Chapter 1

34 6 0
                                    

July Consunji's POV

Maghapon akong nagkulong sa silid. Nakailang katok na si Yaya Sol upang handugan ako ng pagkain ngunit pati siya'y hindi ko pinagbubuksan.

Hanggang sumapit na ang gabi batay sa dilim mula sa bintana ng kuwarto. Kaya gayon na lang din ang pagkulog ng aking tiyan. Nagpasya akong pumuslit sa kusina upang kumuha ng makakain.

Ngunit laking gulat ko nang bumulaga sa harapan ko si Rocco na tila kanina pa pinag-i-isipan kung kakatok ba. "Biglang nawala ang gutom ko," bigkas ko at akmang babalik na lamang sa loob.

"Just eat." Lumabas ang ugat sa maputi nitong kutis nang pigilan niya ang pagsara ko ng pinto. "Yaya Sol cooks for you the whole day. Don't let her effort go to waste."

Tinaasan ko ito ng kilay. "Kainin mo para 'di masayang. O ipakain mo sa aso, as if I care?" I blurted out words I didn't mean to. Too late when I realized that.

Umatras ako dahil bigla niyang binalibag ang pinto. "Huwag mong dinadamay si Yaya Sol sa galit mo sa 'kin. Eat the food she cooks for you and don't be nasty." Kinaladkad ako nito patungo sa hapag na naglalaman ng mga paborito kong pagkain.

"Nariyan na pala kayong dalawa. Tamang-tama dahil handa na ang hapunan. Halika Rocco, ika'y maupo na rin sa tabi ni July." Nilapag ni Yaya ang mangkok na may umuusok pang sabaw ng tinola sa tabi ng kanin na para yata sa akin. "Kumain ka ng maigi, ha? Walang laman iyang tiyan mo mula pa kaninang umaga."

Nalunok ko ang sariling laway sa amoy ng ulam na niluto ni Yaya. Pati ang tiyan ko'y natatakam na.

"Ano pang tinatayo mo riyan?" utal niyang tanong kay Rocco. "Sabayan mo ang asawa mong kumain."

Sanay na kaming ganito si Yaya, gusto niyang umakto kaming nagmamahalan kahit alam niya ang sitwasyon namin ni Rocco.

"I appreciate the food, but I ate before coming home. Maiwan ko na po kayo." Magalang ito pagdating kay Yaya. Sa akin lang talaga tumataas ang sungay nito.

Pinagkibit-balikat ko na lang ang pagtanggi nitong kumain. "I will enjoy the food, Yaya. Thanks."

"O siya sige. Ikuha lang kita ng maiinom."

I know he lied about eating out. I see the twinkle in his eyes sa mga nakalatag na pagkain sa harapan niya. "Yaya Sol? Save some of this for Rocco."

"Okay!" Nakatawa niyang sagot at may pakindat pang nalalaman.

MISSING in action na ako sa mga mata ng party friends ko pagka-online ko. I was bombarded with mentions and messages on my social media accounts. They send me pictures, videos, and liquor they're drinking.

Tiniklop ko ang laptop bago pa ako tuluyan mainggit sa kanila. Pinagbawalan ako ni Rocco na umalis ng bahay. Bantay sarado ako ng tatlong guards na kinuha niya upang bantayan ako.

I'm slowly getting bored, so I opened the laptop to kill time. I was checking some videos on facebook when I suddenly got notified of something.

It's a live feed from one of my guy's dancing in the club. And there's this comment mentioning me, "I don't see July there, where is she? Ah... hotel maybe?" With three laughing emoji.

"Nasa tabi ko siya pare yakap ako mahigpit."

"Kasama ko lang siya kagabi tapos ngayon ikaw naman pre? Naks lakas talaga ni July! HAHAHAHA!"

"Well, well, well, the famous Consunji is cheating on her poor husband???!"

Nasabunutan ko ang sarili sa mga nababasa ko! These scums! Nililibre ko na nga sila tapos gaganituhin pa ako?! I will sue them!

Adoring JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon