July Consunji's POV
Tumawag ng family dinner ang Daddy nang malaman nito ang pagdating ni Trace. Isang kotse lang ang ginamit namin, kaming dalawa ni Rocco sa harap na siyang nagmamaneho.
'Yung dalawa ay sa likod at sa sasakyan pa lamang ay atentibo na itong si Trace sa tinatawag na kaibigan. Which I see as more than that by looking how soft he is towards the girl. Pinilit pa nga niya itong isama sa gathering.
Inabala ko ang landian nilang dalawa upang itanong kung... "mag-jowa ba kayo? Ano 'to meet the parent na, gano'n?" I tilted my head to check their reactions. Trace suddenly coughs and Myka or whoever she is shyly averted gaze.
"Don't make them uncomfortable, hon." Umiling si Rocco sa pagsulyap sa akin sa rearview mirror.
I rolled my eyes and crossed my arms. " Nagtatanong lang naman ako. Masama ba?"
"What you are asking is a private matter."
"They're flirting publicly so paanong naging private matter 'yun? I have eyes to see and mouth to speak so ano'ng mali do'n?"
"Turn a blind eye and close your mouth. How easy was that?" Iba na ang tono ni Rocco at nagbukas na ito ng bintana ng kotse. His signs that he is losing his cool.
Siguro ay nahalata rin 'yun ni Trace kaya tinapik nito ang balikat ni Rocco. "Your wife is pretty straightforward at times, but there's no harm done. We're cool, bro."
"And nosy sometimes. Pasensya ka na bro," he replied, wearing an apologetic smile.
Tumahimik na lang ako at saka dinukdok ang ulo sa may bintana ngunit tinawag ni Myka ang atensyon ko.
"Miss July... um... magkaibigan lang kami ni Trace simula pa pagkabata. Kaya siguro madalas pagkamalan na may relasyon kami dahil sa closeness namin. At sweet lang talaga si Trace sa akin pero walang malisya. I hope it answered your curiosity," paliwanag ni Myka sa mahinhin na paraan.
Tss. Akala lang nila 'yun. I have sharp eyes and I'm sure they're more than that, 'di lang nila napapansin sa mga sarili nila. Mga manhid!
Mayroong bunsong kapatid si Daddy na siyang una naming naabutan pagdating namin sa hardin ng bahay. Dito naka-set up ang malaking dining table na naglalaman ng iba-ibang putahe ng ulam.
Pinaghila ako ng upuan ni Rocco, ganoon din si Trace kay Myka.
Isang tunay na gentleman at isang peke. Tsk!
"Who are you with, Trace?" tanong ni Aunt Veron na animo nakahanap ng bagong target sa katauhan ni Myka.
Veronique Consunji formerly Antonio, our divorcee aunt. May nag-i-isa itong anak na lalaki na naghahangad ding agawin ang pagmamay-ari ko.
Gagawin nila ang lahat mapatalsik lang ako sa puwesto at hindi nila 'yun tinatago. It's their way of telling me that they won't give up without a fight. The problem is they play dirty. Alam iyon ni Daddy kaya pinakasal niya ako dito sa temperamentadong Rocco.
"Her name is Myka po, Aunt. A friend."
"Family dinner ito Trace. Hindi isang pamilya ang kaibigan mo lalo pa at ilihitimo ka." Harap-harapan niyang pangungutya kay Trace.
Ngumiti lamang ang huli, nakuha pang iyuko ang ulo senyales ng paggalang sa nakatatanda.
Napansin ko ang naging pagtango nito kay Myka na tila handa na sanang sagutin si Aunt Veron. He is too nice for his own good. Kung ako siya baka nakikipag-bangayan na ako ngayon.
"At ikaw naman July. Wala ka ng ginawa kundi ang dungisan ang pangalan ng kompanya. Kakabit ka na nga lang hindi mo pa ginalingan itago."
Now, I'm her target.
BINABASA MO ANG
Adoring July
RomanceJuly Consunji, the spoiled brat heiress of Consunji Motors, spent half her life doing as she pleased. With goddess-like beauty, a wealthy family, freedom, and money, no one dared to oppose her until she was forced to marry a grumpy young man. Rocco...