PROLOGUE:

129 6 2
                                    

Masaya ako na pumasok sa school, siyempre nandito crush ko kaya papakabait ako para sa kan'ya. hindi man niya ako mapansin ngayon pero alam kong mapapansin niya ako not now but soon.

" Oh teh nanaginip ka na naman"
Sabi sakin ni primo, bakla ko siyang kaibigan pero mukha siyang lalaking lalaki kasi tangkad pa sakin tapos laki pa ng katawan.

" Hayaan mo na hanggang admiring from afar lang yang beshie natin sa crush niya na di naman siya pinapansin" umiiling si bolina dahil doon.

" T-teh teh" pinaghahampas ko si bolina.

" Ano ba yan beh!" inis na sambit niya sa'kin, umiinom kasi siya tapos tinapiktapik ko ayun muntik ng mabulunan.

" I-itulak moko dali! yung malakas dapat mapapasubsob ako kay Cloud!" sabi ko kasi papunta sa dereks'yon namin si cloud kasama mga tropa niya.

Yung nasa kanan ni cloud ay si PRINCE ZION GOMEZ isang anak ng business man dito sa bansa, sila ang may ari ng luxury restaurant at may resort din sila na pagmamay ari.

Sa kaliwa naman ni Cloud ay si SHANDY MERION anak ng business man at model na pumapangatlo sa pinaka malaking business dito, sila din ang may ari ng Merion Hospital na pinaka sikat sa bansa at magagaling ang mga doctor don.

Yung dalawang nasa likod naman ay magkapatid na sina PHANTON at PHAXTON SERWINO anak ng Engineer at Architect, sila ang may ari ng P.P instructions. Magkapatid sila at pareho ang height pareho din na babaero kaya walang nagtataka na kung bakit magkapatid sila kasi parehas na parehas ang ugali.

And lastly is CLOUD REIN NASHVILLE anak ng pinakamayaman na business man at Model dito sa bansa, ang business nila ang nangunguna. May ari sila ng mga Hotels & Restaurants, Resorts, Club and other business nila.

oh diba ang yaman ng crush ko

Hinintay muna namin na makalapit sila at......doon na ako tinulak ni bolina sa sobrang lakas ng tulay niya sakin ay napaharap sa'kin si cloud at napahawak ako sa dibdib niya pero dahil nga sa lakas non ay natumba kami parehas, okay lang sana kung natumba lang pero nag lip to lip kami!

mygosh nahalikan ko siya!

Rinig ko ang pagsinghap ng mga nakakita samin, nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya para akong nanigas. Kita ko din ang paglaki ng mata niya, ilang segundo bago ako natauhan at biglang tumayo at umalis sa ibabaw niya.

Nakakahiyaaaa!!!!

" What the fuck is your problem?!" kunit noong sabi ni cloud ng makatayo siya at inalalayan siya ng mga kaibigan niya, pinunas punas pa niya ang labi niya.

Grabe.......ayaw ba niya sa kiss ko?

" A-ahm ano sorry hindi ko sinasadya" nauutal na sabi ko, nakita ko sa gilid ng mata ko na lalapit sana sila bolina kaso humakbang papalapit sa'kin si cloud kaya napalunok ako.

Nilapitan niya ako at tinititigan ang aking mga mata, eye to eye. Seryoso siyang nakatingin kaya bumilis ang takbo ng puso ko kala mo hinahabol ako.

" S-sorry talaga hinfi ko sinasadya na-naitulak lang ako promise!" kinakabahan na ako dahil nakatitig lang siya sa'kin!

Hindi niya pinansin ang sinahi ko, lumapit pa siya kaya napapikit ako. Oh Lord save me......

Hinihinyko na may tumama sakin pero wala ako naramdaman kaya dinilat ko ang mga mata ko at nagtaka ako kung bakit wala na sila sa harapan ko, paglingon ko sa likod ko ay nandun na sila naglalakad papasok sa building.

Agad naman na tumakbo sila bolina sa pwesto ko at tinanong kung okay lang ako pero tulala parin ako at wala sa sariling napahawak sa labi ko.

T-that's....... that's my first kiss!

Crush On You Where stories live. Discover now