CHAPTER 2:

76 5 5
                                    

Maaga ako pumasok ngayon, wala lang aga ko nagising. pagtapat ko sa gate ng school napangiti ako, napakaganda ng school.

" Beshie!" tawag sakin kaya nilingon ko sa likod ko kung sino yon ay ayon si primo pala.

" Good morning beshie" sabi pa niya at yumakap sakin kaya niyakap ko siya pabalik.

" Good mor–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla kami makarinig ng busina mula sa sasakyan.

Tinignan namin ang sasakyan at ganon na lang ang gulat ko ng makita kong sasakyan ni cloud yon, binaba niya ang bintana at tumingin samin. Masama ang tingin niya lalo na kay primo, tinaasan niya ako ng kilay para bang may sinasabi siya.

" Meet me at the same place natasha" cold na sabi niya bago umalis sa harapan namin, anyare don? parang ang sweet pa niya kagabi ah.

" Huy akla ano yon ha! bakit may pa meet me na kayo! ikaw ha!" kinikilig na sabi ni primo.

" Ano kaba wala yon!" sabi ko at hinatak na siya papasok.

" Sabihin mo na dali na!" sabi niya pa, hayst ang kulit talaga!

" Oo mamaya sasabihin ko" sabi ko na lang at pumasok na ako sa klase, ganon din naman siya.

Magkaiba kami ng klase, si bolina hindi ko pa nakikita baka late na papasok yon.

Pag pasok ko sa room ay agad nag tama ang mata namin ni cloud pero agad ako umiwas, deretsyo na ako umupo sa upuan ko at naabutan ko si sofie na nagbabasa ng wattpad book.

" Good morning" nakangiting bati ko sa kan'ya.

" Oh hi good morning din, sorry hindi kita napansin ah nakakakilig kasi tong story na binabasa ko!" sabi pa niya at halata nga na kinikilig siya.

" By the way mamaya sabay tayo mag lunch wala kasi ako kasabay" malungkot na sabi niya.

" Oo naman okay lang and mamaya papakilala kita sa dalawa ko pang best friend para may friend kana din!" masayang sabi ko na ikinasaya niya.

" Talaga?!" masigla niyang tanong na tinanguan ko " Sige!"

Nakinig kami sa lesson at dumagdag na naman ang pagka gusto ko kay cloud dahil lagi siyang nakakasagot sa mga tanong ng professor, parehas sila ni shandy na matalino at laging nakakasagot sa klase.

" Let's go" aya sakin ni sofie ng matapos ang klase namin at nag bell na.

" Beshie!" sabay na tawag ni bolina at primo.

" Guys si sofie nga pala new friend natin! from now on kasama na natin siya kumain ng lunch!" masayang anuns'yo ko.

" Hi sofie ako nga pala si bolina" pagpapakilala ng kaibigan ko at nakipag kamayan siya.

" Ako nga pala si primo nice to meet you" ganon din ang ginawa ni primo nakipag kamayan din siya.

" Tara na hanap na tayo table" sabi ko at si sofie ang nakakita ng table, hinatak niya kami kaya ayon naupo kami sa table.

" Kami na ang mag oorder" sabi ni bolina kaya binigay namin ang mga card namin.

May mga card kasi dito bawat studyante para sa cafeteria, pero ang mga nasa class B pababa ay limited lang ang money laman ng card. Like me limited lang ang laman ng card ko kasi scholar lang ako, while ang mga elite katulad nila cloud ay unlimited ang laman ng card nila that mean kahit anong bilhin nila sa cafeteria ay mabibili nila.

Dumating na sila bolina kasama ang mga staff ng cafeteria, nagdasak muns kami bago kumain. masaya kami kumakain kaso may dumating na sampung lalake, huminto sila sa table namin kaya nilingon namin sila.

" Bakit?" tanong ko, kita ko na napangisi yung nasa harapan.

" Alis" sabi niya.

" Aber bakit mo kami pinapaalis hindi mo ba nakikita na kumakain kami?" pagtataray ni bolina.

" Yeah she's right, and madami pa naman na table d'yan oh" sabi naman ni sofie.

" Ayun kuya may table doon" turo ko sa may bandang likod.

" Aba sumasagot pa kayo ah!" pagalit na sabi nito at hinampas ang table namin napatingin na ang mga studyante samin, umuga ang table kaya natapon ang mga pagkain namin.

" Ano ba problema mo ha!" inis na sabi ko " Nananahimik kami dito tapos gaganyan ka!"

Napa aray ako ng sabunutan niya ang buhok ko " B-bitaw!" sabi ko pero ang higpit ng hawak niya sa buhok ko.

" Bitawan mo nga siya!" awat ni sofie pero hinawakan siya ng dalawang lalake.

Hinawakan din sila bolina ng mga natitirang lalake " Sabi ko alis" sabi pa ng lalake may hawak sakin.

" Tol ganda ng katawan niyan" sumipol yung lalake sa likod niya, tinignan niya ang dibdib ko kaya agad ko iyong tinakpan.

" Oo nga noh galing mo talaga tol!" nagtawanan sila at mamaya ps ay binuhusan niya ako ng juice kaya nabasa ang harapan ko.

" Malaki" sabi pa niya kaya nasampal ko siya.

" Bastos!" dahil doon ay sinampal din niya ako, napapikit ako sa lakas non.

sakit....

" Oh ano ha lalaban kapa?!" galit na sabi niya at mas lalong hinatak ang buhok ko, mamaya pa ay padabog niya ako binitawan kaya napa upo ako.

Lumapit siya sakin kaya napa atras ako " Hindi na ako magagalit sayo basta patikim" sabi pa niya kaya napakunot ang kilay ko.

Gumapang ang daliri niya sa legs ko kaya inalis ko iyon dahilan para ipahawak niya ako sa natitirang lalake.

" B-bitawan niyo nga ako!" sigaw ko, ang mga ibang studyante ay walang magawa dahil sa takot na masali sila.

Hindi nila ako pinakinggan at tinuloy ng lalake ang pag gapang ng mga daliri niya sa legs ko.

please.....help me.

Napapikit na lang ako ng naramdaman ko paakyat ang daliri ng lalake papunta sa private part ko pero hindi pa siya nakaka abot don ng bigla siyang mapasalampak sa sahig. Napasinghap ang mga nanonood na studyante dahil doon. gulat sila sa nakita nila. kahit ako nagulat.

Napalingon ako sa gumawa non sa kan'ya at naiiyak kong tinignan si cloud na nasa harapan ko ngayon, kasama niya ang mga kaibigan niya na nasa likod niya lang.

Kita sa mga mata niya ang galit at ang mga kamay niya ay nakakuyom, madilim niya tinignan ang lalaking nanghipo sakin.

" C-cloud" nauutal at nanginginig na sabi nung lalake, at putok na ang labi niya dahil sa suntok.

Crush On You Where stories live. Discover now