CHAPTER 26:

79 3 0
                                    

Hindi pa din ako nakaka get over kaya naman nagsalita ulit siya.

" Step on my shoulder I'll help you to across this, come on natasha be brave and don't worry I'll be right here ready to hold you" sabi pa niya kaya napalunok ako bago ko tinungtongan ang balikat niya.

Narinig ko pa ang pag groan niya kaya binilisan ko ang kilos hanggang sa mapunta ako sa kabilang side, napa higa ako kasi tumalbog ako eh buti na lang hindi sa tubig talbog ko.

Kita ko ang pag angat ni cloud, pareho na kami na nalagpasan ang dambuhalang baloon.

" Nasaan si lance?" takang tanong ko, ang alam ko kasi nasa likod ko si lance.

" Natulak na siya, busy ka kasi sa pag lakad kaya hindi mo napansin" aniya kaya napatango na lang ako.

Inalalayan niya ako tumayo " Let's get that flag love" hindi ko alam pero uminit ang magkabilang pisngi ko.

love.....

Matapos non ay umiwas na ako ng tingin at nagsimula na ulit, madulas talaga ang naaapakan namin kaya minsan napapahawak si cloud sa siko ko para hindi ako matumba.

Napahinto kami ng sumalubong samin si liam na red team, napalunok ako pero nagtaka ako ng bigla siyang tumalon sa tubig.

eh?

" Let's go before they catch us" sabi ni cloud kaya dumeretsyo na kami.

Kaagad ko na hinablot ang flag at iwinagayway, narinig ko ang pag saya ng aming team ng pumito ang structor.

" Yes we did it!" ani ko at biglang yumakap sa kasama ko.

Natigilan ako ng marinig ko ang katyawan ng mga studyante, agad kong tinignan ang niyakap ko at si cloud nga pala kasama ko.

shit naman oh...

" If this can make you happy then I'm willing to do everything just to make you win, just to make us win" sabi pa niya kaya nahihiyang humiwalay ako sa kaniya.

*-*--*-*-*--*-*-*-*-*-*--*-*--*-*-*--*-*-*-*---*-*--*-*-*--*-*

" Huy ano yon ha!" sabi ni bolina na may kahulugan na tingin.

" W-wala yon! nabigla lang ako" napayuko ako at narinig ko ang tawa nila.

" dumada moves ang beshie" natatawang sabi ni primo kaya tinarayan ko siya.

" Okay naba kayo?" tanong ni sofie kaya umiling ako.

" Teh baka naman set up lang yon at hindi talaga ginawa ni cloud" ani ni bolina at tumango ang dalawa.

" That's true, we all know klarise is obsessed to cloud. maybe she set it up at pinalabas na may nangyari sa kanila so that you and cloud will be separated" sabi naman ni sofie at nag apir pa sila ni bolina.

" Narinig mo naba ang side ni cloud? I mean his explanation?" tanong ni primo na mabilis kong inilingan.

" You should listen to his explanation first before you did that" straight na sabi ni bolina.

" Shalah teh straight English ah" ani ni primo at napa ngisi si bolina na may halong pagyayabang.

" Siyempre ako pa" sabay hawi sa buhok niya.

" By the way girls, may gaganapin mamaya. competition I think swimsuit competition tapos may prize daw ang mananalo" pag iiba ni sofie sa usapan.

Magsasalita pa sana si bolina pero nakarinig kami ng anunsyo, " students listen we were having a competition, a beach competition to be exact. each course must have their representative female and male, and they will wear a swimsuit and trunks. that's all"

Lumabas na kami at pumunta sa mga kaklase namin.

" So sino pambato natin?" tanong ni vanessa na president namin.

" Sa girls si natasha na lang tutal maputi at sexy for sure panalo tayo" suggest ng isa kong kaklase kaya lahat sila napatingin sakin.

" Eh? bakit ako? dami naman girls dito ah" angal ko.

" Natasha may mga jowa na sila at ikaw wala pa" napa wow na lang ako sa sinabi ng secretary namin.

" she's right, alam namin na pag papanggap lang lahat ng mayroon sa inyo ni cloud kaya okay na yan" pamimilit nila.

kaya sa huli wala ako nagawa kundi pumayag.

" So sino naman sa boys?" tanong ulit ni vanessa.

" Si zairo na lang!" lahat kami ay napatingin kay zairo na tahimik, yes sa lahat ng lalake ay siya ang tahimik.

" Wait pwede naman si cloud, kaso wala siya dito" sabi naman ng isa pa naming kaklase.

no..... please kahit sino wag lang si cloud.

" Okay lang ba sayo zairo?" tanong ni vanessa.

" Ye-" naputol ang sasabihin ni zairo ng may magsalita.

" Ako na" lahat kami ay napalingon kay cloud na bagong dating.

Kita ko na ang sama ng tingin niya at umigting ang panga.

" Sure ka?" nag aalangan na tanong ng vice.

" What? do you think I'm joking?" seryoso na sabi ni cloud at naglakad papunta samin.

" Okay so you will be partner to natasha" anunsyo ni vanessa " Dahil okay na yung mga susuotin niyo na lang, don't worry tutulungan naming mga girls si natasha while kayong mga boys tulungan niyo si cloud"

Matapos non ay hinatak na nila ako sa bathroom ng girls at doon ay isa isa nilang nilabas lahat ng dala nilang swimsuit.

" Pili ka natasha" sabi ni vanessa at napanganga ako kasi karamihan two piece tapos sexy talaga tignan.

" Wag ka mag alala tong mga to ay extra namin, hindi pa nagagamit" tumango ako at nag simulang mamili.

" Baks ayusin mo pag pili mo!" sabi naman ni bolina.

" Dapat mas maganda ka kay klarise" sabi pa ni sofie at lahat sila ay natawa.

Sa huli ay napili ko ang swimsuit na hawak ni lovely, maganda siya and kulay red siya na two piece. sakto din naman sa sukat ng katawan ko.

Matapos nila ako ayusan ay pumunta na kami sa event, nang makita ako ng karamihan ay lahat sila ay napapasabi na ' ang ganda' , 'ang sexy'.

" Pasok kana sa back stage nandoon na sila cloud" ani ni vanessa kaya pumunta na ako.

Sinamahan ako ni bolina and sofie, pagdating namin sa backstage ay marami ng contestant.

" Beshie!" sigaw ni primo kaya napalingon kami doon.

Napalunok ako ng kasama pala niya sila cloud, naka trunk ito at kitang kita ang abs niya na hulmado.

Kita ko ang pagdilim ng tingin niya at nag igting ang panga niya sabay pa na naka kuyom ang kamao niya.

Pumila na kami ng sabihin na mag start na daw ang event, ramdam ko si cloud sa likod ko at nagulat ako ng hawakan niya ang beywang ko.

" I'm the only one who perfect to be your partner natasha" bulong niya sa tenga ko kaya nagtaasan lahat ng balahibo ko.

help me Lord......makakaya ko to!

Crush On You Where stories live. Discover now