Chapter 3

21 6 0
                                    

July Consunji's POV

"Oras na para ipakilala ka sa board of directors. Sapat na siguro ang pagliliwaliw mo." Rocco spoke out of the blue while we are having dinner.

Magmula ng umuwi kami galing sa gathering ay ganito na ang bukambibig niya. Nakasasawa sa pandinig. "Hindi ka ba titigil sa topic na 'yan? Sabing ayoko dahil hindi pa ako ready. I'm just 22, sa edad kong 'to paano ko patatakbuhin ang kompanya?"

He fixed his silverware on the plate and classy wipes his mouth. "Nasa 60's na ang Daddy mo, July. Kung tutuusin matagal na sana siyang retired kung nagtino ka lang."

I scoffed, "I was just enjoying my young adult years because we only live once. Hindi ko naman ginusto na ipanganak ako bilang tagapagmana ng Consunji Motors."

"Blame your fate for that. This is the last time I'll tell you about it. Again, stay on your toes as the board meeting is already set," he said and left just like that.

Geez! That guy is always so frustrating!

TWO DAYS LATER

"How could you expect me to do a good job if you surprise me like this?" reklamo ko. Paano ba naman kung bigla na lang siyang magsasabi na ngayon ang board meeting.

Pasasabakin ako nito sa giyera na wala akong nakahandang sandata. Gusto pa niya yata akong mapahiya sa harapan ng mga pinaka-importanteng tao sa kompanya.

"To let you learn from your mistakes."

"Ano na naman ang mali ko ha, Rocco?" Bakit 'di na lang niya sabihin na isang malaking pagkakamali ang existence ko sa mundo?

Hininto niya ang sasakyan sa parking lot ng kompanya. "You had two days to study and know the members... pero anong ginawa mo sa loob ng dalawang araw na 'yun? Stuff yourself, watch tv, be annoyed at the sight of me and Trace and sulk like a baby. Tss. I told you to be on your toes, didn't I?" He unfastened his seatbelt as I gawked at him.

"Sana sinabi mo na may two days lang pala ako kaysa ino-obserbahan mo lang ang galaw ko, 'di ba? Sana binigyan mo ako ng notes na dapat aralin, 'di ba? Hello, earth to Rocco?"

"Do I need to always remind you what to do? Can't you take the initiative for once?"

I stamp my feet in frustration and make accented sounds. "I refused to get humiliated in front of everybody. Lalo na kay Aunt Veron at Viggo! No, never!" I crossed my arms and pushed myself into the corner of the car.

"You don't act up if it's your fault. Compose yourself and come out. I will wait for you in the lobby," utos ng magaling kong asawa.

Wala na talaga akong karapatan na tumanggi kapag kaharap siya kainis. Kailan pa ba ako nanalo sa kaniya simula ng ikasal kami? Parang wala yata. Tsk! I breathed in, breathed out and did the yoga pose before opening the car.

He is really standing there in the lobby while constantly checking his watch. Tapos panay pa ang yuko nito sa tuwing may daraan na sa palagay ko ay mga miyembro ng board o 'di kaya'y investors.

Pangalawang beses na tapak ko pa lamang 'to sa kompanya. Una no'ng 18 years old ako at sinama ni Dad upang libutin ang lugar. That was when he tried to wake the business mind in me, though it was a failure.

"Let's go," sabi ko paglapit kay Rocco.

Ibinuka niya ang braso at siya na rin ang kumuha ng kamay ko upang isukbit doon. "Wear your best smile. We're a happy husband and wife for today." At sa bihirang pagkakataon ay natunghayan ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Rocco.

Dahilan iyon ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Geez! Iniwas ko ang tingin dahil baka makita niya ang pamumula ng mukha ko.

Bati ng mga empleyado ang nagpatanggal ng kabog sa dibdib ko. They keep on bowing whenever we pass by. Haggang marating namin ang pintuan ng conference room.

Adoring JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon