CHAPTER 32:

96 4 1
                                    

Natasha POV:

Paglabas ko ng bahay ay nagulat ako sa sumalubong sakin.

" Good morning love" nakangiting bati niya kaya ningitian ko siya pabalik.

" Good morning din love!" tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap siya.

Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

Habang nasa byahe ay tahimik kami kaya naisipan ko na magpatugtog.

People say we shouldn't be together
We're too young to know about forever
But I say they don't know what they talk, talk, talkin' about.

'Cause this love is only getting stronger
So I don't wanna wait any longer

Napalingon ako sa kaniya ng sabayan niya ang music.

" I just wanna tell the world that you're mine girl oh" nakaka hulog ang boses niya.

Nakatingin siya sa harapan habang kumakanta.

" They don't know about the things we do, They don't know about the I love you" namula ako ng lingunin niya ako habang kinakanta ang chorus.

Muli niyang binalik ang paningin sa kalsada at ako naman ay napa iwas at tumingin na lang sa binatana.

mukha na akong kamatis ngayon mygosh!

Buong byahe siya kumanta hanggang sa nakarating kami sa school.

" Thank you" nakangiting sabi ko ng pagbuksan niya ako ng pinto.

" Welcome love" inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko iyon.

Nang mag lunch break na ay sabay kami ni cloud pumunta ng cafeteria.

" Hi there lovebirds" bati ni phaxton.

" Oh eto na pagkain niyo, lala niyo inutusan niyo pa yung single dito" reklamo ni phanton kaya natawa kami.

Gaya ng dati ay sabay kaming kumain lahat at nagkwentuhan pa.

Mag gagabi na ng mag uwian, wala si cloud dahil may aayusin sila ni shandy.

Mag isa akong naglalakad papunta sa tricycle ng mag beep ang phone ko, chineck ko at unknown number ang nakalagay.

UNKNOWN:

Meet me at the L**** restaurant.

Me:

Po? sino po sila?

UNKNOWN:

Don't ask just come.

Napangiti ako, siguro si cloud to! sus may alam pa siyang ganto ganto.

Hindi na lang niya ako ichat-_-

need paba mag iba ng account?

Hindi na ako sumakay sa tricycle dahil mukhang malayo ang restaurant na iyon, buti na lang may pera pa ako na natira kaya nakasakay ako sa taxi.

Nang makarating ay napanganga ako sa ganda, mamahaling restaurant ito.

Nasa entrance na ako ng may sumalubong sa'kin na lalakeng naka itim na tuxedo.

" Good evening ma'am natasha" yumuko pa ito ng bahagya.

Naiilang na ngumiti ako sa kaniya at yumuko din.

" Follow me ma'am" tumango ako at sinundan siya.

Napansin ko ang isang ginang sa di kalayuan, walang gaanong tao sa pwesto niya.

Huminto kami sa tapat niya at yumuko sa kaniya ang lalakeng sumalubong sa'kin.

" You must be natasha xian magdirigma" seryoso ang boses niya at ang kaniyang mga tingin.

Napalunok ako bago dahan dahang tumango " A-ahm....o-opo" kinakabahan na sagot ko.

" Have a sit" tinuro niya ang upuan na nasa harapan ko, umupo naman ako.

" I invited you because I need to tell you something" Hindi ko alam pero bakit sobra ang kaba ko?

" A-ano po yon?" nauutal na tanong ko sa kaniya.

" End your relationship with him" napakunot ang noo ko.

eh? end kanino?

Napayuko ako dahil hindi ko na gets ang sinabi niya.

" You know what I mean" sabi pa niya.

" A-ahm...Ma-ma'am" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita siya muli.

" My son, cloud" doon na ako napa angat ng tingin.

" I want you to end relationship with him" napa uwang ang bibig ko.

" My son is the heir of our family business, he's the only hope of our family and I don't want him to be with some girls who are not in our standard or should I say I don't want him to be with someone like you" parang tinusok ng karayom ang puso ko sa sinabi niya.

tama ako. tama ako na hindi ako tanggap ng mama niya.

" How many cash you want just to stay away from my son?" may inilabas siya na cheke.

Bago pa siya makasulat doon ay nagsalita na ako.

" Mahal ko po ang anak ninyo ma'am at mahal din ako ng anak niyo, hindi matutumbasan ng pera niyo ang pagmamahal na yon" sagot ko habang nakayuko.

" You love my son?" tumawa siya ng payak " If you really love my son, break up with him".

" Bakit niyo ho ba pinipilit na makipag hiwalay ako sa kaniya?" naiinis na wika ko at nakakuyom na ang kamao ko na nasa ilalim ng lamesa.

" Because he doesn't have a future with you! you're such a low class for my son, wala kang maipapakain sa anak ko at hirap lang ang mananarasan niya sayo!" pinipigilan ko na hindi maiyak.

" Hindi mo ba napapansin ha?! simula ng makilala ka ng anak ko hindi na niya ako sinusunod! hindi na din niya sinasamahan si klarise at lagi na lang siyang busy! pero pagdating sayo lagi siyang nand'yan" umangat ako ng tingin sa kaniya at kita ko na nanunubig na ang kaniyang mga mata.

" He changed because of you! you thought I didn't know what he did for you? he skipped his class just to go to your house because he knew that you were sick! he gave money to your family, he treats you better more than he treats klarise. he always put you first before himself" hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Tama siya, laging nand'yan si cloud para sa'kin. Naalala ko yung araw na nagkasakit ako, hindi siya pumasok para lang bantayan ako kahit pa na nasa bahay si mama. binigyan din niya ng pera ang pamilya ko dahil nabaon sa utang at wala kaming pambayad sa kuryente at tubig.

" Break up with him natasha, destiny will tell if you two are meant to be. gusto ko mag focus si cloud sa pag tatrabaho at sa pamilya, after graduation pupunta kami ng US para doon siya pag aralin at itake ang business ng dad niya. he will have successful life kapag pinakawalan mo siya" napasinghap ako at pinunasan ang luha.

Maraming ginawa si cloud para sa'kin pero ako? wala ako magawa para kay cloud.

Pero ngayon mukhang may magagawa na ako para sa kaniya.

Sa isipin na magiging successful business man siya, at aangat ang buhay niya. masaya na ako don.

Tinignan ko ang mommy niya bago yumuko at bumuntong hininga.

" Sige po, makikipag hiwalay ako sa kaniya. pero ipromise niyo sa akin na iingatan niyo siya at wag papabayaan" tumango ang mommy niya.

" I promise" ngumiti siya kaya ngumiti ako, mapait na ngiti.

Para sa kinabukasan niya handa ako gawin ang lahat, kahit na masakit sa'kin na pakawalan siya.





Crush On You Where stories live. Discover now