Chap. 4

2K 97 2
                                    

Araw ng Linggo, sumama si Denise sa kanyang ama't ina na magsimba. Lulan sila ng kanilang Mercedes Benz. Huminto ang kotse sa tapat ng simbahan. Nang bumaba ang mag-anak napalingon ang mga taong nagdaraan.


Agaw pansin ang mag-anak dahil kasama sila ni Denise. Madalas kasing kasama ni Denise sina Don Alfonso, Jose at Mariana sa pagsisimba.


Magkahawak kamay ang mag-anak nang pumasok sila sa loob ng simbahan. Naghanap ng mauupuan si Rodrigo. Hindi n'ya inaasahan na makikita n'ya ang pamilya ni Mang Gusme.


"Señor Rodrigo, kumusta po kayo? " Sinalubong ni Mang Gusme ang ama ni Denise.


"Mabuti naman."


Nakipagkamayan si Rodrigo kay Mang Gusme.


"Magandang umaga, Señor Rodrigo." Lumapit sa dalawang lalaki si Aling Clara kasama ang mga anak. Nakuha ang pansin ni Rodrigo sa binatilyong si Charles. Napansin naman n'yang kumakaway si Denise sa magkapatid.


" Mabuti pa sigurong maupo na muna tayo. Magsisimula na ang misa." Sabi ni Jovita sa asawa. Kaya pumunta sila sa isang upuan. Gayun din sina Mang Gusme, humanap din sila ng mauupuan.


Habang nagsisimula ang misa..napapalingon si Denise. Hinahanap n'ya kung nasaan si Charles. Nakaupo si Dennis sa dulong bahagi ng upuan. Hindi n'ya napansin na nasa bandang likuran lamang nila si Charles.


"Maghawakan tayo ng ating mga kamay..at awitin natin ang AMA NAMIN." sabi ng pari. Nagsimulang naghawakan ng mga kamay ang mga tao. At nagsimulang umawit. Hindi pinansin ni Denise kung sino ang humawak ng kanyang kamay.

Natapos na lamang ang awitin hindi umalis ang taong tumabi sa kanya. Nakatuon parin ang isip ni Denise sa dasal.


" THE PEACE OF THE LORD BE WITH YOU ALWAYS.."


"AND ALSO WITH YOU."


"LET US OFFER EACH OTHER A SIGN OF PEACE.."


Nagsimulang nagbati ang bawat isa ng PEACE..


Nang lumingon si Denise ..


"PEACE.." Sabi ni Charles sa kanya.


"Peace.." Sagot ni Denise. Sabay ngiti.


Napalingon si Rodrigo sa kanyang anak..Nakita n'ya si Charles na nakatayo sa tabi ni Denise. Samantala ang mga magulang nito at kapatid ay nasa malayong upuan.


Nang matapos ang misa..dahan dahang nagsialisan ang mga tao. Binantayan agad ni Rodrigo ang kayang anak. Hindi n'ya maunawaan kung bakit hindi n'ya nagugustohan si Charles na kinakausap nito si Denise.


"Ehem..Denise, halika na." Agad hinila ni Rodrigo ang anak.


♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon