Chap. 18 THE BRAIN

1.7K 92 4
                                    

AN : ANG KWENTONG ITO AY WALANG KATOTOHANAN.



Dinala si Charles sa hospital. Nanatili s'yang nalilito; sumasakit ang ulo at tila nanghihina na.

Halos liparin ni Lilian ang sasakyan marating agad ang hospital. Hindi n'ya maiwasan na naiiyak sa biglaang pagkasakit ng kapatid. Alam n'yang may hindi na magandang nangyayari kay Charles.

Nang marating n'ya ang hospital. Hinanap n'ya ang silid ng kanyang kapatid. At nang marating n'ya may dalawang pulis na nakabantay sa labas ng pinto ng silid.

"Ako po ang kapatid ni Charles Farbrigal. Ano nangyari sa kapatid ko?"

"Maam, pumasok po kayo sa loob."

Nang pumasok si Lilian; gulat s'ya na tila namumutla na ang kapatid at walang malay.

"Charles, Dios ko..anong nangyari sa 'yo?"

"Maam, kailangan masuri ang kapatid ninyo. Nawawala ho s'ya sa kanyang sarili. May sakit ang inyong kapatid. Kinunan ho s'ya ng dugo kanina. Ang sabi po ng doktor; hintayin nating ang resulta."

Napapaiyak si Lilian.

"Ano bang nangyayari sa 'yo Charles?"Kasunod ng paghagulgol ni Lilian.

Ilang sandali dumating ang doktor..

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

"Ako po ang kapatid ni Charles."

"Maam, may nakita po kaming VIRUS  na pumasok sa katawan ng inyong kapatid. Kailanganin naming masuri kung anong parte sa kanyang katawan  ang napinsala."

"God... Tulungan ninyo ang kapatid ko. "Usal ni Lilian.

Sumang-ayon si Lilian na suriin agad ang kapatid. Minadali naman ng doktor na sagipin ang buhay ni Charles.

---------------------------------------------------------------------------------

Nakailang tawag si Jose sa kanyang mga pamangkin ngunit ni isa sa kanila ay hindi n'ya nakausap.

"Lintek! Kanina pa ako tumatawag.. saan kaya pumunta ang mga 'yon at parating sinabi OUT OF COVERAGE AREA."

"Hindi kaya may pinuntahan silang lugar na labas ng Santa Catalina?"Ani ni Mariana.

Napabuntong hininga si Jose.

Walang kaalam alam sina Agnes at Denise dahil sinamahan nila si Madox na pumunta sa isang isla. Ang Isla de Amor. Pag-aari ang isla ng pamilya ni Agnes.

"Nabibili pala ang mga isla dito." Sabi ni Madox.

"Oo..noon. Pero ngayon wala kanang mabibili. May nagmamay-ari na sa karatig isla dito. Pamilya Montreal; Caspian; Castillan; Madrigallanes; Admiral; Attiera; at Aviente. Kami ang huling nakabili ng isla dito." Dagdag ni Agnes.

( AN : May samahan talaga ang mga character ko.. ^ ^ )

Walang bahid ng pag-alala ang makikita sa mukha ni Denise. Ngunit sa kanyang dibdib; hindi n'ya maiwasang mapaisip kay Charles.

"Kumusta kaya s'ya? Wala na kaya s'yang lagnat? "

Malalim ang iniisip ni Denise.

"Denise, kanina pa kami nag-uusap ni Madox. Anong nangyayari sa 'yo? Napakalalim ang iniisip mo? May problema ka ba?" Bulong ni Agnes.

"Ah..eh..wala Ate. Nag-iisip ako FASHION Show na dadaluhan ko sa New York." Pagkukunwari ni Denise.

"Magiging busy kana naman. Hindi mo na naman ako mapagtuunan ng pansin. Alam mo minsan, nagseselos na ako sa trabaho mo." Dagdag ni Madox.

♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon