Red. Pagbalik namin, ngingiti-ngiting Dani ang sumalubong sa’min at si Marjorie na nakatingin kay Dani na parang hindi makapaniwala sa itsura ni Dani. She must be really into Chuck. I just shook my head as if dropping the thought of it.

“Oh ano na Dan? Kwento mo na nang matapos na ‘to.” Bungad ni Red kay Dani na nang-aasar pa pagka-upo namin. (Sitting arrangement: Dani, Marj: Ako, Red)

She just glared at Red at kinwento na nga niya ang nangyari kanina. I stayed quiet throughout the story-telling. I was smiling though and said ‘Oh my gosh’ when she finished telling us what happened. Red just shrugged when I interrupted Dani and said pinahiram ko kay Charles ang jacket niya. So, hindi na pala namin kailangang palitan ang uniform niya.  But then, why would he bother giving back Red’s jacket personally? Pwede naman niyang iutos yun. He said he’ll stay away. What now? Alam kong hindi maiintindihan ng mga kaibigan ko ang mga tanong ko because I never told them about me and Chuck or whatever the thing happened between us or if there was ‘us’. I don’t plan telling them about it either. I’ll just hurt my best friend. I know she’s really into Chuck kahit feeling ng iba, it’s just an infatuation or a physical attraction because of Chuck’s undoubtingly good-looking appearance. His eyes that made me melt whenever he stares at me, his perfect-shaped nose, his lips, the broad shoulders, the way he walks, his voice that I long to hear, the smart guy that he is and.. what the F?! Stupid. Stupid. Stupid! Ugh!

“Mandy, are you okay?” –Marjorie

“Naku, bago kami pumunta dito, malalim din ang iniisip niyan.” -Red

“Mands, you okay? You spaced out. May problema ba?” Dani asked me with her face worried.

Sunud-sunod na tanong nila. Dani’s questions and face only made me feel guilty. I can’t afford losing my best friend over a guy.

“Yeah? Of course I am. Sorry, inalala ko lang yung mga kailangang dalhin ko for next week. You know, out-of-town duty na naman. Sa’n na nga tayo?” And with all my might, I smiled. A genuine smile telling them there’s nothing to be worried about.

“Nandito pa rin sa caf. Utak naman diyan.”- Red. Nasa mood talaga ‘tong lalaking to na mang-asar today. I glared at him.

I just hope tomorrow’s gonna be okay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Sweetest BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon