CHAPTER 31:

72 3 0
                                    

" Wahhh!" tilian naming mga girl, sila primo eh seryoso na nanonood.

Nakakapit na ako sa braso ni cloud, habang si cloud ay naka cross ang braso niya.

" Gago nasa likod mo!" sigaw ni bolina kaya tinapik siya ni primo.

" Ohmy! ayan na siya!" sigaw naman ni sofie.

" Tangina naman bolina! mas malakas pa tili mo kesa sa sound ng movie!" reklamo ni primo.

" Wow 'di porket hindi ka natatakot ah" inirapan siya ni bolina.

" Ay putangina ang pangit!" tili ulit ni bolina ng may ipakita na babaeng mataba na multo sa screen, basang basa ang babae kala mo ay nilunod sa past life niya.

" Are you scared?" mahinang tanong ni cloud.

Dahan-dahan akong tumango, lumapit siya sa'kin at hinalikan ang noo ko.

" Don't be. I'm here and it's just a movie love" sabi niya kaya tumango ako at naramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko.

Tinapos namin ang movie at panay ang mura ni bolina.

" Inangyan mas nakakatakot tili mo bolina kesa sa movie" saad ni primo sa kaniya.

" Mas nakakatakot yang pagmumukha mo" pambabara ni bolina sa kaniya.

Nanood kami ng nanood ng mga movie hanggang sa hindi namin namalayan na nakatulog na kaming lahat.

Nagising na lang ako sa isang tapik ng kung sino, nagmulat ako at bumungad sakin si cloud.

Tinignan ko ang paligid at tulog pa ang mga kasama namin, dito na pala kami sa living room nila nakatulog.

" Let's go" Sabi ni cloud kaya kumunot ang noo ko, kahit na nagtataka ay nagpahila ako sa kaniya.

Umalis kami sa living room at nakita ko na papunta kami sa garden.

Madilim pa ang paligid.

" Anong oras naba cloud?" tanong ko ng makaupo kami sa damuhan.

" 4:10 a.m" sagot niya.

kaya pala madilim pa.

" Bakit nga pala tayo nandito?" tanong ko.

Gaya ng nakasanayan niya ay hinawakan na naman niya ang beywang ko at hinigit para lalong magdikit ang mga katawan namin.

" I want to have quality time with you, gusto ko tayo lang dalawa kaya dinala kita dito" saad niya na nagpangiti sa'kin.

Nakatingin lang kami sa kalawakan, may mga bituin don at napaka ganda pagmasdan.

" Nat" tawag niya kaya tinignan ko siya.

" My mom will be here next week" mahinang sabi niya.

" I want to introduce you to her, I want her to know that I already have you" sabi niya kaya napangiti ako.

" Sa tingin mo ba ay matatanggap ako ng mommy mo?" tanong ko sa kaniya.

" Oo, she said to me before. who ever woman I loved she's okay with it as long as the woman love me too" sabi pa niya.

" Si klarise diba ex mo yon?" tumango siya.

"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko pa.

" She cheated, it's our 2nd anniversary but I caught her with other guy and you know who's that guy is?" umiling ako.

" It's lance" napayuko siya pagsabi non samantalang ako ay gulat.

" I saw her with him that day, I was so happy before that scene happened. I was holding a bouquet and a cake with a gift for her, but soon as I entered her condo that made me froze. kaya ayaw ko na lumalapit ka kay lance, I'm afraid that he will take you away from me." kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

Dahil sa aking narinig ay may kung anong galit ang naramdaman ko.

" Kaya please natasha, stay away from him" tumango ako at niyakap siya.

*-*-*--*-*-*-*--*-*-*-*--*-*-*-*--*-*-*-*--*-*-*-*-*--*-*-*-*--*-*

Ngayon ang araw ng pagdating ng mom ni cloud kaya nag absent siya muna.

" Sa tingin niyo mabait yung nanay ni cloud?" tanong ni bolina.

Nandito kami sa cafeteria, kami lang nandito at wala sila shandy dahil sinamahan nila si cloud sa airport.

" Why do I feel like not?" ani ni sofie bago sumubo ng fries.

" Mabait naman siguro" si primo na ang nagsalita.

" Hays......tingin niyo matatanggap ako ng mommy niya?" tanong ko sa kanila, lahat sila ay napahinto sa pagkain.

" Oo naman sino hindi tatanggap sayo? matalino kana at maganda pa!" naka thumbs up na sabi ni bolina.

" Pano kung hindi?" kinakabahan na tanong ko.

" Alam mo don't think negative nat, malay mo magustuhan ka tapos biglang welcome to the family pagka kita sayo" pagpapagaan ng loob ni
primo.

" Mayaman sila, mahirap lang kami" napayuko ako.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko at tinignan ko kung sino iyon.

" Nat it's not about the status in life, so what if they're rich and you're not. as long as you love each other, money can't buy love nat" sinasabi iyon ni sofie habang tinatapik ang balikat ko.

Sana nga matanggap ako ng mama niya, dahil hindi ko alam gagawin ko kung hindi ako matanggap.

*-*-*--*--*-*--*-*-*--*-*-*--*-*-*-*--*-*-*-*--*-*-*-*--*-*-*

Cloud POV:

" Hey mom, welcome back" I smiled as I saw my mom.

She hug me so I hug her back, after that my friends hug her too.

" Where's klarise? kala ko kasama mo siya magsundo sakin?" ayan ang unang tanong niya pagkasakay namin sa car.

" Mom I already told you that we broke up, she cheated on me mom" I felt irritated.

" Son, you should give her a chance and forgive what she did to you. forget the past" napahinga na lang ako ng malalim.

Ang mga kaibigan ko naman ay walang imik, nakita ko ang pag aalala sa mata ni shandy.

" Contact her and tell her go to our house to have dinner"

" Mom I already have girlfriend and she's more better than that cheater" she stopped scrolling on her phone and look at me with her eyebrow raised.

" Who's that girl?" she asked in a serious tone.

" You will meet her soon mom" sagot ko and I checked my phone if natasha texted me and I was right.

My love:

Nasundo mo naba mommy mo?

Me:

yes. actually we're here at my van, did you already eat?

My love:

Opo, kakatapos lang

Me:

Good, later I'll call you okay? I love you love.

My love:

I love you too mwuahh<3

I smiled because of the emoji.

" Why soon? kung pwede naman na agad ko siya makilala?" napabuntong hininga ako.

" Mom ayoko siya biglain, let's give her a time and when she's ready I'll bring her to our house" hindi na siya kumibo.

Crush On You Where stories live. Discover now