July Consunji's POV
It took me several weeks to harvest the fruit of my labor. Kapalit ng naglalakihan kong eyebags at nangangayayat kong mukha ay ang paglago rin ng aking kaalaman patungkol sa sariling kompanya.
Isa na rito ang pagbagsak ng rangko nito, mula sa pangatlong puwesto ay bumaba sa panglima lamang. Napag-alaman kong nakaapekto roon ang iskandalo ng main brand ambassador ng Consunji Motors. Idagdag pa ang sa amin ni Aunt Veron ay hindi na dapat pagtakhan pa ang pagbagsak nito.
"Bring me the portfolios of our potential ambassador," utos ko sa babaeng sekretarya na pinahiram sa akin ni Rocco na tumalima naman kaagad.
"Tinanggal ko na po riyan ang may bad record sa industriya katulad ng inutos n'yo," aniya. Masunurin at mapagkakatiwalaan ang isang 'to kahit pa na kay Rocco ang loyalty nito.
I commended her work and motioned to go back to her desk. Binuklat ko isa-isa ang portfolio ng mga sikat na celebrity mapababae man o lalaki. The first few sets of the portfolio are garbage, hindi ko makita sa mga ito ang hinahanap ko.
Ngunit sa pagbuklat ko sa pinakahuli ay lumitaw ang ngiti sa labi ko. "Finally found the newest lad," I whispered to myself. He has the strong features yet the reliable kind of aura I was looking for. "He is the one."
Wala na 'kong sinayang na oras at tinawagan ang numero nito. 'Di maitago ang galak ko nang sagutin kaagad nito ang tawag ko. "Hello, Mr. Troy Canlas. I am July Consunji of Consunji Motors; we would like to invite you over for an offer. Are you free?" Napawi nga lamang ang galak na 'yun nang malamang manager pala niya ang sumagot sa tawag.
"Ma'am July, ano po'ng sabi?" usisa ng sekretarya ko.
"Ah 'yung manager? Inform niya raw muna ang alaga niya. 'Pag pumayag ay magko-call back daw," sagot ko.
Pinahinga ko mga mata na kanina pa nakababad sa computer. Nang makaramdam ako ng antok ay nagdesisyon akong tunguhin ang pantry ng sariling opisina upang magtimpla ng kape. Doon ko ginalaw-galaw ang katawan na napagod sa maghapon na trabaho.
Hinihipan ko ang kape pagbalik sa office table ko nang magsalita ang kasama ko. "Ma'am, nagbilin po si Sir Rocco na huwag kayo magpagabi." Nakatunghay ang mata nito sa orasan na nasa wall.
I moved my head towards the clock to find it was past 8 o'clock already. "Puwede ka na umuwi, maiwan muna ako para tapusin ang ginagawa ko." As I don't want to leave unfinished work behind.
"Hindi po puwede. Pagagalitan po ako ni Sir," siya niyang wika.
Humigop ako ng kape bago umupo sa swivel chair. "Wala siyang karapatan na pagalitan ka dahil sa akin ka nag-ta-trabaho."
"Pero po–"
"Besides sa akin naman magagalit 'yun kung sakali." Makita lang yata ang mukha ko eh ikaka-badtrip niya na. Well, gano'n din naman ako sa kaniya kaya naman it's a tie.
I was typing on the computer when somebody's phone rang. Antimanong pumunta sa harap ko ang sekretarya upang ipakita ang pangalan ng a.k.a asawa ko sa screen. Ramdam ko ang kaba sa mga mata ni ate kaya kinuha ko ang cellphone sa kamay nito.
"What?" iritado kong sagot sa kabilang linya.
"Why weren't you home yet? Hindi ka ba marunong tumingin ng oras?" sarkastikong tanong niya.
Peke ang naging tawa ko upang inisin siya. "Wow! Sana all may asawang naghihintay. Feeling thoughtful mister 'yan?" I could imagine him glaring at me now.
"Umuwi ka na kung ayaw mong sisihin at tanggalin ko ang sekretarya mo. Hindi ka naman siguro gano'n ka-iresponsable para hayaan siyang matanggal?" banta nito.
BINABASA MO ANG
Adoring July
RomanceJuly Consunji, the spoiled brat heiress of Consunji Motors, spent half her life doing as she pleased. With goddess-like beauty, a wealthy family, freedom, and money, no one dared to oppose her until she was forced to marry a grumpy young man. Rocco...