Chapter 7

31 2 0
                                    

July Consunji's POV

The superhero Rocco was hospitalized for 2 days because of his broken arm. Thankfully it wasn't serious enough to need an operation. 'Yun lamang ay umuwi siyang mayroon splint na kailangan suotin ng dalawa o tatlong linggo.

He was adviced by the doctor to take things slow, bawal magbuhat ng mabigat, bawal basain ang affected arm, bawal igalaw.

"Sabihan mo 'ko kung may kailangan ka," wika ko. May kasalanan din naman ako kung bakit siya napilayan.

Nilapat nito ang likod sa may couch, 'yung ulo ay nakasandal din. "I can manage. You do your work and use this chance to establish your name and strengthen your stand in the company," tugon nito.

His accident leads to a positive response by the netizens. Trending kami sa socmed dahil sa pagkalat ng bidyo ng pagligtas niya sa akin. They call him a devoted husband; hence our stock goes through the roof.

"Utusan mo 'ko kahit ano. What if shampoo-hin ko buhok mo tutal dalawang araw kang nakahilata sa ospital? At least patahimikin mo man lang ang konsensya ko."

But he just shooed me like a kid. "I want to rest. I'd rather call Yaya Sol if I need a hand. Mas ma-a-appreciate ko kung dumiretso ka sa opisina. You've been absent for days." He seated properly, "go," he said.

Inirapan ko siya habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa beywang. Ako na nga itong nagmamagandang-loob tapos tatanggihan pa.

"Fine. I'll cook you chicken noodle soup and I need to see you eat even a spoonful before I go to work."

I placed my finger on my mouth to shut him off. Bahala siya sa buhay niya basta ipagluluto ko ang feeling superman kong asawa para mabawasan ang konsensya ko.

"Yaya Sol?" tawag ko kay Yaya na nagsasaing ng kanin sa kusina. "Pa-ready naman ng ingredients para sa chicken noodle soup, oh. Ipagluluto ko po kasi si Rocco," saad ko pagtapos maisuot ang puting apron.

Si Yaya ay mapanghusga ako na tinitigan. "Tulungan mo na lamang ang asawa mo roon sa kuwarto. Ako na ang bahalang magluto niyan," taboy niya sa akin.

"Pati ba naman ikaw, 'Ya ay ipagtatabuyan ako sa kusina?"

"At ano'ng gusto mo na gawin ko? Baka kapag hinayaan kita ay masunog ang buong bahay."

"Grabe ka naman sa akin, 'Ya!" himutok ko.

Sinuot na rin ni Yaya Sol ang isa pang apron 'tsaka kumuha ng naluto at pira-piraso ng chicken breast sa ref. Pati mga gulay na isasahog inihanda niya na sa lamesa.

I went closer to Yaya and rubbed her back. "Trust me this once, 'Ya. I badly need to cook for Rocco so I could pay him back for protecting me. 'Tsaka pinag-aralan ko lutuin ang noodle soup bago pa siya umuwi."

Pinakawalan muna ni Yaya Sol ang malalim na buntong-hininga bago ako payagan. Napapalakpak ako sa hangin at kinuha ang cooking pot.

"Gayatin ko na itong isasahog mo. Palambutin mo muna ang noodles."

"Don't worry, 'Ya. I've watched the video hundreds of times, and it became my expertise," I said exaggerating, only watched 10 times.

Tinapon ko lamang basta ang pasta sa pasta cooker. Ang sabi sa video ay igigisa muna ang bawang at sibuyas kaya nilagay ko 'yung tinadtad ni Yaya sa cooking pot.

Kaya lang nangamoy sunog iyon...

Hinampas ako ni Yaya at pinatay ang kalan. "Ano ka ba namang bata ka. Butter o 'di kaya ay mantika muna bago mo igisa ang bawang at sibuyas. Aba't masusunog talaga iyan," sermon ni Yaya sa akin. "'Tsaka ano 'yan, July?"

Adoring JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon