CHap. 16 MISSING

1.9K 101 1
                                    

AN :  INTINDIHIN ANG PANGYAYARI SA MGA CHARACTER.


Umuwi si Charles sa kanilang bahay; nilapitan s'ya ng katulong.

"Sir, mabuti dumating na kayo. Kanina pa po kayo hinanap ng ama n'yo at kapatid."

Hindi umimik si Charles.

Tuloy tuloy na pumasok sa kanyang silid.

"Anong nangyari doon?" Napakamot si Minda ng ulo. Tinungo n'ya ang ama ni Charles at pinarating kay Mang Gusme na dumating na ang binata.

Tumawag naman si Minda kay Lilian at pinarating nito na dumating si Charles.

Inasikaso ni Minda ang matanda at hinintay na lumabas si Charles sa silid nito. Pinaghandaan ng pagkain ni Minda ang binata. Sa pag-aakalang lalabas ito at kakain.

"TOK TOK TOK

"Sir, nakahanda na po ang pagkain ninyo." Walang narinig na sagot si Minda. Binuksan n'ya dahan dahan ang pinto nakita n'yang nakahiga si Charles sa kama at natutulog.

"Pagod yata.." Pinagkibit balikat ng katulong.

DING DONG DING DONG

Pinagbuksan ng katulong ng pinto ang taong dumating.

"Hi..si Charles."

Gulat si Minda nang makita si Denise.

"Se--Señorita Denise.."

"Nasaan si Charles?"

"Nasa kanyang silid po."

Agad pumasok si Denise.

"Señorita, ano pong kailangan n'yo kay Sir?"

Hindi sinagot ni Denise ang tanong ng katulong bagkus..

"Kumuha ka ng maliit na planggana na may maligamgam na tubig..nilalagnat si Charles."

Agad pinuntahan ni Denise ang binata. Hindi n'ya maunawaan ang sarili kung bakit s'ya nag-aalala.

Nang makapasok s'ya sa silid..agaw pansin sa kanya ang iilang poster sa dingding na halos lahat ay larawan n'ya.

Nakita n'yang nanginginig si Charles.

"Charles...gising.."

"Ahhhhhhh....mmmmmm..." pilit minulat ni Charles ang mga mata matapos marinig ang boses ng dalaga.

"De..ni..se.." Hinapit ni Denise ang ulo ni Charles at hinipo. Talagang mataas ang lagnat nito. Dumating naman si Minda at dali daling pinunasan ni Denise ang ulo ni Charles ng bimpo.

"Naku, hindi ko alam na may lagnat pala si Sir. Paano n'yo po alam na meron s'yang lagnat?"

"Nag-usap kami kanina. Hinawakan n'ya ang kamay ko..napakainit ng kanyang mga palad. Nag-alala tuloy ako." Sagot ni Denise habang nakahawak ang kamay sa kamay ni Charles.

"Meron ba kayong gamot sa lagnat?"

"Opo, Señorita."

"Kumuha ka at paiinumin natin si Charles. Malamang sa sobrang pagod n'ya sa kanyang trabaho at madami s'yang iniisip kaya nagkasakit tuloy s'ya."

Tumalima naman ang katulong. Nang bumalik ito, muling ginising ni Denise si Charles upang painumin ng gamot. Pilit bumangon si Charles at uminum. Tila wala itong lakas. Muli s'yang nahiga.

"Naku baka may flu si Sir." Ani ni Minda.

"Baka nga.. Tinawagan mo na ba si Ate Lilian?"

"Opo, pinaalam ko pong nandito na po si Sir."

♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon