Chap. 9

1.5K 84 1
                                    


Nagsimulang nagtanong tanong si Mang Gusme sa mga kapitbahay kung sinu sino ang mga nakakita kina Charles nang araw na nagtanan ang dalawa.

"Mang Gusme, iilan lang ho  kami ang nakakita nang sumakay ng pampasaherong dyip ang dalawa. Nagtataka nga ho kami na magkahawak ang kanilang mga kamay at may dala dala silang mga bag. Tapos, tila nagmamadali. Hindi naman namin binigyan ng pansin dahil inisip namin baka may pupuntahan lamang. " Ang sabi ng isang babae.

"Alam n'yo ba kung saan papunta ang dyip na sinakyan nina Charles?"

Biglang lumingon lingon ang babae.

"Naku, Mang Gusme wala ni isa sa amin ang nagsalita tungkol sa nakita naming pag-alis ng dalawa. Alam naman naming mapapahamak si Charles dahil sa dalagang Gustavien. Sumakay po sila ng dyip papuntang GUATAVALA."

"Sa Guatavala? Ang layo ng lugar ng 'yon aabutin ng 6 oras bago makarating sa syudad." Nag-alala si Mang Gusme.

"Malamang doon papunta ang dalawang 'yon." Sabi ng babae.

"Kailangan makapunta kami doon. Hahanapin namin sila. Dapat maunahan namin si Rodrigo bago mahuli ang lahat."

Dali daling pumunta si Mang Gusme sa kanilang bahay at kinausap si Aling Clara.

"Clara, kailangan makaalis tayo sa madaling panahon. Uunahin natin si Rodrigo na matagpuan ang mga bata bago mahuli ang lahat. Mapapahamak ang anak natin. "

"At kung matagpuan natin silang dalawa; anong gagawin natin? "

"Wala tayong magagawa kundi sa pilitang ibalik si Denise sa mga magulang n'ya."

"Paano naman si Charles?" Tanong ni Aling Clara.

"Ako nang bahala kay Charles."

"Sa ngayon dapat makapag-ipon tayo ng malaking pera para may maiiwan kay Lilian habang wala tayo. At may gagamitin narin sa pag-alis natin. Lalo na't wala tayong kakilala at kamag-anak sa lugar na 'yon. Kailangang may sapat tayong pera." Napapaisip si Aling Clara sa kanilang gagawing paghahanda.

-------------------------------------------------------------------------

Habang tumatakbo ang mga araw, lalong naiinganyo si Denise sa kanyang trabaho. Tuwing Sabado pumupunta si Denise sa isang Photo Shoot. Dagdag sa kanyang trabaho ang pagpa- part time bilang model.

Lahat na nais gawin ni Denise ay hinahayaan lamang ni Charles. Batid ni Charles na kagustohan 'yon ni Denise kaya hindi n'ya dapat pigilan.

Minsan nakita n'yang nagbibilang ng pera si Denise..

"Ang dami mo nang pera ah.."

"Oo, nga. Mabuti nalang  mabait ng amo natin. "

"Denise, sobra na ang pagpapagod mo. Hindi naman kita inuobliga para magtrabaho ng todo todo."

"Charles, h'wag kang mag-isip ng ganyan. Tinutulungan din kita ...hindi ito para sa akin..sa 'yo rin..sa ating dalawa."

"Oo na. Pero ayaw kong magkasakit ka. Alam mo namang malayo tayo sa mga magulang natin." Mababa ang boses ni Charles.

Hinapit ni Charles ang ulo ni Denise at hinagkan.

"Hindi mo ba namimiss ang dating buhay mo?" Tanong ni Charles.

"Hindi. Kasi magkasama tayo. Malaya ako sa 'yo. Doon nakukuha ko nga ang gusto ko pero pakiramdam ko ang liit ng mundo ko."

Napangiti si Charles. Ngunit hindi n'ya maiwasan ang mag-alala kay Denise.

♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon