Chap. 2

3.5K 122 7
                                    

Muling lumapit si Denise sa harap ng piano. At muling nagtipa.

"Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag

Lalong tumatamis; tumitingkad

Bawat kahapon ay daig nitong bawat

Ngayon..nadaig ng bawat bukas..

Malilimot ka lang

Kapag ang araw at bituin at di na matanaw

Kapag tumigil ang daigdig at di na gumalaw

Matapos isang araw pa

Bago ang mundo'y magunaw na..

Hanggang duon magwawakas

Pag-ibig kong sadyang wagas

Ngayon at kailan man.."

Bawat pagtipa ni Denise hindi n'ya maiwasang maiyak..naaalala ang nakaraan.

FLASHBACK

Lumaki si Denise sa poder ng kanyang Lolo. S'ya lamang ang tanging apo ni Don Alfonso ang tumagal na tumira sa Hacienda. Dahil sa masakitin na bata si Denise, nagpatayo ng panibagong bahay si Don Alfonso sa labas ng Hacienda. Malapit ito sa isang baranggay. Sa Baranggay Del Pilar. At malapit sa isang malaking hospital sa sentro ng bayan.

Sa Bayan ng San Ruiz; ang brgy. Del Pilar ang may malaking sinasakupan. Kilala ang matandang Gustavien sa buong San Ruiz. Ang pamilya Gustavien ay walang hilig sa politika ngunit marami silang naitulong sa bayan ng San Ruiz.

Sa Hacienda Gustavien, piling pili lamang ang pinagkakatiwalaan ni Don Alfonso na mangalaga sa bawat parte ng taniman. Maging ang mga tauhan nila sa loob at labas ng kanilang pamamahay ay piling pili rin. Mabait si Don Alfonso at mahilig makihalubilo sa mga tauhan. Ngunit may isang pamilya na malapit at kinagaanan ng loob ni Don Alfonso..ANG PAMILYA NI MANG GUSME.

Dating Yaya ni Denise ang ina nina Charles..si Aling Clara. Madalas sinasama noon ni Aling Clara ang batang si Charles sa loob ng pamamahay ng mga Gustavien. Madalas makipaglaro si Denise kina Charles at Lilian. Palibhasa hindi madalas lumabas ng bahay si Denise.

Minsan..

"Denise, maglaro tayo ng kasal kasalan." Sabi ng isang batang babae na anak rin ng kanilang katulong..si Joana.

"Oo nga, kami ang flower girls." Dagdag ni Lilian.

"Sige..ako 'yong ikakasal..tulad noong napanuod ko sa TV..si Princess Diana. Tapos sino naman ang magiging groom ko?"

Napatingin sila sa paligid. Nakita nila si Charles na namimitas ng mga bulaklak ng Santan sa hardin.

"Ayon si Charles." Turo ng bata. Lumapit sila kay Charles.

"Charles, sumali ka naman sa laro naming kasal-kasalan. Ikaw ang magiging partner ni Denise."

"Ayaw ko." Sagot ni Charles.

"Hindi naman ito totoo." Nakapamaywang si Denise na hinarap si Charles.

"Ayaw ko nga." Humarap si Charles kay Denise.

"Ayaw mo, sige hindi kita papayagang makapanuod ng paborito mong tv shows mamaya."Nanlalaki ang mata ni Denise kay Charles.

"Charles, pumayag ka na manunuod din ako mamaya ng TV." Pinilit ni Lilian.

"Charles, ako rin."

Hinila hila nina Lilian ang damit ni Charles.

"Oo na sige na!" Napilitan na lamang si Charles.

♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon