CHAP. 19 LEAVING

1.7K 95 15
                                    

Gitna ng pag-uusap ng lahat; dahan dahang minulat ni Charles ang kanyang mga mata. Tulad ng dati nalilito s'ya sa paligid. Nakikita n'ya ang mga tao sa kanyang paligid ngunit ni isa sa kanila ay hindi n'ya naaalala.

"Charles.."Agad lumapit si Lilian at hinipo ang noo ng kapatid.

Walang salitang lumabas sa bibig ni Charles. Kundi ang tumingin sa paligid. Gumalaw ang kanang kamay ni Charles at napahawak sa kwintas. Napatingin si Charles kay Denise. Tila nangungusap ang mga mata Charles. Parang pinipilit nitong tanungin ang sarili kung sino ang babaeng nakikita n'yang naiiyak na pinagmamasdan s'ya.

Lumapit ang mag-asawang Jose at Mariana.

"Charles..kumusta ang pakiramdam mo?" Hinipo ni Mariana ang noo ng binata.

Tumingin lamang sa kanya at binaling muli ang tingin kay Denise.

Hinapit ni Madox ang baywang ng kasintahan at pinasandig ang ulo nito sa kanyang balikat.

Nakatuon din ang tingin ni Madox sa binata. Batid ni Madox na pilit inaalala ni Charles ang kanyang mga nakikita.

Lumapit si Agnes at hinawakan si Charles. Nahahabag si Agnes sa binata gayung nakikita n'ya na nakatingin ang ito sa kanyang pinsan.

Humakbang si Madox at Denise kay Charles. Hinawakan ni Denise ang kamay ng binata. Ramdam n'ya na napahigpit na hawak ng binata sa kanyang kamay. Sa hindi malamang dahilan may tumulo na luha sa mata si Charles. Nakita ng lahat ang pagbaling ni Charles ng tingin kay Madox. Hinawakan ni Madox ang kamay ng kasintahan at bumitaw ang kamay ni Charles.

Agad sumagi sa isipan ni Lilian..MAY NATITIRANG BAHAGI SA ALAALA NI CHARLES na hindi lamang mawari ng binata kung ano 'yon...at 'yon ang alaala n'ya kay Denise.

Sumisikip ang dibdib ni Denise sa kanyang nakikitang kalagayan ni Charles. Kaya lumabas s'ya sa silid at doon umiyak sa labas.Lumabas din si Lilian.

"Sana namatay na lamang s'ya..kesa makita kong naghihirap s'ya..hindi lang sa kanyang sarili...PERO SA PAGMAMAHAL N'YA SA 'YO."Basag na boses ni Lilian.

Hindi nakapagsalita si Denise.

Habang sa loob ng silid..

"Saan kaya nakuha ni Charles ang virus?" Napapatanong si Agnes.

"Pwede n'yang makuha sa pakikipagtalik sa iba na may dalang virus." Sagot ni Madox.

"O di kaya sa mga personal na bagay na merong gumamit na may sakit; at nagkataong ginamit ni Charles." Dagdag ni Mariana.

"Maari din na nakuha n'ya sa kagat ng insekto na nagdadala ng virus." Dagdag na sinagot ni Jose.

( AN : 'YAN binigay ko na ang posibilidad kung saan nakuha ni Charles ang virus..para iwas na sa flashback.. tinatamad kasi akong isulat.)

"Napakahina naman ng kanyang immune system kung nagkataon. At madali s'yang nagapi ng sakit." Sabi ni Agnes.

"Pagod ang katawan at isipan ni Charles..natural na madali s'yang kapitan ng sakit." Ani ni Jose. Nakikinig lamang si Madox.

Muling pumasok sina Lilian at Denise. Nanatili na wala sa sarili si Charles. Blangko ang isipan at hindi maalis alis nito ang titig kay Denise.

---------------------------------------------------------------------------------------

Nang bumalik sa Hotel ang lahat..Kumain muna sa restaurant.

"Madox, anong balak n'yo ngayon ni Denise?"

Nagkatinginan ang dalawa.

"Babalik na ho kami ng France." Sagot ni Madox sabay tingin sa kasintahan.

♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon