Chap. 6 Romeo & Juliet

1.9K 96 4
                                    


Habag na habag si Lilian sa kapatid . Halos hindi mabilang ang mga latay ng sinturon sa balat nito. Nanatiling tahimik si Charles. Nauunawaan naman n'ya ang nararamdaman ng kanyang ama. Pero mas nag-aalala s'ya kay Denise. Lalo na't naalala n'ya ang tama ng sinturon sa likuran ni Denise.


Ngayon palang, nararamdaman ni Charles ang mga posibleng mangyari sa kanilang relasyon ni Denise.


"Charles, saan ba kayo pumunta ni Denise at bakit ginabi kayo?" Tanong ni Lilian.


"Namasyal lamang kami ate."


"Namasyal..ilang oras kayong nawala. Alam mo namang limitado ang paglabas ni Denise. Tsaka isa pa, mahigpit sila kay Denise gayung usap usapan sa loob ng pamamahay ng mga Gustavien na pinagkasundo na s'ya sa anak ng Mayor. Charles naman, hindi ka pwedeng dumikit dikit sa kanya tulad ng dati. Oo, magkaibigan kayo pero baguhin n'yo na ngayon. Mapapahamak ka."


"Ate..." Napaisip si Charles kung dapat ba n'yang ipaalam kay Lilian.


"Charles, mangako ka sa akin na h'wag mong bibigyan ng sama ng loob sina Tatay at nanay. At h'wag mo nang uulitin 'yon."


"Ate...si Denise...at ako...MAGKASINTAHAN NA."


"Ha?!"


Agad tinakpan ni Charles ang bibig ni Lilian.


"Ate h'wag kang maingay.."Bulong ni Charles. Tinanggal naman ni Lilian ang kamay ng kapatid.


"Anong pumasok sa kukute mo at naisipan mong makipagrelasyon sa kanya?"


"Ate, pwede ba h'wag mo nang alamin kung bakit? Hindi naman nakapagtataka 'yon, hindi ba?"


"Pero Charles, tignan mo naman ang nangyari. Mahihirapan si Denise sa relasyon ninyo."


"Ate, anong dapat naming gawin? Nagsisimula palang kami ni Denise. Ayaw kong putulin ang relasyon namin."


"Charles, h'wag matigas ang ulo. Putulin ninyo habang maaga pa. Bago pa matuklasan at lumalim ang lahat."


"Ate, hindi ko magagawa 'yon."


"Charles, wala kang kalaban laban sa kanila. Isa lamang tayong alikabok sa mata ng mga Gustavien at pamilya ni Luigi. Kaya kung ako sa 'yo..tigilan n'yo ni Denise ang kalokohang ito."


Nalilito si Charles kung anong dapat gawin. Alam n'ya sa kanyang sarili hindi rin papayag si Denise na tapusin ang kanilang binubuong relasyon.


---------------------------------------


Ilang araw hindi pinayagang mamasyal si Denise. Paaralan at bahay ang direksyon ng kanyang lakad. Tanging si Agnes lamang ang kanyang nakakasama at nakakausap. Gusto n'yang tanungin si Aling Clara tungkol kay Charles ngunit iniiwasan din na kausapin s'ya. Madalas pang pumupunta sa kusina at gumawa ng trabaho ang ina ni Charles.

♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon